"Andrew suportahan mo ako! Ellen bantayan mo si anton!" Wika ni arthur at agad nitong hinugot ang kaniyang espada at sa kaniyang kaliwang kamay ay dinampot ang piraso ng kahoy na may apoy.
Winasiwas ni arthur ang apoy upang itaboy ang mga higanteng gagamba at gamit ang kaniyang espada ay hinaharang ni arthur ang mga pag-ataki mula sa mga gagamba.
Pero dahil dito ay open ang likod ni arhtur.
"Diyos na makapangyarihan dinggin mo ang aking panalangin, pigilan ang kalaban na nasa aking harapan! [Magic Vine]" itinaas ni ellen ang kaniyang dalawang kamay, at mula sa likod ni arthur ay lumabas ang asul na baging sa lupa at ginapos ang gagamba.
Si andrew naman ay pinana ang mata ng nakagapos na gagamba at sabay gumulong upang ilagan ang ataki ng gagamba malapit sa kaniya.
"Kiyyyyyiiiik!" Sigaw ng gagamba ng tamaan ito sa mata at pilit na nagpumiglas sa magic vine.
Delikado ang galamay ng gagamba sapagkat nababalot ito ng lason at tila isa itong higanteng kutsilyo dahil sa talim.
Napansin ni ellen na takot ang mga gagamba sa liwanag kaya gumamit ito ng isang skill.
"Diyos na makapangyarihan, ipagkaloob mo ang kapangyarihang magbigay liwanag sa mundo ng kadiliman! [Magic Flash]" bigla ay binalot ng matindi at nakakasilaw na liwanag ang paligid nila.
"Kiiiiiyyyiee!" Nagsigawan ang mga gagamba dahil sa ginawa ni ellen.
Subalit panandalian lamang ang pagkabulag na ito at nang nanumbalik ang paningin ng mga gagamba ay mabilis itong sinugod si ellen. Hindi na nila pinansin si arthur at andrew at tanging tinarget lang ay si ellen.
Nakita ni anton ang lahat ng nangyayare subalit wala parin siyang magawa dahil sa bawat pilit niyang gumalaw ay may lumalabas sa kaniyang harapan.
'Unable to move you are in the influence of Fear'
Wala ng maisip pang paraan si anton kaya naman wala na siyang nagawa pa at ginamit nalang ang 'Undying Will' dahil kung di niya ito gagawin ay hindi lang si ellen ang maaaring mapahamak kundi pati ang buong grupo.
"Undying will!" Pagkasabi nito ni anton ay agad na binalot ng itim na aura ang kaniyang paligid.
Agad na nakalaya si anton sa pagiging paralyzed.
"Lumapit kayo sa akin!" Sigaw ni anton at agad na tumakbo papalapit si arhtur at andrew kay anton.
"Aura! Magic eye!" Dahil hindi makita ni anton ang paligid dahil sa dilim ay gumamit si anton ng magic eye, sa pagkakataong ito ay di na siya tatablan ng Demonic eye dahil sa undying will.
Kitang kita ni anton ang mabilis na pagsugod ng mga higanteng gagamba.
Tumalon si anton at inalala ang skill na ginamit niya nung nagsasanay siya, pero sa pagkakataong ito ay mas madaming mana ang ginamit ni anton halos 3/4 ng kaniyang mana ay ginamit niya sa skill na ito.. at gamit ang mana absorption ay mas lalo pa niya pinalakas ang kaniyang skill.
Inipon niya ang mana sa kaniyang palad at siniksik ng siniksik at gumawa ng matinding pressure at sabay pinakawalan.
"[Water Jet]!" Yan ang tinawag ni anton sa skill na ito. Gamit ang madaming amount ng tubig at sobrang taas na water pressure at binuga na parang spray at inipon sa iisang point o posisyon ay maaari mahiwa nito ang kahit na anong materyal miski bakal.
Note* A water jet cutter, also known as a water jet or waterjet, is an industrial tool capable of cutting a wide variety of materials using a very high-pressure jet of water, or a mixture of water and an abrasive substance. (You can search on google)
Habang nasa ere si anton ay umikot siya at mula sa kaniyang dalawang palad ay lumabas ang matinding agos ng tubig at hiniwa ang mga gagamba na tamaan nito.
Pinaniniwalaan na sintigas ng metal ang balat ng Death Spider pero tila isang papel na pinupunit ang mga death spider sa [Water Jet].
lagpas sa kalahati ng bilang ng Death Spider ang namatay at nakakalat sa paligid ang katawan at nakakalat din ang mga piraso ng katawan nito. Nag-iwan din ng matindin pinsala ang water jet sa lupa na tila hiniwa ng higanteng espada.
Pagbaba ay agaw hininga si anton dahil sa dami ng mana na kaniyang ginamit. Nanlaki naman ang mga mata nila arthur, ellen at andrew dahil sa nakita nila di nila inakala na ganun kalakas si anton.
"A-a-anton a-anong mahika yun?" Tanong ni andrew at di parin makapaniwala sa seneryo na nasa kaniyang harapan.
"Di ka gumamit ng dasal? Wala ding magic circle.. para kang elementalist.. pero ang elementalist ay kinokontrol ang mismong elemento.. halimbawa kaya nilang kontrolin ang tubig sa kahit anong naisin nila na di kinakailangan ng magic circle o magic words pero di nila kayang gumawa ng tubig.. kaya naman wala silang kuwenta kung wala ang elemento kung saan sila eksperto.. pero sa kaso mo.. lumikha ka ng tubig ng walang magic circle o magic words.." wika ni arthur.
Si ellen naman ay nanatiling tahimik lang pero bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat, 'marahil alam na niya ang tungkol dito..' sa isip ni anton.
"Di ko alam basta ang nasa isip ko ay ayoko na mamatay kayo at gusto ko lang iligtas kayo.. tara na kailangan na natin umalis dito.." wika ni anton at di naman nag-atubili pa ang grupo at umalis na.
Subalit bago pa man makaalis sila anton ay muli na naman sila napalibutan ng death spider.
Si anton at arthur ang nasa harapan at si ellen at andrew namab ang nagsisilbing taga suporta sa kanilang dalawa.
Malaking tulong ang skill ni anton na tracking dahil dito ay na gagawa niyang mailagan ang mga pag-ataki nito sa kaniyang likuran. Nang mawala ang epekto ng Undying will ni anton ay pinawalang bisa na din niya ang kaniyang magic eye dahil ayaw niyang maapektuhan na naman ng 'Fear'.
"Magic Flash!" Gamit ang huling natitirang mana ni anton ay gumamit siya ng magic flash. At dito ay sinamantala nila ang pagkakataon upang patayin ang mga Death spider.
Gamit ang Magic eye ay nalaman ni anton ang kahinaan nito, Ang ilalim na parte ng tiyan ng Death Spider ay walang proteksyon kaya naman madaling tumatagos ang espada dito.
Hindi din maabot ng mga galamay at pangil ng gagamba ang kanilang ilalim na parte kaya naman kapag nakapasok na si anton at arthur sa ilalim ng gagamba ay sigurado ang pagkamatay nito. Gamit ang Magic Vine ni ellen ay naisagawa nila ang kanilang plano at natalo nila ang mga Death Spider.
Kinolekta muna ni anton ang mga Magic Stone bago sila umalis.
Sa gabi umaataki ang mga Death Spider kaya naman nagdisisyon ang grupo na sa umaga matulog at sa gabi sila lalakad sa paraang ito ay nabawasan nila ang bolang ng pag-ataki ng mga death spider.
Makalipas ang ika walong araw sa loob ng Canyon nakalabas din sila at dun ay nakita ni anton ang malawak na kagubatan ng Beastman Forest bukod pa dito ay di hamak na mas malalaki ang puno dito ng ilang beses kesa sa demonic forest.
Matapos ng maikling pahinga ay muli ng naglakbay sila anton patungo sa Goblin Nest..
To be continue..
BINABASA MO ANG
Imperium: Legend of Anton (Season 1)
FantasySi Anton ay 25 years old, madami siyang mga bagay at desisyon na pinagsisihan. dahil sa kaniyang mga kamalian ay itinakwil siya ng kaniyang pamilya. sa kabila ng kaniyang mga kabiguan sa buhay ay may iisang babae lamang ang nagbibigay sa kaniya ng p...