chapter 44: Is this the end?
matapos maactivate ang Undying Will ay wala ng maalala pa si anton. "siguradong naging magandang pagkakataon iyon kay Liu ye upang tapusin ako.." wika ni anton.
nakakasiguro si anton na namatay na siya at ito ang ikalawang pagkakataon na namatay siya.. ang alam ni anton kapag namatay siya didiretso na siya sa impyerno pero papaanong buhay parin siya at nandito sa White Room? isa lang ang sagot.. si Atlas, pero hindi nagpapakita si atlas, o sa madaling salita naglaho si atlas..
"dito na ba matatapos ang lahat? para saan pa para itaya ko ang buhay ko kung sa huli ito rin naman pala ang kahihinatnan ng mga paghihirap ko.." wika ni anton.
"ang pinto na ito ay hindi ako nakakasiguro kung saan ako dadalhin.. maaaring sa impyerno, o sa earth pero mas malaki ang chance na sa kabilang mundo.." nagdadalawang isip si anton bago pa pumasok sa pinto at nagaantay muna siya kay atlas na magpakita.
dahil kapag pumasok siya sa pinto ay siguradong wala na itong balikan at atrasan.
sa gitna ng pagiisip ni anton ay may biglang sumagi sa kaniyang isip.
"sa anong dahilan ba kung bakit ko kailangan pagdaanan ang mga pagsubok na ito? ayaw sabihin ni atlas ang dahilan dahil malalaman ko din daw ito sa itinakdang panahon. ang ibang katulad ko sila chester, Liu ye at william.. hindi si atlas ang nagsummon at ako lang ang sinummon ni atlas.. sa anong dahilan? yung system na kapag natalo mo ang kalaban makukuha mo lahat ng points niya at skills, parang sinet na ito ng kung sino upang maglaban laban ang mga tulad namin.. at ang matitira at makakakumpleto ng seven deadly sins siya ang magiging pinaka makapangyarihan.. sa anong dahilan? kung tataglayin niya ang lahat ng kapangyarihan siguradong kasing lakas na siya ng isang Diyos.." wika ni anton at muling nagisip bago muling nagsalita.
"kung ganun.. tinawag ako ni Atlas upang pigilan itong mangyari? kaya hinigay niya ang Magic Eye.. at dahil hindi niya inasahan na mapapatay ako ni Liu ye kaya ginamit niya ang natitirang kapangyarihan niya upang mailigtas ako, upang hindi mapunta kay Liu ye ang Pride.. kaya wala ngayon si atlas dahil marahil ng gamitin niya lahat ng kapangyarihan niya ay naglaho din siya.." wika ni anton..
biglang napaluha si anton "atlas para sa akin sinakripisyo mo huhay mo.. t*ng in* mo.. bakit ako pa? ang bigat ng responsibilidad na ito!! atlaaaaaas!" umiyak si anton at sumigaw.
at dahil wala ng magawa pa si anton, bumangon na siya at pumasok sa pinto.
----------------
"sa wakas gising ka na.." masayang bati ni arkisha kay anton. "habang tulog ka nanghuli na ako ng isda at namitas na din ako ng ilang prutas para sa ting agahan.." dugtong pa ni arkisha habang abala sa pag-ihaw ng isda.
"kumaen kana dahil makakarating tayo ng Ethereum bago magtakip silim.." wika ni Arkisha.
matapos silang magagahan ay agad na silang naglakbay at tumungo sa Ethereum.
padilim na ang paligid ng makarating sila sa Ethereum at sinalubong sila ng mga mamamayan nito kasama si arthur.
"salamat sa Diyos at nakaligtas kayo sa Colossal Demon, kinuwento ko sa mga mamayan kung ano ang nangyare.." niyakap ni arthur si anton at arkisha.
nagulat pa si anton sa bilis ng pagbabago ng buong village, ang dating pader na yari lang sa kahoy ay ngayon sementado na at kasintaas na ng dalawang palapag na gusali. napansin din ni anton ang main road na gawa din sa semento at ang mga bahay at gusali ay nakatayo ng maayos at magkakasunod.
"hindi pa ako nakakakita ng bayan na ganito kaayos at kalinis.. pati mga puno at halaman ay maayos din ang pagkakatanim.." wika ni arkisha.
ang mga nasa paligid na villiage ng ethereum ay nagdisisyon na magmigrate sa ethereum na naging dahilan upang tumaas muli ang populasyon ng ethereum kaya naman nagdisisyon si borav na imbis na Village ay gawin na itong City dahil sa laki ng populasyon.
ang Ethereum City ay nahahati sa dalawang bahagi at hinahati ito ng malaking ilog. sa kabilang bahagi kung saan napapaligiran ng kapatagan ay tinawag ni anton na Agriculture District dahil dito ay tinatayo ang mga taniman at dito isinasagawa ang pagaalaga ng mga hayop tulad ng manok, baboy, baka at iba pa.
sa kabilang bahagi ay makikita ang isng bundok at paanan nito ay may isang kuweba na may Iron vein, gold vein, silver vein at iba pang uri ng metal at bato kaya naman tinawag ito ni anton na Industrial District.
ang kumokunekta sa dalawa ay ang malaking tulay na yari sa semento, nagdisisyon si gothen at iba pang meyembro ng Construction Team na itayo ang Lords castle sa pagitan ng dalawang district ito ay sa ilog mismo, ang Lords Castle ay tinayo sa ilog na konektado sa Tulay.
at dahil tumataas na ang populasyon ng Ethereum, at ang ibang bahay at gusali ay tinatayo na sa labas ng pader ay nagdisisyon si anton na magtayo ng pangalawang pader na may taas na apat na palapag na gusali at may it lapad na apat na dipa.
sumikat si anton sa buong kontenente dahil sa pagtalo niya sa Goblin king at Colossal Demon dahil dito ay patuloy ang pagdating ng mga tao sa Ethereum at pati ang mga sirvivor galing sa Elven Region ay pumunta na din sa Ethereum.
inilaan ni anton ang kaniyang oras sa pagmamanage ng Ethereum hanggang sa hindi niya napansin ang panahon at lumipas na pala ang 3 buwan.
"Board.." wika ni anton, subalit ng lumabas ang screen sa kaniyang harapan ay blanko parin ito..
"wala parin akong balita kay atlas.." wika ni anton at biglang bumukas ang pinto ng opisina ni anton.
pumasok si Arkisha.
"kahapon ay may 23 na refuge na dumating mula sa elven region.. at ngayon ay may dumating na 6.. sabi nila ay mas madami pang refuge na naiwan sa elven region na nasa libo pa daw ang bilang.. ayon sa kanila ay inarkila ng verssilla kingdom ang Iron Blood upang huntingin lahat ng mga elf at hulihin upang gawing alipin.. nais ko sanang humingi ng tulong sayo.. bilang isang prinsesa ng elven region hindi naman maaaring mag walang kibi lang ako dito.." wika ni arkisha at sa kaniyang mukha ay makikita ang pagiging seryoso nito.
sasagot na sana si anton subalit biglang lumitaw sa kaniyanh harapan ang screen..
______________________________________Objective:
- Save the Elven King.
- Recover the Seed of Yggdrasil.
- Save the Elven Race from extinction.Reward:
- Fame.
- Title.Time Limit:
- Infinite.
______________________________________'a-ano to? hindi si atlas ang nagbigay ng mission? at anong fame at title?' sa isip ni anton.
"kung ganun.. maghanda ka na at bukas na bukas ay aalis na tayo upang iligtas ang mga mamamayan mo!" wika ni anton.
End of Season 1..
To be continue..
BINABASA MO ANG
Imperium: Legend of Anton (Season 1)
FantasySi Anton ay 25 years old, madami siyang mga bagay at desisyon na pinagsisihan. dahil sa kaniyang mga kamalian ay itinakwil siya ng kaniyang pamilya. sa kabila ng kaniyang mga kabiguan sa buhay ay may iisang babae lamang ang nagbibigay sa kaniya ng p...