Comment naman po kayo diyan...
~~~~~~
Eto rin yung driver na naghatid sa amin kagabi. Kahit madilim at napakalakas ng ulan, natandaan ko naman siya lalo na ang uniporme niya.
"Kuya, malayo ba yung farm?" tanong ko habang nagmamaneho siya. Nandito ako sa likod niya at nagba-buffering pa rin.
"Malapit lang po iyon, mam. Mga isang oras at kalahati kung sasakay kayo ng eroplano." Sagot ni kuya na tawag sa akin ay mam. Kahit na mukha namang mas matanda siya sa akin.
"Eh kuya, saan ako titira roon?" nag-aalala kong tanong. Bukod sa first time kong sasakay ng airplane, wala rin akong kapera-pera para mangupahan ng bahay doon.
Nakita kong sinulyapan ako ni kuya mula sa salaming nasa uluhan niya. "Hindi ba sinabi sayo ni Mr. T na may napakalaki silang bahay bakasyunan doon? Siguradong doon ka titira."
Napatingin ako sa labas ng bintana. "Sabi ni lolo pogi, may mahalaga raw kaming pag-uusapan doon. Akala ko magtatanim lang ako at mangingisda. Bakit sabi niya doon daw ako ikakasal?" Napabuntong hininga ako habang si kuya naman ay napasulyap sa akin na tila nagtataka.
Naalala ko ang mga pinag-usapan namin kanina nina lolo pogi sa gitna ng pagkain.
"Hija, gusto kong makita mo ang farm na pag-aari ng mga Talaserna. Kung saan nagsimula ang lahat ng aming negosyo. Kapag nagustuhan mo roon, doon ka na magpapakasal. Of course, we will ask your parent's permission."
"P-Po?" nalilito kong tiningnan si Mr. T na inom lang ng inom ng kape. Ano ba kasing pinagsasabi ng lolo niya? Saka ano ba yung papyansahan? Bakit sabi nila ako raw ang pyansa ni sir? Paulit-ulit sinasabi ni lolo pogi na, "You're his pyansa, kaya dapat masanay ka na." "Ikaw ang pyansa ng apo ko kaya dapat matutunan mo ang pamamalakad ng farm." "Bilang pyansa ni Brix, dapat palagi kang nakaalalay sa kanya..."
Nakulong ba siya at ako ang gagawing pambayad? Napabuntong hininga ako. Litong-lito na talaga ako.
Tapos ngayon nagmamadali akong inutusan ni Mr. T na umuwi para raw mag-empake. Ngayong gabi na raw kasi ang pagpunta ko ng farm.
"Nandito na tayo, mam." Naputol ang pagmumuni-muni ko dahil kay kuya.
"Uh okay po, kuya." Bumaba ako ng kotse. "Salamat po."
"Babalikan kita, mam mamayang alas sais ng gabi." Huling sabi niya na hindi ko na nasagot dahil pinaandar na niya ulit ang sasakyan palayo.
Nadatnan ko si Marikit na nanonood ng paborito niyang cartoon show. Tumabi ako sa kanya.
"Hi bunso. Nasa parlor pa sila tatay?" Tumango lang siya kahit hindi naman naaalis ang mga mata sa tv. "Ganoon ba? Kailangan ko kasing magpaalam sa kanila. Aalis kasi si ate. Inutusan ako ng boss ko na pumunta sa malayo." Tumango lang ulit siya. Napasandal ako sa upuan. "Isang buwan ako roon, bunso. Ano kaya ang mangyayari sa akin doon? Mukhang mabait naman si lolo pogi. Pero si Mr. T, nakakatakot." Para ngang nakikita ko ang mga mata niya mula sa aming kisame. "Hindi ko siya maintindihan. Pero kung ayaw ko raw matanggal sa trabaho, dapat daw akong sumunod sa kanya. Kaya magiging pyansa niya ako." Napabuntong hininga ako at nagdesisyon nang magsimulang mag-ayos ng mga dadalhin kong gamit.
Ilang hakbang lang naman ang layo ng gupitan dito kaya naisip kong pagkatapos mag-empake ay pupuntahan na namin ni Marikit sa parlor sina tatay at nanay. Hihingi na rin ako ng pocket money. Bakit kasi ang tagal pa ng una kong sweldo?
Hindi ko pa naisisilid ang lahat ng dadalhin ko sa loob ng maliit kong maleta nang may marinig akong ingay mula sa sala. Dali-dali akong lumabas. Imposibleng si Marikit ang nag-iingay.
"Marikit, sinong-"
"Aha May!" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang makita ko na may bwisita pala kami. "Nandito ka naman pala. Ang akala ko mag-isa na naman si Marikit dito."
Maganda sana itong si medusa kaso singkapal ng balat niya ang make-up niya. Lalo tuloy siyang nagmumukhang trying hard, sabi nga ni Leng.
"Ikaw pala, Dorisa. Maupo ka muna." Sabi ko at tinabihan ko ang kapatid kong busy pa rin sa panonood ng tv. Umupo naman ang babaeng ahas. Iyon kasi ang deskripsyon ni Leng dito kay Dorisa alyas medusa. Kung makapulupot daw kasi sa mga lalaki parang ahas.
"Hoy, May! Delay ang bayad nyo sa renta ha. Pinapunta ako rito ni mommy para maningil." Aniya habang nagde-kwatro pa pagkaupo. Labas tuloy ang kati-kati niya sa hita.
"Ganoon ba?" Sandali akong nag-isip. Tatlong linggo na yata kaming hindi pa nakakabayad ng renta. Kasi naman, kumokonti na ang nagpapa-parlor. Tapos nagmamahal na rin ang mga materyales. Hirap tuloy mag-budget. At ang sweldo ko, sa katapusan pa ng buwan makukuha. Eh paano pa ako makakahingi ng pocket money mamaya kina tatay at nanay kung ganitong may utang pa pala kaming dapat bayaran?
"Oo ganoon na nga!" mataray niyang sabi. Sinipat pa ang mahahabang kuko sa kamay. Saka tumingin ulit sa akin. "I was also waiting for you. Hindi ka ba maglalaba sa amin? Dalawang basket na yung marurumi kong damit, ha! Ayokong i-washing machine ang mga iyon at baka masira lang dahil mahal ang mga damit ko." Eh 'di magpa-dry clean ka. Akala mo naman kasi kung sinong mayaman. Kaya lang naman sila yumaman dahil kay Mr. Smith na asawa na ng mommy niya. "And is it true that you're new job is in Tee Corporation? Paano ka nakapasok doon samantalang ang taas ng standard nila?"
Hindi ko mapigilang mangiti. Inggit kaya siya sa akin dahil sa Tee Corporation ako nagtatrabaho? Ang alam ko, nagtangka rin siyang pumasok sa kumpanya kaso bagsak yata siya sa personality test, sabi ni nanay na naikwento raw ni Mrs. Smith sa kanya rati. Baka magulat ang babaeng ahas na ito kapag nalaman niyang pati si Magilas ay nagtatrabaho na rin sa Tee.
"Oo, tama ka medus... este, Dorisa. Doon na nga ako nagtatrabaho." Sabi ko habang nakatingin sa kati-kati niya, para kasing may dumapong insekto.
Kumunot ang noo niya. "Sino'ng backer mo? Ano'ng posisyon mo?" tanong niyang kinamot ang kanyang sugat. May natanggal pa yatang langib.
"Janitress. Sinwerte lang." Sagot ko.
Humalukipkip siya. "I want to work there because of one reason. Kilala mo ba yung batang may-ari ng Talaserna Corporation? Si Brix? Sabagay paano mo makikilala iyon eh janitress ka lang..." Medyo tumaas ang mga kilay ko. Inggitin ko kaya siya na ako mismo ang naglilinis ng opisina ni Sir Brix? At ako rin ang pyansa ni sir! Pero 'wag na lang, baka sabihin niya mayabang ako. "He's my prince charming!" Muntik akong mabulunan sa sarili kong laway dahil sa ipinagtapat niya. "Matagal ko nang gusto si Brix. Nakilala ko siya sa school namin dahil ako ang nag-escort sa kanya. Kaya kapag nagkita ulit kami, siguradong matatandaan niya ako." May sumilay na ngiti sa labi niya. Parang nangangarap ng gising. "Ang gwapo ng smile niya sa akin that time..." Ganoon? Eh hindi naman nag-i-smile iyon si Mr. T. "Malambing ang boses niya na parang kumakanta..." Weh 'di nga? Eh lagi ngang sumisigaw iyon. "Ang sarap makinig sa mga kwento niya sa akin..." Hmm, si Mr. T ba talaga ang tinutukoy niya? Hindi naman pala-kwento si sir. Pala-kwenta pwede pa. Kinukwenta niya lahat ng gawa ng mga tao niya. At sinisiguro niyang hindi nasasayang ang ibinabayad niya sa mga empleyado lang na kagaya ko. "Kailangan kong makapasok sa Talaserna Corporation para maalala niya ako." Heart shape na ang mga mata niya, hala!
Napatingin si Marikit kay medusa. Saka napailing ang kapatid ko na parang sinasabing, wala nang pag-asa ang babaeng ito. Mahina tuloy akong napatawa.
"Ipasok mo ako sa Tee Corporation, May, kung ayaw mong palayasin ko kayo rito!"
Doon naputol ang pagtawa ko.
~~~~~~~~~
Here I am
There you are
Why does it seem so far?
Next to you is where I should be.
Something I
Want so bad
Know what's inside your head
Maybe I could see what you see.
Let me know
If I'm getting through
Making you understand
If it's wrong, I'll try something new.
Don't look away
Cause I'm here to stay
If it's a game
Then I'm gonna play.
~~~~~~~~~
30 votes po ulit, hihi!😝
BINABASA MO ANG
30 Days with Mr. T (Published under PSICOM Publishing Inc.)
General FictionHighest Rank Achieved #1 in General Fiction #1 in romance #1 in humor #1 in love #1 in billionaire #1 in kilig #1 in boss #1 in terror #1 in rich #1 in fiancee #1 in pretend #1 in cassanova #1 in heart #1 in crush #1 in mature #1 in ceo #1 in exe...