50 votes po ulit. Sige na po kating-kati na 'kong mag-update!
Char!Korean muna tayo. Anong drama series kinanta ang kantang ito?
"Brix, come on, baby! Kailan mo ba ako kakausapin?"Umikot ang mga mata ko sa ere. Tatlong araw nang pabalik-balik ang Rebecca na ito, dito sa malaking bahay. Hindi na nga siya pinapansin ni Brix pero ang kulit talaga!
At etong si lolo pogi, tila enjoy na enjoy na may dalawang babaeng umaaligid sa apo niya.
"Hija, alam mo namang maraming ginagawa ang apo ko, 'di ba? Marami siyang mga bagay-bagay na pinagkakaabalahan ngayon." Sabay kindat sa akin.
"But lolo, I just came here for Brix..." nagpunas ng bibig sa pamamagitan ng napkin. "Hope he could find time for me." Nagpapaawa ang mga mata sa katabi.
Nakapagitna sa aming dalawa si Brix na kain lang ng kain. Alam mo iyon, parang hindi siya apektado na naririto ang girl lover niya at ang piyansey niya. Magkasamang kumakain at nasa iisang bubong pa.
According to lolo pogi, si Rebecca ay dating manliligaw ni Brix. Sinagot naman daw siya ng matamis na Oo ni Mr. T pero pagkatapos ng isang araw, break na sila. Ngunit sa tuwing paparito sa farm ang kanyang ginigiliw, eh parati rin daw siyang nandyan. Kainis lang kasi hindi siya makaintindi na nandito na nga ako na pakakasalan ni Brix, kahit na acting-acting lang.
"Oh you joker! I know my baby won't going to be seeryaas with anybody! He's Brixander Talaserna, duuuh!" 'yan ang bukambibig niya kapag kaharap ako. Sarap lang niyang kurutin, pramis.
"Just go home, Rebecca." Natigilan ako sa pagsubo. Bigla kasing nagsalita si Brix.
Humilig ang babaeng linta sa balikat ni Brix.
"I won't." Sabi pa niyang nagpa-cute ang mga mata. Cute naman talaga siya. May tsinitang mata, makinis na balat, kayumanggi at sexy kung manamit. Ayan nga at ilang beses nang sinusulyapan ni lolo pogi ang gitla sa dibdib niyang halos lumuwa na. Magkaharap pa naman sila. Etong si lolo, hindi ko talaga maintindihan ang gender.
"I'm getting married." Seryosong pahayag ni Brix.
Amp! Hindi ko akalaing manggagaling ang mga salitang iyon kay Mr. T. O dahil kaharap lang namin si lolo pogi? Pero natameme si Rebecca. Feeling ko, I won! Pahingi pa nga ng hotdog at gutom pa ako. Sarap magngatngat ng karne lalo na't nanggigigil ako, eh.
"Seriously, baby? Thought t'was just a joke." Parang maiiyak na ang boses ni Rebecca. Huminto rin siya sa pagkain.
"It's true." Napangiti ako. Ngayon lang talaga umamin ang Brix na 'to after three days ng pangungulit ni Rebekekang. "You can drop by at our engagement party this Sunday." Patuloy ni Mr. T na wala pa ring reaksyon sa mukha. Ni hindi nga niya tinitingnan ang katabi.
Natahimik ang buong hapag. Parang may dumaang anghel na nagpaulan ng holy water. Tinamaan si Rebecca at hayan, nalulusaw na siya.
"Oo nga pala, hija..." singit ni lolo. "Sumama ka sa amin bukas ng apo ko. Pupunta tayo sa kaibigan kong couturier para masukatan ka na at makapili tayo ng damit na isusuot mo sa linggo." May star-star ang mga mata ni lolo pogi. 🤩
"I'm meeting my team tomorrow, 'lo." Sabat ni Brix habang hindi tumitingin sa kausap. "You know they'll be arriving here to also check the situation."
Ganoon? Mas mahalaga pa ba ang team niya kesa sa pagpunta namin sa kotong yey? Iyon siguro ang pangalan ng shop na pagbibilhan namin ng maisusuot ko. Sabagay, alam ko namang busy siya palagi lalo na at hindi naman tunay ang lahat ng nangyayaring ito. Sa totoo lang, gustong-gusto ko nang magtanong kung bakit niloloko ni Brix ang lolo niya, samantalang napakabait naman nito sa kanya.
"May mas mahalaga pa ba kaysa sa mapapangasawa mo, Brixander?" si lolo pogi na biglang naging seeryass.
"I knew it!" bigla kong muling narinig si Rebecca. Sayang nga at hindi ko siya masyadong makita dahil nahaharangan siya ni Brix. "She's not important to you, baby. She's not your type. And definitely not the girl you're going to spend the rest of your lives."
Ouch! Parang bulls eye naman ako roon! Natigilan tuloy ako sa pagsubo ng hotdog ko.
"Stop it, Rebecca." Ani Brix na bahagyang nilingon ang katabi.
"It's true, right?" muling salita ng linta. "I've known you for so long and I know what kind of woman you're into." Nakita kong hinarap niya si Brix. "Tell me, baby... You're marrying her because she's rich. And you owe her a lot. Repaying her through marriage even if you don't love her! Hindi mo siya mahal, kundi ang pera niya!"
Muntik ko nang mabuga kay lolo pogi ang nginunguya kong tender juicy. Tatawa ba ako? Maiinis? Matatakot? Eh, pareho lang pala kaming row 4 netong si Rebekekang! Gaya ko, baligtad din ang utak niya. Pwede kaming prends ng mga brens namin.
"Rebecca!" si lolo pogi. Mukhang galit kahit nakatingin sa cleavage na nasa tapat niya. "This is my house and you don't have the right to talk like that to my grand daughter-in-law!" Hala! Labas mga ugat ni lolo. "Umalis ka na bago ko makalimutan na magkaibigan kami ng iyong lolo."
Narinig ko ang mga buntong hininga ni Rebecca. "Why should I leave? I'm just telling the truth." Matigas na sabi. "Usap-usapan na rito na nalulugi na ang negosyo nyo. Kaya gumagawa kayo ng paraan para maisalba ang kabuhayan nyo! Kung ako ang pipiliin ni Brix, I'll ask my parents to share our assets with-"
"Leave." Mahina ngunit mariing putol ni Brix kay Rebecca. Hindi gumagalaw ang dalawang kamay niyang kanina ay enjoy na enjoy sa pagsubo ng pagkain.
"Seeryaasly, baby... I'm willing to ask my dad to lend you-"
"I said, leave, Rebecca!"
Napalunok ako. Heto na ang terror na si Mr. T. Nakakatakot na boses. Nakapanlulumong tingin. At nakakapanginig ng tuhod kung makapag-utos.
Umalis si Rebecca na umiiyak. Nagkasalubong pa nga sila ni Gloria na nagkangitiang-aso nang magtama ang mga mata nila. Parang meron silang itinatagong galit sa isa't-isa.
"Tama ang ginawa mo, hijo." Tinig na pumutol sa katahimikan. "Tama na ipinagtanggol mo ang mapapangasawa mo laban sa pinagsasabi ni Rebecca. Ipangako mong ipagtatanggol mo si Mayumi sa lahat ng oras, apo. Ganyan din kami noon ng lola mo." Nagmamalaking pahayag ni Lolo Emil na nagpalit-palit ang tingin sa amin ni Brix.
At muntik ko nang mahigit ang hininga ko nang may mabigat na kamay na umakbay sa akin.
"Yes 'lo." Boses na makapanindig balahibo. "I will always protect her. Hindi ganoong klaseng babae si Mayumi. Kaya nga pakakasalan ko siya."
At doon na ako naging bato dahil hinalikan niya ako sa pisngi kaharap ng lolo niya.
~~~~~~~~~
"Leave, Rebecca, leave!" Acting lang po ng walang maisip! Ahehe!Even if I breathe
I wouldn't be living
If I can't see you,
there is no meaning
whenever you want
The person I want to embrace in my heart
The person I can't let go
I'll take away all your sad tears
The one person in the world
who makes me smile is you
So don't cry anymore
I will protect you.
~~~~~~~~
Vote po and comment.
BINABASA MO ANG
30 Days with Mr. T (Published under PSICOM Publishing Inc.)
General FictionHighest Rank Achieved #1 in General Fiction #1 in romance #1 in humor #1 in love #1 in billionaire #1 in kilig #1 in boss #1 in terror #1 in rich #1 in fiancee #1 in pretend #1 in cassanova #1 in heart #1 in crush #1 in mature #1 in ceo #1 in exe...