Chapter IV: First Battle

2K 98 0
                                    

Tumakbo so Anton sa direksyon ng mga goblins. Dahil sa tunog ng mga halaman at agad siyang napansin ng mga it.

'nangako ako sa sarili ko na magbabago na ko at Hindi na ako magiging duwag!' sa isip ni Anton.

"Kiiik! Kikikie!" Nang Makita si Anton Ng goblin na may dalang bato ay agad itong nagsusumigaw.

Tumakbo ang dalawang goblin sa direksyon ni anton at ang goblin naman na may dalang bato ay nanatili sa posisyon niya at binati si anton.

Agad na yumuko si anton ng makita niya ang bato na papalapit sa direksyon niya. Pagangat ng kaniyang ulo ay napansin niya na naghiwalay ang dalawang goblin na papalapit sa kaniya. "Plano nilang palibutan ako? Hindi lang sila simpleng halimaw, sa tingin ko ang nagsisilbing pinuno ng grupo ay may kakayahang magisip ng tama." Wika ni anton.

Ang goblin na may dalang espada ay mabilis na tumatakbo pa tungo sa kaniyan likuran at isa na may dalang kahoy na may matulis na bato sa dulo ay patuloy na tumatakbo sa kaniyang harapan. 'Kung haharapin ko ang may espada sa likuran ko.. magiging open ang likuran ko sa dalawang goblin at mahirap ilagan ang bato kung nakatalikod ako..' sa isip ni anton.

Paglapit ni anton ay agad pumorma ang goblin. "Kiiiiieek!" At agad nitong hinataw si anton ng kahoy na may matulis na bato sa dulo. Pero agad na tumalon paatras si anton upang ilagan ang pagatake ng goblin. Pagatras ay agad na isinipa ni anton ang kaniyang mga binti sa lupa upang mabilis na makatalon sa gilid ng goblin at sinipa ni anton ang goblin na tumama sa pisngi nito. Dahil sa momentum ni anton ay tumalsik pa ang goblin ng ilang metro.

Nagulat si anton sa ginawa niya. Di siya makapaniwala na siya ang gumawa nun. Di niya alam na kaya niya pala gawin ang bagay na iyon. Bagamat nagdidiwang na ang kaniyang puso't isipan ay nakalimutan ni anton na may iba pa siyang kalaban. Bigla ay may naramdaman si anton na matigas na bagay na tumama sa kaniyang ulo. Ilang sandali pa ay bumagsak siya. Kinapa niya ang kaniyang ulo at tinignak niya ang kaniyang palad na puno ng dugo.

"Kik kik kik!" Narinig ni anton ang goblin na may dalang bato na tumatawa. Nahihilo si anton pero sinibukan parin niyang tumayo. Patayo si anton ng mapansin niyang may anino na nagmumula sa kaniyang likuran. Sa gulat ay bigla nalang gumulong si anton upang umilag. Nagulat pa ang goblin na may dalang espada at nagalit pa ng lupa nalang ang tinamaan niya.

Paggulong anton at agad siyang tumayo. Pero muli na namang may tumamang marigas na bagay sa kaniyang tagiliran. "Arrrrgh!" Napasigaw sa sakit si anton. At agad siyang tumakbo upang tumungo sa goblin na may dalang bato pero nagulat siya ng biglang humarang ang goblin na may dalang espada. Dahil sa bilis niya ay di na niya magawa pang huminto kaya ay gumilid nalang si anton ng sinubukan saksakin si anton ng goblin ay nagasgasan lang ang tagiliran ni anton. Pagilag ay agad na sinuntok ni anton ang goblin sa mukha. "T*ng *n* mo!" Halo halo na ang nararamdaman ni anton ng mga oras na iyon. At bakas mga mata niya ang luha na likha ng takot. Hindi ganun kalakas ang suntok ni anton sa goblin upang mapatulog ito dahil sa mga sakit na nararamdaman niya at sa posisyon pero tumalsik parin ang goblin dahil sa liit at tumalsik din ang hawak nitong espada.

'pagkakataon!' Yun kagad ang unang pumasok sa isip ni anton. Agad na tumakbo si anton sa direksyon ng goblin na may dalang mga bato. Di alintana ang mga galos at hilo ni anton ang tanging nasa isipan lang niya ay kailangan niyang mabuhay. Pero dahil sa dugo na bumalot sa kaniyang mukha ay di niya kagad napansin ang bato na parating. Huli na.. kahit na ilagan niya ito ay tatamaan parin siya kaya naman sinalag nalang niya ito gamit ang braso. "Aaaah! Di ako susuko!" Sigaw at wika ni anton dahil sa sakit.

Dinampot ni anton ang bato at agad niya itong hinagis sa goblin pero umilag ito. "Haaaaaah! Papatayin kita!" Nang makita ni anton ang goblin na umilag ay naisip niya na pagkakataon na yun. Kaya agad siyang tumakbo at tumalon sa direksyo ng goblin. Dahil sa mas malakai at mabigat si anton ay nawalan ng balanse ang goblin at natumba ito. Niyakap ni anton ang goblin at pinagsusuntok sa tagiliran.

Lumuhod si anton at inipit ang braso ng goblin gamit ang tuhod at pinagsusuntok ang mukha ng goblin. "T*ng *n* mo! G*g* ka! Mamatay ka na!" Ibinuhos lahat ni anton ang galit niya sa goblin pinagsusuntok niya ito hanggan mabalot ang kaniyang kamao ng dugo ng goblin at sarili niyang dugo di niya namalayan na nasusugatan na ang kamao niya. Dahil sa galit ay di na namalayan ni anton na patay na pala ang goblin.

"Kiiiiiiieeeek!" Nagulat si anton sa kaniyang narinig. Naalala niya na buhay pa ang goblin na may dalang espada. Lilingon na sana si anton ng biglang may yumakap sa kaniyang likuran. At may biglang kumagat sa kaniyang balikat. "Arrrrrrrrgh! Pagkagat ng goblin ay bigla panitong hinila upang lumayong ang laman ni anton sa kaniyang balikat.

To be continue..

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon