Chapter 50

29.2K 605 60
                                    

Warning: Incomplete po ito sa Wattpad. Buy the book at Psicom Shop
Maraming salamat po sa suporta 🙏
~~~~~

Salamat po sa mga comments. Hindi ko man sinasabi pero bawat comment nyo ay isa-isang binabasa ni author. Kapag may comment, mas inspirado ang pagsusulat. Kaya, thank you mga bes!
~~~~~~~~

"Hahhh... Hahhh... Hahhh..." Humihingal akong pinunasan ang pawis sa noo. Nakakapagod talaga. Next time, hindi na 'ko pakakasal ulit. Napakarami palang kailangang ihanda.

"Ma'm Mayumi, ano pang itinatayo-tayo mo riyan? Kumilos ka nga. Palitan mo ang mga kurtina! Ang kupad-kupad nito. Hmp!" nakangusong tinalikuran ako ni Gloria, may dala siyang naglalakihang mga paso.

Kulang na lang lampasuhin ko pati nguso niya. Kung makautos akala mo siya ang amo. Busy na kasi ang lahat. Three days mula ngayon ay kasalan na. May parteee dito sa buong palasyo ng Talaserna. May mga darating daw na sikat na mga tao. Si senator, si congressman, si mayor, si counsilor, saka si Mang Kanor. 'Citing!

Ayaw nga sana ni honey ko, gusto niya kasi kami-kami lang. Kaya lang si lolo, makulit, eh. Sabi niya, hindi na nga raw kami ikakasal sa simbahan, hindi pa rin kami mag-paparty? Hindi na siya makapapayag. Kaya heto, para kaming hilong-talilong kakaikot. Napakalaki pa naman ng bahay ni lolo.

Napangiti ako sa aking sarili. Ilang araw nang mabait sa 'kin si Brix. Feeling ko nga, nahuhulog na siya sa akin. Kung makatitig kasi siya, para akong matutunaw. Yung titig na hindi kumukurap. Tapos parang meron pang kumikislap sa mga mata niya. Hindi siya sumisigaw, hindi niya ako tinatawag na idiot, tanga at boba. Naninibago na talaga ako sa kanya. Baka napag-isip-isip niya na meron din pala akong halaga? Na hindi lang ako basta tao, kundi may puso't damdamin ding nasasaktan at tumitibok. At sa bawat pakikitungo niya sa akin, mas nakakaramdam ako ng kakaibang damdamin. Yung tiyan ko parang hinahalukay kahit hindi naman ako gutom o natatae. Yung dibdib ko kumakabog malayo man siya o malapit. Sana nga totoo ang mga nakikita kong pagbabago sa kanya. Sana nga huwag na siyang mawala sa akin.

Kailangan ko na nga palang palitan ang damit ko. Basang-basa na kasi ako ng pawis. Nangangamoy kili-kili na nga ako. Dapat palagi akong mabango. Baka dumaan si Mr. T at bigla akong sunggaban, hehe. Dapat girl's scout. Palaging handa.

Paakyat ako ng silid ko nang parang may nagtatalo akong narinig. Sino naman kaya ang mag-aaway sa nalalapit kong kasal? Malamang si Mr. T at Lily lang. Kasi hindi makakapayag ang bruha na makasal ako sa syoota niya! Hindi niya pakakawalan si Brix kaya maghuhubad siya sa harapan niya. Tapos, ise-seduce niya si Brix. Tapos ang kawawang Mayumi, magtatatakbo, iiyak at magmumukmok.

Lakas-loob akong tumapat sa pintuan ng silid ni Mr. T. Pinihit ko ang lock. Dahan-dahan, yung wala kahit anong ingay. At muntik na akong mapasigaw sa nakita ko. Para naman akong nagdilang-aswang. Kung bakit nakapatong si Lily sa ibabaw ni Brix. Walang saplot. Walang takip. Ni hindi man lang nag-lock ng pinto. Naghahalikan sila. Naglalampungan. Nagjujugjugan!

Nahigit ko ng malakas ang aking hininga. Halos sabay silang napatingin sa kinaroroonan ko. Kaya pala may nakakapatay kapag pinagtataksilan ka. Kaya pala may nasisiraan ng bait kapag nahuhuli mong may katalik na iba ang mahal mo. Ganito pala kasakit iyon. Ganito pala katinding dumurog ng puso.

Nagtama ang tingin namin ni Brix. Naitulak niya si Lilyng haliparot. "Shit!" nasabi niya. Habang si Lily ay para pang nangungutya ang mga mata.

"Shit rin kayo!" lumabas sa bibig ko. Nagtatakbo ako. Pinasok ko ang silid ko at sinigurong nakakandado. Nagharang pa ako ng mesa, ng silya, ng drawer pati kama. Walang pwedeng makapasok dito. Walang pwedeng makakita kung gaano ako mukhang kawawa. Mukhang tanga. Mukhang gaga!

Alam ko namang si Lily talaga ang mahal niya. Sa simula pa lang ay tau-tauhan lang ako sa paningin niya. Napilitan lang naman talaga siyang iharap ako kay Don Emilio. Napilitan. Hindi kusang loob. Hindi tunay sa damdamin niya. Kaya ano itong sakit na nararamdaman ko? Bakit sobrang hapdi na kahit pigilin ko ay ayaw tumigil? At itong luha ko, shit na luha ito, kung bakit daloy nang daloy. Punas na nga ako ng punas, pero patuloy pa ring naglalandas sa pisngi ko.

Namataan ko ang nakabukas na drawer na pinangharang ko sa pintuan. At kinalkal ang isang pirasong papel na kailanman ay hindi ko na muli pang matatanggap. Ang dahilan kung bakit ako nananatili rito ay dahil sa perang ito. Inaamin ko noong una, ito lang ang habol ko. Para sa mga kapatid ko lalo na kay Marikit na gusto ko sanang maipagamot. Sa pamilya ko na siyang pinakamahalaga sa buhay ko. Pero ngayon, gusto ko ring habulin ang kaligayahan ko. Gusto ko ring maging masaya, maranasang magmahal at mahalin. Akala ko ay maayos na kami ni Brix! Akala ko napapansin na niya ako...

Nakita ko pa ang isang papel. Ang kaisa-isang papel na nagsasabing gusto rin ako ni Brix.

Punyeta! Pa-ayla-aylayk-yu pa siya! Pakyu! Pinagpupunit ko ang piraso ng papel na iyon. Kasabay ang papel kung saan nakasulat ang kalahating milyon. Bumagsak ang mga iyon sa aking paanan. Katulad din ng mga luha ko ngayon na bumabagsak ng paulit-ulit.

Mayumi, after the wedding, pwede ka bang maghintay? Pwede ka bang nar'yan lang at maging kaibigan ko? I promise I will give you something in return. Basta't maghintay ka lang."

Pahintay-hintay pa siyang nalalaman! Ano'ng hihintayin ko? Na magmukha na naman akong tanga? Eh mukha na nga akong tanga! Kung 'di ba naman ako sangkaterbang tanga, kung bakit nagpapauto sa lahat ng sinasabi niya!

Napapikit ako. At nag-flash back ang mga hubad na katawang naglalampungan sa ibabaw ng kama. Alam ko, hindi lang isang beses ko silang nakitang naghahalikan ni Lily. Nagbulag-bulagan ako kasi sino ba naman ako para magalit?

Pero tangina naman po! Napasukan na ako ng ano niya. Dapat kung inano na niya 'ko, hindi niya na 'ko inaano!

Nasabunutan ko ang aking sarili. Hindi na talaga ako magbabago. Tangengot pa rin ako. Kahit isang beses, nag-sorry man lang ba si Brix noong inano niya 'ko? Nagsabi man lang ba siya na hindi niya sinasadya? Wala! Tseke ang iniabot niya at hindi isang sorry.

Noong naulit muli yung ano, nag-thank you man lang ba siya? Wala! Iniwan niya 'kong nakanganga sa kama habang siya ay nagtatampisaw sa hinayupak na Lily na iyan!

Narinig ko ang sunod-sunod na katok. "Mayumi... Mayumi, mag-usap tayo." Si Brix. Ano naman ang gusto niyang pag-usapan? Kung paano siya inano ni Lily? Bwiset. Pinahid kong muli ang luha sa mata ko. "Mayumi, please..."

Kita ko ang paggalaw ng seradura.

"Go away, Brix." Taboy ko sa kanya. "Leave me, alone."

"Mayumi," napapikit ako sa malambing na tinig niya. "Buksan mo naman ito?" At lalong naluha.

Hindi ba't siya si Mr. Terror? Siya rin si Mr. Tough. Bakit kailangang ganyan ang boses niya? Magalit ka na lang ulit, Brix, please. Para hindi ganito kasakit. Yung harap-harapan ka na niyang niloloko pero nagbabait-baitan pa rin siya sayo. Yung alam mo naman na hindi niya masusuklian ang nararamdaman mo pero nandiyan naman siya at pakatok-katok sa pinto mo.

"Tulog na 'ko, Brix! Huwag ka nang istorbo!" sigaw ko. Tumalon ako sa ibabaw ng kama. Nagtalukbong ng kumot. Kumanta ng...

"Asereje ja de je, de jebe tu de jebere seibiunouva majavi an de bugui an de guididipi. Asereje ja de je," paulit-ulit na parang sirang plaka. Tulad din ng paulit-ulit na sakit na nadarama ko mula noong nakilala ko si Mr. T, na dahilan kaya nagkadurog-durog ako ngayon at parang sirang kinakantahan ang sarili. "Seibiunouva majavi an de bugui an de guididipi..." Hindi ko na alam ang sumunod na lyrics dahil pulos hikbi na ang lumabas sa bibig ko.

Bukas, ibang Mayumi na ako. Hindi na ako magtatagong katulad ng ginagawa ko ngayon. Haharapin ko silang lahat kahit pa pagtawanan nila ako. At kahit masaktan ako, titiisin ko na lang na may Lily sa buhay ni Brix at kailanman ay hindi ko kayang pantayan. Isa lang akong palabas, katatawanan at isang bagay na inaano. Kung bakit nagpa-ano 'ko?! Sana hindi ako umasa. Kasi, wala na talaga akong pag-asa. Isa lang akong Mayumi Dimabuyu at siya si Brixander Talaserna, tagapagmana, na walang panahon sa isang gagang katulad ko. Gaga na tanga pa! Patuloy akong humikbi sa ilalim ng kumot ko.

30 Days with Mr. T (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon