Sino ang nakagamit na sa inyo ng vacuum cleaner? Walis tambo lang kasi kami noong unang panahon, eh!😱
~~~~~~~~
"M-Mr. T?" Lumabas sa bibig ko.
"Are you not aware that all of my employees are already working and you're disturbing us with your noise?" Napalunok ako. Hindi man malakas ang pagkasabi niya, maririnig naman ng lahat dahil biglang napakatahimik nang buong paligid.
"S-Sorry po, sir." Napayuko ako.
"Well then you're lucky 'cause I don't accept sorry! Where's Mang Celo?" Para akong langgam na napakaliit sa harapan niya ngayon.
"N-Nasa storage room po, sir," sagot kong hindi pa rin maiangat ang ulo.
Sakto namang dumating ang lolo, este ang saklolo ko.
"Sir Brix!" Humahangos si Mang Celo na tumabi sa akin.
"Mang Celo! Didn't I tell you that I strictly prohibit any noise during office hours? Sino na naman ang janitress na 'to? Hindi ba siya dumaan sa orientation and preliminary procedures?" tanong ni Sir Brix na pakiramdam ko ay sinusuri ako.
"P-Pasensiya na, sir. First day pa lang kasi niya," paliwanag ni Mang Celo. Hindi nga raw tumatanggap ng sorry, pasensiya pa kaya!
"Such a stupid maid!"
Aray!
First day, stupid agad? Sa hindi ko alam na ayaw niya ng maingay, 'no! Saka malay ko ba na... Dito pala sa floor na ito ang office niya!
Tumalikod na si Mr. T as in tsuplado. Saka pa lang ako nag-angat ng ulo. Nahawakan ko ang dibdib ko. Parang nanikip kasi at ngayon lang ulit ako makakahinga.
Napailing si Mang Celo. "Paano ako magreretiro kung palagi na lang ganito?" Bumaling siya sa akin habang naglalakad palayo. Sumunod naman ako sa kanya bitbit ang vacuum. "Natakot ka ba, ineng?"
Diretso akong tumingin kay Mang Celo. "M-Medyo po."
"Kung gusto mong magtagal dito, masanay ka na sa ugali ni Sir Brix. Basta sundin mo lang ang gusto niya, hindi ka magkakaproblema."
"Daig pa niya ang terror kong teacher noong high school ako." Wala sa loob na nasabi ko.
"Ulila na kasi si sir. Lumaki siya sa lolo niya kaya ganyan siya." Pumasok kami sa storage office. Kumunot ang noo ko. Ano kaya ang ibig sabihin ni Mang Celo? "Hayan ang mga oras ng paglilinis." May iniabot siya sa aking papel. Mukhang schedule ito ng mga dapat gawin sa buong floor. May mapa pa at check list. "Bawat floor ay may isang tagalinis. Kapag umalis ako, ikaw lang ang mag-isang gagawa ng lahat ng iyan. Kaya ngayon pa lang, dapat matuto ka na."
Alas singko ng umaga pala ay dapat nagsisimula na akong mag-vacuum. Kasi, between six to seven daw dumadating si sir. At ang utos, wala nang ingay pagdating niya. Kaloka naman!
BINABASA MO ANG
30 Days with Mr. T (Published under PSICOM Publishing Inc.)
Fiksi UmumHighest Rank Achieved #1 in General Fiction #1 in romance #1 in humor #1 in love #1 in billionaire #1 in kilig #1 in boss #1 in terror #1 in rich #1 in fiancee #1 in pretend #1 in cassanova #1 in heart #1 in crush #1 in mature #1 in ceo #1 in exe...