Chapter 21

31.3K 613 55
                                    

Anong masarap kainin sa loob ng airplane kapag bumabyahe?
A. Cup noodles. Na napakamahal kasi may tax at pati noodles ay may pamasahe rin.
B. Lahat. Kakainin ko pati mga stewardess, isama mo na ang katabi kong malakas maghilik.
C. Wala. Kasi ang mahal ng mga pagkain. Budget airline lang sinasakyan ko. Kaya matutulog na lang ako kesa kumain.
D. Lakompake! Bakit may ganitong tanong?

Sakay kaming dalawa ni Mr. T nang sumundong kotse sa amin mula sa airport. Hindi ako makapagtanong pang muli kay sir. Naguguluhan ako at hindi ko alam kung paano magsisimula para liwanagin niya iyon. Parang nagre-replay sa isip ko ang nangyari kanina. Hinalikan niya ako! Siya raw ang mapapangasawa ko! Anak ng putakte! Kanina ko pa nga kinukurot ang sarili ko at baka nananaginip lang ako. Kaya ba niya ako dinala rito para itanan? Namaaan! Buti nag-toothbrush ako!

Pero... Gusto ko pang ma-enjoy ang pagkadalaga ko. Puwede naman niya akong kausapin ng maayos. Give me time. I need time to think, ya know. Hindi iyong padalos-dalos siya.

"Kanina ka pa tahimik."

Napakislot ako nang magsalita si sir sa tabi ko.

"P-Po?" Bigla kong nahawakan ang tiyan ko. Ano ba ito? Naiihi pa yata ako.

"Stop that. Tanggalin mo na ang po at opo sa pagitan natin." Mahinang sabi niya na tila ayaw iparinig sa matandang driver na nasa harapan namin.

Tumango akong medyo nahihiya. Wala na talagang galangan? Bastusan na gusto niya.

"Simulan mo nang tawagin akong, Brix. Ikaw na ang fiancee ko, Mayumi." Nakakakilabot ang sinabi niya.

"P-Pyansa?" Iyon nga ang orihinal na trabaho ko rito 'di ba?

"Fiancee. Ibig sabihin, ikaw ang kasintahan ko. Ikaw ang pakakasalan ko."

Whut? Paano nangyari iyon? Nagbago na ba ang Filipino dictionary? Mababasa na talaga ang panty ko. Ihing-ihi na ako sa pinagsasasabi ni sir, este ni Brix. Nakakakilig. Nakakakaba. At nakakapagpasakit ng puson ko!

"Eh, b-bakit ako? B-Brix?" Aru josko!

Tumaas ang gilid ng labi niya. Parang may kumislap din sa mga mata niya.

"Dahil ikaw ang gusto ni lolo." Tiningnan niya ako. "I don't know what he sees in you para pagkamalan ka niya. Pero huwag kang magkakamali sa trabaho mong ito, Mayumi. You need to act as if you really love me..."

Alam ko na! Kaya niya ako hinalikan kanina para kunwari nagmamahalan kami. Eh hindi naman namin kaharap si lolo pogi kanina ah.

"Sorry if I kissed you. Ang daldal mo kasi. Hindi ka marunong makinig." Nagulat ako nang bigla niya akong akbayan. At bumulong sa tainga ko, "Gagawin mo 'to kung ayaw mong mawalan ng trabaho. You're doing yourself and your family a favour, miss. Thirty days with me is all I ask."
Pinisil niya ang braso ko.

Konti na lang. Konting-konti na lang talaga at lalabas na ang pinipigil ko. Naninigas na nga ako sa kinauupuan ko ngayon.

"Narito na po tayo, Sir Brix." Ani ng matandang driver nang huminto ang sasakyan.

Grabe! Labas pa lamang ng bahay ay hindi mo na maipagkakaila na mayaman ang nagmamay-ari. Pinaghalong brown at white ang kulay ng bahay. Kahit gabing-gabi na, makikita pa rin ang karangyaan ng paligid. Naglalakihan ang mga ilaw at mga bintanang akala ko'y makikita ko lamang sa mga simbahan. Parang hindi naman bahay iyan. Ano ba ang tawag sa ganyan? Palasyo?

30 Days with Mr. T (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon