Chapter XXII: PGE

1.2K 82 0
                                    

Tahimik ang paligid dahilan sa matinding tensyon ng mga magulang ni anton dahil biglaang pagpunta ni Chairman Lee na isang respetado at kilala sa buong bansa at isa pinakamayamang tao sa pilipinas. Ininom muna ni chairman Lee ang kape na hinain ng nanay ni anton bago magsalita.

"Ginang Perez at ginoong perez, kung inyong mararapatin ay nais kong alukin ng trabaho si anton na maging isang Personal Guard ng anak ko na si Christina.. alam ko na nabalitaan at napanuod niyo na din kung paano niligtas ni anton ang aking anak kaya naman nais ko lang ibalik kay anton ang kabutihang loob na kaniynh ginawa.." wika ni Chairman Lee at tumingin ng diretso sa nanay at tatay ni anton.

Tahimik lang ang nanay ni anton at gayun din ang tatay niya, humigop muna ito ng kape habang tahimik na nag-aantay sa kasunod na sasabihin ni chairman lee.

"Wag kayo mag-alala kung ang salary o pera ang problema ay di tayo magkakatalo.. handa kong bayaran si anton ng halagang 100,000 pesos kada buwan.." wika ni chairman lee.

Nagulat si anton sa kaniyang narinig, kahit kailan sa kaniyang buhay ay hindi inasam ni anton ang masaganang buhay at may magandang trabaho subalit ano itong nasa kaniyang harapan na tila pera na mismo ang lumalapit sa kaniya. Tumingin si anton sa direksyon ng kaniyang tatay at natanaw ni anton ang kaniyang tatay na ito'y pumikit na tila nagcocompute sa kaniyang isipin, ay bigla nitong naidura ang iniinom na kape sa mukha ng kaniyanh asawa.

"1-100,000?! S-seryoso?!" Wika ng tatay ni anton at bakas ang gulat nito sa kaniyang mukha.

"Baket may problema ba sa offer ko? Kung nakukulangan kayo ay handa kong dagdagan pa-" wika ni chairman lee ata agad itong pinutol ng kapatid ni anton.

"H-hindi boss! S-s-sobra na po.." wika ng kapatid ni anton.

Nagtinginan ang tatay at nanay ni anton at ngumiti bago pa nagsimulang magsalita. "Wag kayong mag-alala boss! Mabaet na taong to si anton! Anak namin to eh kaya kilalang kilala namin to.. masipag to boss at napakabaet na anak nito kaya mahal na mahal namin to eh.." wika ng tatsy ni anton habang naka ngiti..

"Kung ganun ay wala na tayong problema pa! Ang kailangan nalang ay sumama samin si anton sa aking opisina upang makapag pirma na siya ng kontrata.." wika ni chairman lee.

Walang nagawa si anton dahil pinagtulungan siya ng kaniyang pamilya na sumama kay chairman lee, habang nasa sasakyan patungo sa opisina ni chairman lee ay kinausap ng matanda si anton.

"Anong level muna?" Deretsahan at prankahang tanong ni chairman lee kay anton. Nagulat naman si anton sa biglaang tanong ni chairman lee.

Sa isang simpleng tanong ay maraming katanungan na ang pumasok sa isip ni anton.. 'anong level? Maaaring tungkol ito sa mmorpg na madalas kong nilakaro o maaari ring tungkol ito sa kabilang mundo..' napansin naman ni chairman lee na nag-iisip si anton kaya sinundan niya ang kaniyang tanong.

"Alam ko na napupunta ka sa ibang mundo dahil ganun din ang aking anak kaya hindi muna kailangan pang matakot.. una sa lahat gusto ka namin na irecruit bilang isang myembro ng Philippines Group of Examinee (PGE).. tiningnan na namin ang background mo kaya naman alam ko na wala ka pang grupo, kaya hayaan mong ipaliwanag ko saiyo.." wika ni chairman lee, si anton naman ay pinipilit pakalmahin ang kaniyang sarili dahil sa kaniyang mga narinig. At muli ay nagsalita si chairman lee.

"Ang PGE ay under ng Philippines government, sa katunayan ay dito nagmumula ang pinaka malaking percentage ng taxes na nakakalap ng gobyerno.." wika ni anton at biglang sumingit si anton dahil may biglang pumasok sa isip ni anton ang 'Items'

"Sa pamamagitan ng skill na 'Items' ay maaari naming dalhin ang kahit na ano mula sa kabilang mundo papunta sa ating mundo, tulad ng mahahalagang resources ang ginto at mga dyamante.. at upang hindi maapektuhan ang ibang tao at pribadong sektor ay kinakailangan na takpan ito ng gobyerno.." wika ni anton at bakas sa kaniyang mukha ang gulat.

"Tama ka anton sa bagay na yan.. at ang LEGC ang pinaka malaking na iambag sa grupong ito.. kami ang naghahanap at nagrerecruit ng myembro at kami din ang bumibili ng mga 'Items' na mula sa ibang mundo kapalit nito'y malaking taxes sa gobyerno.. at di lang yun may iba pang bagay ang kinokelekta sa ibang mundo, ang tawag nila dito ay 'Magic stone'.." wika ni chairman lee.

Naalala ni anton ang turo sa kaniya ni ellen, 'lahat ng bagay o nilalang sa mundong ito ay nagtataglay ng mana..' habang nag-iisip ay nagsimula ng muli magsalita si chairman lee.

"Ang 'magic stone' ang storage ng mana sa isang tao sa kabilang mundo at lahat ng nabubuhay na nilalang ay nagtataglay nito.. pagdinala ito dito sa ating mundo ay magsisilbi itong malaking energy source.. subalit 4 lamang ang myembro ng PGE sa ngayon at kung sakali ay pang lima ka na.. dahil sa mga dayuhan na agad na nirerecruit ang mga examinee sa malaking halaga na di kayang maabot ng PGE.." wika ni chairman lee at nagsimula ng maging malungkot ang kaniyang mukha.

'Kung ganun ay sa huli ang LEGC parin ang makikinabang dahil sa energy source na ito..' sa isip ni anton at ilang sandali ay nakarating na sila sa LEGC building na isa sa pinaka malaking building sa lahat. Agad silang dumiretso sa basement kung saan makikita ang facility ng PGE. Nakita ni anton ang malawak na training ground at iba pang mga gamit manghang mangha si anton sa kaniyang nakita dahil kumpleto lahat ng nandito, dinala din siya sa barracks kung saan nagsstay ang mga examinee. Ang unang pumasok sa isip ni anton ng marinig niya ang barracks ay tulad ng sa mga military pero laking gulat ni anton sa kaniyang mga nakita. "Ito ang barracks? Parang 5 star hotel lang.." wika ni anton.

Pati sa barracks ay kumpleto ang gamit. Mula sa gaming console at appliances at gadgets. Pagakatapos ilibot ay tumungo na sila sa opisina chairman lee upang papuramahan ng kontrata si anton.

To be continue..

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon