Chapter 32

28.1K 549 17
                                    

Eto na po mga miss. Nag-black out kasi ang aming neighborhood! Generator pa rin nga ang gumagana hanggang ngayon 😦

"Akalain mo! Engagement party mo na? Ano, bes? Kailangan mo ba ng support? Puntahan kita riyan, now na." Ngumunguyang daldal ni Leng habang nagcha-chat kami. Tinuruan ako ni Gloria na gumamit ng waypay para maka-connect daw ako sa internet. Kaya heto, nakikita ko ngayon ang kapangitan ng bespren ko. Ayoko talagang maging hipag ang babaeng ito. Ang panget niya talaga. Daming bakukang sa mukha. 'Di gaya ng feces ko, flowless.

"Talaga, Leng?" masayang tanong ko. Aba syempre gusto kong nandito siya sa tabi ko kahit ampanget niya. "Pupuntahan mo 'ko rito?"

"Oo naman, May. Alam mo namang hindi kita matitiis, 'di ba?" Ngumangata pa rin siyang parang kambing. "Pero ikaw taya sa pamasahe. Ano ako mayaman? Hindi kaya!"

Bigla akong nakadama ng lungkot. Akala ko pa naman, makakasama ko na siya.

"Hindi ako babayaran ni Mr. T hangga't hindi natatapos ang trabaho ko." Napabuntong hininga ako. "Wala pa akong pera."

"Ay boba ka talaga!" nanlaki ang mga mata niya sa screen. "Eh 'di humingi ka ng advance. Siguradong hindi ka pa nakakapagpadala sa inyo, 'no? Gusto mong mapalayas kayo ni medusa?"

Nanghihina akong napaupo sa harap ng dresser kung saan nakapatong ang cellphone ko. Nawalan ako ng salitang dapat sabihin kay Leng. Nang makausap ko sina nanay, hindi na raw kailangan ang pera at sila na ang bahala nina tatay. Pero ganoon naman sila lagi. Ayaw nilang nahihirapan kaming magkakapatid. Gagawa sila ng paraan. At iyon ang nagpapalakas ng loob ko para gawin ang lahat para sa pamilya ko. Kung paanong ayaw nila kaming mahirapan at kung paanong gusto naming makatulong sa aming mga magulang.

"Huwag ka nang malungkot diyan," napansin ni Leng ang pag-aalala ko. "Pasasaan ba at makakaraos din kayo. Ako na ang bahala kay Dorisa medusa. Huy!" aniya nang hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.

"U-Uh, oo naman. Makakaraos din ang lahat ng ito." Pagsang-ayon ko na lang at malungkot na ngumiti.

Napalingon ako nang may malalakas na katok akong narinig.

"O! Ano iyon? Kung makakatok parang gigibain ang pinto, ah." Nakita pala ni Leng sa likuran ko ang pagyanig sa pintuan.

"Teka, titingnan ko lang," sandali akong tumayo nang hindi pinapatay ang screen.

Niluwa ng pinto ang kasambahay na chubby na nagpaluwa rin ng mga mata ko. At ang ganda ng suot niya. Nakasuot din siya ng evening gown na kagaya ko. Kung ang suot ko ay kulay silver, ang sa kanya naman ay kulay bronze. In fairness, maganda rin pala itong si Gloria kapag naayusan.

"Ano ka ba naman Mam Mayumi? Hindi ka pa rin ba tapos mangarap hanggang ngayon?" tanong ni Gloria. Nakapamaywang na pumasok siya sa silid ng palakang naging prinsesa. Mukhang naiinis na naman siya at hindi ko alam kung bakit. "Halika nga rito!" Hinila niya ako at pinaupo sa harap ng salamin. At masakit niyang hinila ang buhok ko pataas.

"A-Aray!" reklamo ko.

"Hoy, sino ka? Bakit mo inaaway ang bespren ko?" narinig ko si Leng mula sa speaker ng cellphone.

Nakita ko sa pamamagitan ng salamin na pinandilatan ni Gloria ang nasa ibabaw ng dresser. "Hindi ako sinuka! Inire ako ng nanay ko!" aniya at isa-isang nilagyan ng hair pin ang buhok ko mula sa sarili niyang buhok. Kinakagat-kagat pa niya iyon na parang gigil na gigil.

30 Days with Mr. T (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon