Madilim na ang kalangitan at ang paligid at tanging liwanag nalang na nagmumula sa buwan ang nagbibigay liwanag sa daan na tinatahak ni anton.
Dahil sa matinding pag-eensayo ay gabi na ng makauwi si anton, at bago pa man siya makarating sa kanilang tahanan ay malayo palang ay tanaw na ni anton ang itim na kotse na naka parking sa harap ng kanilang tahanan.
Kunwari'y di napansin ni anton ang itim na kotse at tuloy tuloy lang siya sa kaniyang paglalakad patungo sa pinto ng kanilang tahanan, nang bigla ay hinarang siya ng dalawang matatangkad at malalaking katawan na lalake na nakasuot ng tuxedo.
"Anong kailangan niyo?" Wika ni anton ng walang bakas na kahit ano mang takot sa kaniyang mukha, naisip ni anton na kung katulad pa siya ng dating siya ay malamang nasindak na siya ng mga ito 'mas di hamak na mas nakakatakot pa ang goblin sa kanila' sa isip ni anton. Pagkatapos ng mga naranasan niyang buwis buhay wala na siyang kinakatakutan ngayon.
"Pinapatawag ka ni Chairman Lee.." wika ng isang lalake.
"Sino yun?" Nagisip muna si anton bago sumagot.
"Lee Electronics Group of Company.." sagot ng isa pang lalake.
'LEGC? Isa yun sa pinaka malaking Electronics company sa buong mundo..' sa isip ni anton.. "at ano naman ang kailangan niya sakin?" Sagot ni anton.
"Ang utos samin ay dalhin ka sa kaniya sa ayaw mo man o sa gusto.." wika ng lalake at tila may hinuhugot mula sa luob ng kaniyang tuxedo.
"At kung ayaw ko sumama? Ano ang gagawin niyo?" Sagot ni anton at pumorma na handa siyang lumaban.
"Kung ganun ay wala na kaming magagawa pa kundi ang sapilitang dalhin ka at kung kinakailangan na kaladkarin ka ay agawin namin.. ang utos ng boss ay makapangyarihan.." sagot ng lalake at nilabas nito ang kaniyang four finger at sinuot sa kaniyang dalawang kamay ganun din ang ginawa ng dalawa pang lalake at sumugod kay anton.
Gamit ang kanang kamay ay sumuntok ang lalake subalit walang hirap na inilagan ito ni anton at umikot at sabay na ginantihan ng sipa ni anton sa tagiliran, napaatras ang lalake ng ilang hakbang pa bago bumagsak dahil nawalan ng balanse. Napamangha naman si anton dahil sa tibay ng lalake ay malamang na hindi dila basta pangkaraniwang tao.
Mula sa kaniyang kaliwa ay naaninag niya ang isang lalake na nakaamba na upang suntukin siya 'magaling para targetin ang blindsopt ko.. pero pasensya na dahil may skill akong [tracking]' sa isip ni anton.
Gamit ang kaliwang palad ay sinalo ni anton ang suntok at hinili anton ang braso ng lalake at yumuko sabay uppercut mula sa kaniyang kanang kamay. Sa lakas ng suntok ni anton ay umangat pa lalake.
Nagsanay si anton sa gym at nagpraktis ng boxing at dito nalaman ni anton kung gaano kahalaga ang skill na [tracking] bukod sa malaking tulong nito sa paghahanap ay may isa pa itong epekto. Dahil dito ay nararamdaman ni anton kung may parating na panganib o may kung anong bagay ang papalapit sa kaniya.
"Sabihin niyo sa boss niyo na kung may kailangan siya sa akin ay siya mo ang pumunta dito at mag-aantay ako s kaniya.." wika ni anton at muli ng tumungo sa pinto ng kanilang tahanan.
Ang isang lalake naman ay nagmamadaling buhatin ang kasama niya na nakatulog dahil sa malakas na uppercut ni anton.
---------------------"Kung ganun gusto niya na ako mismo ang lumapit sa kaniya?" Wika ni Chairman Lee at sabay tawa ng malakas. "Hindi ba niya kilala kung sino ako?" Tanong ni chairman lee sa lalake na nasa kabilang linya.
"Boss duda ako na kilala kaniya.. dahil kung kilala ka niya di siya maglalakas loob na sabihin sayo yun.. sorry boss kung wala man lang kami nagawa.. hindi halata sa kaniya isa pala siyang martial artist.." wika ng lalake.
"Hayaan muna at alam ko naman na malaki ang chance na matalo kayo di lang ako makapaniwala na wala pang isang minuto ay natalo kagad kayo.. kamusta si rass?" Sagot ni chairman lee habang tumatawa.
"Tulog parin boss.. pero boss sigurado ba kayo na gusto mo siyang gawing personal guard ni mam Christi? Alam mo naman na isa siyang drifter.." wika ng lalake.
"Ou drei.. kaya naman mas mabuti na ngayon palang ay ilagay na natin siya sa ating panig bago pa siya maagaw ng iba.." sagot ni chairman lee.
"Opo boss kung iyan ang inyong nais.."
Nag-usap pa sila ng ilang sandali bago pa ibinaba ni chairman lee ang telepono, maya maya'y may lumapit na binatilyo kay chairman lee na may dalang wine glass sa magkabilang kamay.. "whisky?" Alok nito kay chairman lee at umupo sa upuan sa harap ng lamesa ni chairman lee.
"Ano masasabi mo sa kaniya Chester?" Tanong ni chairman lee sa binatilyo na nasa kaniyang harapan. Uminom muna ang binata ng whisky bago sumagot kay chairman lee.
"Baguhan palang siya dad.. beginner level lang ang kaniyang Aura nasa 3rd o 2nd trial palang siya kaya naman sigurado ako na hindi pa siya myembro ng kahit anong grupo.. maganda kung ngayon palang ay mahatak na natin siya dahil kailangan natin ng tao mahina man o malakas.." sagot ni chester lee na anak ni chairman lee.
-------------------Nagising si anton dahil sa ingay nagmumula sa pinto.
'Tok! Tok! Tok!' "Anton! Anton! Anton!" Sigaw ng kaniyang nanay.
"Uhmmmm.. ang aga aga.. hindi naman nila siguro ako gigisingin para magalmusal? Sa totoo lang di ko na maalala nung huli ko silang nakasabay sa pagkaen" wika ni anton sa kaniyang sarili. "Aaaah! Wala pang isang linggo para palayasin ako!" Sigaw ni anton at sagot niya sa kaniyang nanay.
"Bumangon ka na at bilisan mo! A-andito si ch-chairman lee ng LEGC!" Wika ng kaniyang nanay na naging dahilan naman upang mapatalon si anton mula sa kaniyang kinahihigaan.
"A-a-no?! T-teka lang! Magbibihis lang ako sumayaw ka o kumanta ka muna! basta aliwin mo muna!" Wika ni anton sa kaniyang nanay.
Agad na nagmadali si anton na magbihis at lumabas ng kuwarto. Dumeretso siya sa kanilang sala at dun niya nakita si chairman lee at ang kaniyang dalawang alalay. Ramdam ni anton ang matinding tensyon sa paligid lalo na sa kaniyang tatay at nanay at mga kapatid, bigla naalala ni anthon na ang kaniyang kapatid ay isang branch manager ng LEGC.
"Magandang umaga anton.. tulad ng sabi mo anton, na kung may kailanagn ako ay ako mismo mo ang pumunta.." wika ni chairman lee at inabot ang kaniyang kamay upang maki pagkamay kay anton.
Dahil sa ikinilos ni chairman lee ay nagulat ang kaniyang mga pamilya at lahat sila ay tumingin kay anton.
To be continue..
BINABASA MO ANG
Imperium: Legend of Anton (Season 1)
FantasySi Anton ay 25 years old, madami siyang mga bagay at desisyon na pinagsisihan. dahil sa kaniyang mga kamalian ay itinakwil siya ng kaniyang pamilya. sa kabila ng kaniyang mga kabiguan sa buhay ay may iisang babae lamang ang nagbibigay sa kaniya ng p...