Chapter 53

29.4K 629 19
                                    

Seeryas na po tayo mga loves...
~~~~~~~~

"Pol!"

"Mayumi!" Bigla akong niyakap ni Pol. Hinayaan ko na lang siya.

"Uyyy! Si ma'm, may boyfriend na!" Doon ako kumawala mula sa bisig ni Pol. Napatingin ako sa mga estudyante kong pinanonood pala kami. "Class, be quiet. And copy the writings on the board!" Pinandilatan ko sila. "Ang tumingin dito, patatayuin ko ng tatlong oras sa harap ng principal's office!" Naggalit-galitan kong sabi.

Nagreklamo pa ang mga tinuturuan kong grade six students. Pero sumunod din naman sila at nagpatuloy sa pagkopya ng isinulat ko sa board.

"Mukhang nag-eenjoy ka sa mga bata, ah." Nakangiting tanong ni Pol.

"Oo nga, eh. Kahit na madalas ay kinukulit nila ako." Sumulyap pa akong muli sa mga estudyante. "Salamat nga pala, Pol sa pagrekomenda mo sa akin dito."

"What are you saying? That's nothing. You don't have to keep on telling me how thankful you are." Tinitigan niya ako.

"Salamat pa rin, Pol. Anim na taon na akong nagtatrabaho rito pero hindi pa kita nalibre kahit coffee man lang." Nahihiya akong ngumiti sa kanya.

"Actually, I have an idea. We don't have to go out to have coffee. Imbitahan mo lang ako sa bago mong tinutuluyan ay okay na." Masaya niyang sabi na sumandal sa gilid ng pintuan. Napadaan lang kasi siya rito sa classroom ko. Nabalitaan ko nga na nandito sa school na pinagtatrabahuhan ko ang ilang representative ng DepEd. Pero hindi ko akalain na kasama pala si Pol na paparito. "Balita ko nakalipat na rin sina tatay mo, ah. Nabili nyo na pala yung bahay ng mga Smith?"

"Isinanla kasi kay tatay ang bahay at lupa na iyon ni Mrs. Smith noong nagigipit sila sa negosyo nila. Tapos hindi na nila nabawi." Naalala ko pa kung paano sinikap ni tatay na pahiramin ng pera ang pamilya Smith. Pero nakadispalko pala ng malaking pera si Mr. Smith kaya hayun, nakulong tuloy at hanggang ngayon ay tadtad pa rin ng mga utang. At si Dorisa naman, hindi na nagpakita sa mga magulang niya. Nakipagtanan sa boyfriend niyang yakuza sa japan. Sabi nga ni Leng, yinayakuza na ang babaeng iyon kaya hindi na makauwi ng Pilipinas. Tinatanong ko nga kung paanong yinayakuza? Paliwanag niya ay pinagtatadtad na raw ng samurai at gumagapang na lang, gigil na gigil pa siya habang nagpapaliwanag.

"Ano? Puntahan kita sa apartment mo? Gusto ko, black coffee." Napalunok ako nang humalukipkip siya. Naglabasan kasi ang mga muscles sa braso niya. Kanina pa nga siya pinagtitinginan ng mga co-teachers ko, eh.

"Sige." Sabi ko.

Napatayo siyang bigla. "Talaga?" parang 'di makapaniwalang tanong.

"Oo naman. Pero pagpasensiyahan mo na ang apartment ko kasi hindi ko pa naaayos. Noong isang araw lang ako lumipat. Ang gulo-gulo pa ng mga gamit ko."

Minabuti kong kumuha ng matutuluyan malapit dito sa school. Nadagdagan kasi ang trabaho ko bukod sa pagtuturo ng English. Inatasan ako ng board na maging in-charge sa Teacher's Advocacy na bago naming proyekto. Halos hindi na nga ako umuuwi. At least kung walking distance lang ang bahay ko, pwede akong magpabalik-balik dito sa school o kahit magpamadaling araw na ako ng uwi. Mahirap din pala'ng maging huwarang guro. Tulad ng napakahabang paggawa ng mga pagsusulit at iche-check isa-isa. Gaya ng pagpunta sa mga events kasama ang principal at assistant principal. Gaya ng paglalakad para mapapirma ang mga school sponsors at pag-attend ng mga conferences.

"No worries. I can even help you set up your things. Bukas ng gabi, pwede ba?"

"Naku, may conference ako bukas sa Makati. Baka gabihin na ako masyado." Sabi ko nang maalalang bukas nga pala ay may formal conference akong kailangang puntahan. At dahil formal, kailangan ko ng formal dress. Iyon ang aasikasuhin ko pag-uwi ko mamaya.

30 Days with Mr. T (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon