Nagising si anton dahil sa tubig na sinaboy sa kaniyang mukha, napailing iling pa si anton upang alisin ang tubig sa kaniyang mukha. Nang subukan punasan ni anton ang kaniyang mukha ay napansin niya na nakagapos na ng kadena ang kaniyang mga braso at binti. Idinilat ni anton ang kaniyang mga mata at kaniyang naaninag ang lalakeng humarang sa kaniya sa tarangkahan at nagdala sa barong barong na kubo, ang lalakeng pumalo sa kaniya, ang dalagita na hinihinala ni anton na gumamit ng mahika, isang matanda at mga mangilang mga tao.
"Sino ka at ano ang dahilan upang pumarito ka dito sa isang delikado at liblib na kagubatan?" Wika ni borav habang hinihimas himas ang kaniyang balbas.
"Sa tingin ko wala ng silbi ang pagsisinungalin dahil di niyo naman ako aatakihin kung naniniwala kayo sa aking sinabi kanina.." sagot ni anton.
Tahimik ang lahat at nakatingin lang kay anton na tila nagaantay sa kaniyang mga sasabihin. "Ako si anton.. Sakatunayan di ko alam kung papaanong paraan ako napunta sa lugar na ito.. paggising ko ay nasa kagubatan na ako at ang tanging alam ko lang ay may dapat akong iligtas.. at wala na akong maalala pa.." pagka wika nun ni anton ay agad na tumingin ang matanda sa dalaga na si ellen at umiling iling lang ito at nagsalita.
"Di ko maunawaan nagsasabi siya ng totoo pero sa loob loob nito'y may kasinungalingan.." wika ni ellen na halata ang pagtataka sa kaniyang mukha.
"Ganun ba.. wala na tayo magagawa gumagamit ka na ng magic detection.. kung ganun bata sabihin mo sino na naman ang dapat mong iligtas?" Wika ni borav at itinaas nito ang isang kilay habang nakatingin kay anton.
'Detection magic? Tama lang pala ang ginawa ko kung nagsinuling ako panigurado baka di na ako aabutan pa ng bukas..' sa isip ni anton. "Kuroro village.. yun lang ang alam ko.." sagot ni anton.
Pagkasabi ni anton ng 'kuroro village' ay nagulat ang mga tao sa loob ng kuwarto at nagkagulo at nagsimulang magingay at magtanong tanong, baka sa mga mukha nila ang takot.
"Kanino tayo dapat iligtas? Sa mga mangangalakal ng alipin.. baka ibabalik na tayo sa dati nating mga amo!" Sigaw ng isang lalake.
"Baka naman sa mga halimaw at mabangis na hayop.. baka may matinding halimaw na aatake sa ating village!" Sigaw ng isa pang lalake.
"Baka naman mamamatay na tayong lahat sa gutom o may mating sakuna na darating!" Wika namn ng isang ginang.
"Magsihinahon kayong lahat!" Sigaw ni borav. Nagsitahimik ang mga tao sa loob ng kuwarto at muling naibaling ang tingin nito kay anton at muling nagsalita. "Sa anong bagay mo kailangab iligtas ang village namin?" Tanong ni borav na bakas sa kaniyang mukha ang pagaalala.
"Di ko pa sigurado.. maaaring sa kahirapan o sa gutom.. at ang pinakamalala.. sa totoo lang sa daan ko papunta dito ay may nakaharap akong ilang goblin at kung hindi ako nagkakamali ay naghahanda sila ng malakihang pagatake sa village na ito." Wika ni anton at tumingin si anton sa lahat ng tao na nasa loob ng kuwarto. Napansin din ni anton na naglikha ng matinding takot sa mga tao ang kaniyang mga sinabi. 'Yan tama yan matakot kayo! At sa huli wala kayong magagawa kundi ang humingi ng tulong sakin at matapos na ang misyon ko! Wuhahahaha! Ang problema lang ay ang goblin nagsinungaling na naman ako..' sa isip ni anton. "Pero di ko alam kung kailan ang oras o araw ng kanilang pagatake.." dugtong ni anton.
"T-t-totoo ba ang s-sinabi niya?!" Gulat na wika ni arthur at agad na lumapit kay ellen.
"D-di ko alam.. totoo ang sinabi niya pero may bakas ng kasinungalingan.." sagot ng dalaga.
"Wala na tayong magagawa pa totoo man o hindi di parin maaalis ang katotohanan na nasa paligid lamang ang mga goblin" kunot nuong wika ni borav.
"Ano bang meron sa goblin at takot na takot kayo?" Wika ni anton at halata ang pagyayabang sa kaniyang mga tinig.
"Isa lang salita ang maaaring maglarawan sa mga goblin.. HALIMAW! Aatake sila sa village at di nila papatayin ang mga kababaihan, tanging mga kalalakihan lang ang pinapatay nila at magtitira sila ng mga kalalakihan at kukunin ang mga dalaga at dadalhin sa pugad nila upang gamitin para magparami ng kanilang lahi.. at kapag ang baae ay wala ng kakayahang magbuntis ay agad nila itong papatayin at hihiwain ng pira piraso at kaainin habang pinapahirapan nila ay bakas sa kanilang mukha ang saya na tila ba ang pagdurusa at paghihinagpis at iyak ng mga tao ay nagpapataas ng kanilang libido." Wika ni arthur at bakas na bakas sa kaniyang mukha ang galit.
Di alam ni anton kung ano ang dapat niyang sabihin.. habang pinagmamasdan ni anton ang mga reaksyon at mukha ng mga tao ay napansin ni anton ang matinding galit sa mukha ni arthur na tila'y nilalarawan ng kaniyang mukha ang tindi ng kaniyang naranasan sa mga kamay ng goblin. 'Dapat ko silang iligtas..' sa isip ni anton. Akma na sanang magsasalita si anton ng bigla bumukas ang pinto at pumasok ang isang binatilyo.
"Masamang balita!"
"Ano yun?" Tanong ni arthur ng walang lingon lingon sa binatilyon
"Habang nagpapatrolya ako sa silangang bahagi ng kagubatan napansin ko ang malaking hukbo ng goblin na naghahanda.. sa tingin ko aatake sila pagkagat ng dilim." Wika ng binatilyo.
"Masama ito! Ano ang kanilang bilang!?" Wika ni arthur.
"Ta-tatlong libo.." mahinang bulong ng binatilyo at halata sa mukha nito ang namumuong takot.
"Hinda ang mga kalalakihan na kayang makipaglaban!" Wika ni arthur na akma na sanang aalis pero biglang kinalagan si anton. "Kaya mong makipaglaban hindi ba?" Tanong ni arthur kay anton.
"Huh! Ako pa! Maaasahan mo ko!" Agad na bumangon si anton at lumabas ng kuwarto kasama si arthur.
To be continue..
BINABASA MO ANG
Imperium: Legend of Anton (Season 1)
FantasySi Anton ay 25 years old, madami siyang mga bagay at desisyon na pinagsisihan. dahil sa kaniyang mga kamalian ay itinakwil siya ng kaniyang pamilya. sa kabila ng kaniyang mga kabiguan sa buhay ay may iisang babae lamang ang nagbibigay sa kaniya ng p...