At dahil nanalo po tayo ng Grand Prize/GOLD AWARD sa ThisIsYourChoice , may update po tayo ngayon 🤩🤩🤩
Ang dialogue na inyong matutunghayan ay hindi buong pag-aari ng may-akda. Patnubay ng magulang ang kailangan. No copyright infringement intended, 'ika nga ni Mang Kanor! este Kimerald fans pala. hihi.
"Hahahahaha!" Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko. "Hahahaha!" Ang kulit ng Leng na ito. Kanina pa tawa nang tawa. Gusto na rin niyang mag-asawa? Siya kaya pumalit sa akin dito para ako naman ang tumawa. "Galing mo talaga bes magpatawa. Kahit hindi ka naman kalbo maliban sa baba mo, tawang-tawa pa rin ako sayo! Hayuf joke mo, May!" at narinig ko na naman ang halakhak niya.
Umikot ang mata ko sa ere. Natawagan ko na kanina sina tatay at nanay. Kahit gabing-gabi na ay talagang hinihintay nila ang tawag ko para masigurong maayos kaming nakarating dito sa Bacolod. Kakatapos ko lang silang kausapin nang mag-ring ang phone ko at si Leng pala. Gusto raw niyang lumabas kami at magkita sa mall this Sunday. Ang sabi ko ay wala ako sa Cupang, nasa Tee farm ako rito sa Bacolod, kasama ni Mr. T kasi dito na raw kami magpapakasal kaya nga ako na ang pyansa niya ngayon. Tapos hayan na siya, tawa na nang tawa. Hindi naman nga ako kalbo, (humina ang boses) sa kili-kili at sa baba lang. Shhh, atin-atin lang iyon ha.
"So anong anong oras tayo magkikita? Kain naman tayo sa Mang Inasal. Para unli-rice." Aniyang tumigil na rin sa kakatawa. Humihingal-hingal pa nga.
"Nasa Tee farm nga ako." Inulit ko sa kanya. "Kasama ko nga si Mr. T kasi dito na raw kami magpapakasal kaya nga ako na ang pyansa niya ngayon." Hinintay kong tumawa siya ulit pero parang nawalan yata ako ng kausap. Tiningnan ko ang screen, nandoon pa rin naman siya. "Leng, hello, nakatulog ka na yata r'yan?"
"MAY!"
Ay bulate!
Muntik akong mahulog sa kama dahil sa lakas ng pagtawag niya sa pangalan ko. "Niloloko mo ba ako? Kanina okay pa eh. Pero ngayon, hindi na okay. Hindi ka na nakakatawa! Gusto mong kalbuhin kita?"
"Sa taas o sa baba?"
"Sa baba! Ay wala ka nga palang buhok doon. Sige, sa taas na lang!"
"Hindi nga kita niloloko. Pyansa nga ako ni sir. As in ako na ang pakakasalan niya. Ganoon." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Ahhh, fiancee. Hindi pyansa bes. Fiyansey! Ibig sabihin, mag-aasawahan na kayo. Sige bes, ulitin mo ang sinabi ko. Fiii..."
Sinunod ko naman siya. "Piii..."
"Yannn..."
"Yannn..."
"Sey!"
"Sey!"
"Fiancee!"
"Piyansey!" Ayun naman pala. Mali na naman ako akala ko pyansa. Slang pala dapat, piyansey. "So hayun na nga, Leng. Kaya hindi tayo pwedeng magkita sa Sunday."
"Ganoon ba? Eh kailan naman daw ang kasal nyo? Dapat maid of honour ako ha." Sabi niyang naunawaan din ako, sa wakas.
"Naku eh magpapaalam muna ako kay Brix. Baka kasi hindi siya pumayag na maging maid ka lang. Dapat pareho tayong amo."
BINABASA MO ANG
30 Days with Mr. T (Published under PSICOM Publishing Inc.)
General FictionHighest Rank Achieved #1 in General Fiction #1 in romance #1 in humor #1 in love #1 in billionaire #1 in kilig #1 in boss #1 in terror #1 in rich #1 in fiancee #1 in pretend #1 in cassanova #1 in heart #1 in crush #1 in mature #1 in ceo #1 in exe...