Nakaranas ka na bang makagat ng tunay na bubuyog? Masakit daw talaga iyon. At nakakamatay! Hala!
Commercial po muna tayo...
"Lagyan lang natin ng ice pack, baka kasi mamaga."
"Eh 'di ba sabi mo wala namang sting yung bubuyog na kumagat sa akin? Bakit may ganito pa?" tanong ko kay Ben. Napakislot ako nang dumampi ang malamig na ice pack sa braso ko. Sa harapan namin ay ang sinasabi nilang kubo.
"Gusto lang makasiguro ni Sir Brix na kiwot talaga ang kumagat sayo." Aniyang nakatingin sa napakaliit na kagat sa akin. Mas malaki pa ngang kumagat ang lamok, eh.
"Hindi naman masakit." Sabi ko.
"Nag-iingat lang siya. At nag-aalala sayo. Kaya nga nagmamadali siyang pinuntahan ka kanina. 'Di ba, itinaas niya agad ang kamay mo?"
Naalala ko nga iyon. Nakahinga nga ang mga kili-kili ko dahil sa ginawa niya.
"Para hindi kumalat kung may lason na nakapasok sa katawan mo." Itinaas niya ng bahagya ang ice pack upang sipatin ang kagat sa braso ko. "Hindi naman namumula, wala ring umbok. Nangangati ka ba?"
Amp!
Ano ba itong mga lalaking ito? Bakit ambabastos ng bunganga? Ganyan na ganyan ang tanong sa akin ni Brix kanina, ah!
"A-Alin ba ang nangangati?" usisa ko kay Ben.
"Etong kagat mo. Kapag kasi may pamumula, pamamaga at pangangati, patungong anaphylaxis na iyon. Pwede kang mamatay..."
"Ano?!" napatayo ako. Palalisis? Parang narinig ko na iyon. Iyong hindi makagalaw. Kaya ba, parang nanigas ako kanina? Mamamatay na ba 'ko?
Napangiti si Ben. Tiningala niya ako. "Mam Mayumi, huwag kang mag-alala. Sa tagal ko rito sa Tee Farm, maraming klase na ng bubuyog ang naalagaan ko. Kabisado ko na ang mga uri nila pati na ang mga nakakalason at nakamamatay."
Muli akong naupo sa tabi niya. Paano kung nagkamali pala si Ben? At may lason nga na nakapasok sa katawan ko? Ito na ba ang mga huling oras ko?
Noooo! Marami pa akong pangarap sa buhay. Hindi pa nga 'ko nakakatikim ng totoong kiss. Iyong may kuryente na may spark na may time bomb. Kapag sumabog, puro fireworks daw ang makikita mo! Ganoong klaseng kiss.
Teka! 'Di ba kiniss ako ni Brix kanina? Nahawakan kong bigla ang labi ko. May kuryente. May spark. At higit sa lahat, may time bomb!
"B-Ben, kiniss ako ni Brix kanina. Pakiramdam ko nga, hindi ako makahinga."
Ngumiti siya ulit sa akin. Grabe, ang gwapo niya! Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko, Enrique?
"Nag-mouth to mouth kayo mam. CPR tawag doon para bigyan ng hangin ang lungs mo sakaling hindi ka makahinga." Si PR? Sino naman iyon? Si Peter Rabbit? Si Pareng Ramon? O pekeng resibo? "Saka natural lang naman ang kiss sa inyo ni sir, 'di ba mam? Ikaw ang nobya niya."
Oo nga pala. Iyon nga pala ang pagkakaalam niya. Nagkatitigan kami ni ka-love team. Nakita kong bumaba ang tingin niya sa lips ko. At napatutok din ako sa lips niya. Kung kikiss-an ba ako ni Ben, may time bomb din?
Gumalaw ang adams apple niya. Bahagya ring bumuka ang bibig niya. May nakita akong pumatak na pawis sa gilid ng pisngi niya. Nagbukas-sara ang mga mata ko nang mapansin kong unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
30 Days with Mr. T (Published under PSICOM Publishing Inc.)
General FictionHighest Rank Achieved #1 in General Fiction #1 in romance #1 in humor #1 in love #1 in billionaire #1 in kilig #1 in boss #1 in terror #1 in rich #1 in fiancee #1 in pretend #1 in cassanova #1 in heart #1 in crush #1 in mature #1 in ceo #1 in exe...