'Tap! Tap! Tap!' Ang tanging bagay na maaaring marinig sa loob ng kuwarto ni anton. Ang tunog na ito ay nagmumula sa kaniyang keyboard na siya namang abala sa paglalaro. Tanging ang monitor lamang ng computer ni anton ang pinagmumulan ng mumunting liwanag sa kuwarto na ito. Ilang sandali pa ay 'Ring! Ring!' Tunog ng cellphone ni anton. "H-hello? R-rea? N-napatawag ka?" Tanong ni anton sa tao sa kabilang linya.
"May maganda akong balita sayo! Hehehe" masayang sagot ni rea kay anton.
"A-ano yun?" Mautal utal na sagot ni anton sa dalaga.
"Secret! Punta ka sa eleven7 dali! Dun ko sayo sasabihin para surprise!" Wika ni rea.
"P-p-ero rea b-busy kasi ako m-madami akong g-ginagawa.." biglang kinabahan si anton sa kaniyang narinig.
"Wala ka naman ginagawa kundi maglaro ng online games! Dali na! Basta aantayin kita sa harap ng eleven7! Bilisan mo excited na akong sabihin sayo! Hehehe baboosh~ tooot tooot" wika ng dalaga at bigla nitong pinatay ang tawag.
"Magkikita kami ni rea? Ano gagawin ko? Bahala na.." buntong hininga ni anton. Agad na nagbihis si anton at lumabas ng kuwarto. Paglabas niya ay nakasalubong pa niya sa sala ang kaniyang mga kapatid, nanay at tatay na naghahapunan at masayang nagtatawanan. Napalingon silang lahat kay anton pero tila isang hangin lamang na napadaan si anton ng di siya pansinin. Nagkibit balikat nalamang si anton na lumabas ng kanilang tahanan.
Sa kaniyang paglalakad ay napaisip si anton. Isa lamang siyang pabigat sa kanilang pamilya. Wala siyang nadulot kundi kapalpakan at kahihiyan sa kanilang pamilya. Dahil sa kaniyang kaduwagan at kakulangan ng lakas ng loob madali siyang sumusuko sa mga bagay bagay. Tulad ng sa mga exam ay mangilan ulit siyang bumagsak, pati ang salitang "mahal kita" ay di niya masabi kay rea dahil sa kaduwagan niya. Dahil sa mga bagsak na grado ay nahirapan siyang humanap ng trabaho at madalas ay dinadaga na siya bago pa man siya matanggap sa trabaho. Kaya naman ay madalas siya maikumpara sa kaniyang mga kapatid na matatalino at mga honor students ang iba naman ay graduate na ng kolehiyo at may mga magaganda ng trabaho.
Iniisip ni anton kung papaano siya nagsimula maging isang ganito ng mapansin niya na malapit na siya sa eleven7. Sa kabilang kalsada ay nakita niya si rea. Patawid na siya ng mapansin siya ni rea kaya naman kumaripas ng takbo si rea patungo sa direksyon ni anton. Subalit sa di inaasahan ni rea at anton ay may parating palang isang truck. Tila huminto ang oras sa paligid ni anton.
"Ano gagawin ko? Duwag ako.. wala akong lakas ng loob para iligtas si rea.. habang buhay nalang ba ako mananatiling duwag?! Pero pagniligtas ko siya pwedeng ako naman ang mapahamak at mamatay.. pero ano silbi ng buhay ko kung wala si rea? Siya ang buhay ko.." tila pula at puti, mantika at tubig ang puso't isipan ni anton. Nagtatalo ang isipan at puso niya.. pero iisang bagay lang ang alam ni anton mahal niya si rea.. "kahit isang beses gusto kong maging matapang at maging tunay na lalaki!" Agad na tumakbo si anton sa direksyon ni rea. Tila muling bumalik sa oras ang buong paligid ni anton.
Pagkalapit kay rea ay agad na tinulak ni anton si rea nagulat si rea sa ginawa ni anton, at dun lamang napansin ni rea na may parating plang truck. Napangiti nalang si anton ng makita niyang unti unting papalayo sa kaniya si rea. "Sa huli di ko parin nagawang sabihin sayo kung gaano kita kamahal.." kasunod nito ay may matigas na bagay na tila humampas sa buong katawan ni anton bago siya pumailalim sa truck at gumulong gulong.
Dahan dahang pumipikit ang mga mata ni anton. Wala siyang ibang nararamdaman kundi matinding sakit na bumabalot sa buong katawan niya at ang kaniyang sariling dugo na dumadaloy sa kaniyang mukha at buong katawan. Gustong sumigaw ni anton sa sobrang sakit na kaniyang nararamdaman subalit wala siyang sapat na lakas upang gawin ito. Bago magsara ng tuluyan ang kaniyang mga mata ang huli niyang naaninag ay si rea na tumatakbo patungo sa direksyon niya habang umiiyak at sumisigaw. Ngunit di niya marinig ang kahit ano mang tinig sa kaniyang paligid at binalot na ng kadiliman ang buong paligid ni anton.
Idinilat ni anton ang kaniyang mga mata. Pero laking gulat niya sa bumungad sa kaniya. "N-nasaan ako? Anong lugar to? R-rea?! Asan ka?! Yung katawna ko!" Agad na kinapa ni anton ang katawan niya pero laking gulat niya na mapansin niya na wala siyang sugat o kahit ano mang galos. Pero kapansin pansin ang buong paligid niya. Tila nababalot ng puting liwanag si anton, o sa madaling salita ay ang buong paligid ni anton ay isang kawalan na puro puting liwanag lamang ang makikita .
To Be Continue..
BINABASA MO ANG
Imperium: Legend of Anton (Season 1)
FantasySi Anton ay 25 years old, madami siyang mga bagay at desisyon na pinagsisihan. dahil sa kaniyang mga kamalian ay itinakwil siya ng kaniyang pamilya. sa kabila ng kaniyang mga kabiguan sa buhay ay may iisang babae lamang ang nagbibigay sa kaniya ng p...