Warning: Incomplete po ito sa Wattpad. Buy the book at Psicom Shop
Maraming salamat po sa suporta 🙏~~~~~
No.1 in Romance, No. 1 in General Fiction, No. 1 in Love, No. 1 in Humor
A/N: Musta po mga prends?
Hopefully makatapos ulit tayo ng isang ala wentang wento. La lang! Senti lang!
~~~~~~~~~
"MAY, bakit ganyan ang ayos mo? Naligo ka man lang ba?"
Nahihiya ako na nginitian si Leng saka ko kinamot ang nangangating ulo.
"Hay! Tara na nga! Baka ma-late pa tayo!" Hinila niya ang braso ko papasok sa napakalaking gusali.
May dala-dala kaming folder kung saan nakalagay ang aming application forms. Mag-a-apply kasi kami ng trabaho. May opening daw rito para sa mga undergraduate. Ang sabi ni Leng, mataas magpasahod dito sa Tee Corporation. Kaya magbabakasakali kami kahit anong posisyon lang.
"Mga Miss, saan ang punta n'yo?" May humarang agad sa amin na lalaking nakapostura. Malaki ang pangangatawan at seryoso. May nakasabit din sa tainga niya. Earpiece yata.
"Mag-a-apply po," sagot ni Leng.
"Nasaan ang mga application forms n'yo?"
Halos sabay naming ipinakita sa kanya ang hawak naming mga folder. Tiningnan lang niya ang mga dala namin saka pirming tumitig sa akin.
Siniko ako ni Leng at saka bumulong, "May crush sa 'yo." Nanlaki ang mga mata ko. Siyempre ang ganda ko kaya!"Puwede ka, Miss. Sakto ang vacancy para sa 'yo," sabi ng lalaki na nakangisi. Tingin ko, guwardiya siya rito kasi may batuta siya.
"Talaga po?" Ayos, kung matanggap ako. Matutuwa si Magilas panigurado!
"Oo naman! Janitorial position kasi ang bakante. Saktong-sakto ka!"
Hindi pa rin mapilas ang ngiti ko. Ibig sabihin, may opening sila for janitress. Ano kaya? Pang-regular kaya iyon? Puwedeng mapermanente? Nakaka-excite!Naramdaman ko ang kurot ni Leng sa tagiliran ko. "Aray ko!" Napatingin ako sa kanya.
"Gaga ka! Nilalait ka na, hindi mo pa alam?" mariin niyang sabi pero mahina lang. Nagtaka naman ako sa ibig niyang sabihin. Kumunot tuloy ang noo ko. "Hitsura mo naman kasi!" Parang nauubos ang pasensiya niya. Nagmamadali siyang nangalkal ng kung ano sa kanyang handbag. Suklay pala. Agad niyang sinuklay ang buhok ko. Malakas na tumawa ang guwardiya at saka kami iiling-iling na tinalikuran. Kitang-kita ko ang panggigigil ni Leng.
BINABASA MO ANG
30 Days with Mr. T (Published under PSICOM Publishing Inc.)
Ficção GeralHighest Rank Achieved #1 in General Fiction #1 in romance #1 in humor #1 in love #1 in billionaire #1 in kilig #1 in boss #1 in terror #1 in rich #1 in fiancee #1 in pretend #1 in cassanova #1 in heart #1 in crush #1 in mature #1 in ceo #1 in exe...