Nagising si anton dahil sa nakakasilaw at mainit na liwanag na nagmumula sa bintana. Bagamat alam ni anton na kakagaling lang niya sa matinding aksidente ay wala man lang siyang mararamdaman na sakit o kirot sa kahit ano mang parte ng kaniyang katawan, sa katunayan pa nga ay presko at magaan ang kaniyang pakiramdam na tila punong puno siya ng enerhiya. Sinubukan ni anton idilat ang kaniyang mga mata at kaniyang natanaw ang di pamilyar na kisame pero alam niya na nasa ospital siya. Ibinaling ni anton ang kaniyang paningin sa paligid at nang mapansin niya ang dalagita sa kaniyang kaliwa na mahimbing na natutulog.
Halos tumalon ang puso ni anton sa tuwa ng makita niyang si rea ang babaeng natutulog.. tila isang anghel sa kagandan si rea na binabalot ng liwanag ang buong mukha nito na nagmumula sa bintana ng ospital.. sa posisyon ni rea ay mas lalo pa napagaralan at napagmasdan ni anton kung gaano ito kaganda.. ang babaeng kaniyang hinangaan at minahal ng ilang taon.. pero di parin maaalis ang katotohanan na may ibang mahal si rea.. "kaya naman kailangan kong gumawa ng paraan para mapasaakin si rea!" Sa isip ni anton.
Agad na bumangon si anton ng dahan dahan. Laking gulat ni anton ng mapansin niyang wala na ang galos o sugat na dulot ng aksidente sa kaniyang katawan, agad siyang lumabas ng ospital at nakaalis naman siya ng maayos ng walang naghihinala dahil walang nakahalata na isa siyang pasyente.
Pagalis ni anton ay agad siyang tumungo sa kanilang bahay at kaniyang kuwarto. Di na siya nagulat sa reaksyon ng kaniyang pamilya at sa katotohanan na di man lang nila alam ang nangyare sa kaniya. "Status!" Muling lumitang ang transparent na screen sa kaniyang harapan.
-----------------------------------------------------------
Examinee: Anthony PerezExaminee No.: EX-0499
Skills: None
Weapon: Rusty Sword
-----------------------------------------------------------"E-examinee no.? Kung ganun hindi lang ako nagiisa sa pagsubok na ito.. ano ba ang purpose ng matandang yun? Baket kailangan namin dumaan sa pagsubok.." punong puno ng mga katanungan ang isipan ni anton pero importante ang oras kaya naman nagpatuloy na siya sa kung ano mab ang pakay niya. "Points!" Lumabas ang transparent screen sa harapan ni anton.
-----------------------------------------------------------
[God's Power][Weapon]
[Buffs]
[Skills]
-----------------------------------------------------------'Kung ganun ang points ay maaari kong ipalit sa kahit ano mang apat na ito.. kaya pala nasabi niyang tulay sa kapangyarihan at tagumpay..' sa isip ni anton. "God's Power!" Nagbago ang transparent na screen sa harapan ni anton.
-----------------------------------------------------------
[Accelerate Time] - Use the power of God to accelerate time or allow you to jump in future. without affecting your body and age. (Cost 999999 points)[Time Lapse] - Use the power of God to allow you to jump in any year on past. Without affecting your body and age. (Cost 999999 points)
[Revive] - Use the power of God to revive someone. (Cost 999999 points)
-----------------------------------------------------------Nanlaki at namilog ang mga mata ni anton sa kaniyang mga nakita. "To-totoo ba to? Maaari akong pumunta sa future at past sa kahit na anong taon na naisin ko? At maaari kong buhayin na kahit na sino? Pero hindi sinabi kung kasama din ako.." wika ni anton pero ilang sandali ay napaisip si anton. '999999 points? Isang point nalang ay isang milyon na.. imposible.. kung ang points ay susi sa tagumpay imposible na makaipon ako ng 999999 points.. sa isang pagsubok ay muntik na akong mamatay.. kaya ang susi sa tagumpay ay nasa skills, weapon at buffs..' sa isip ni anton.
"Weapons!" Muling nagbago ang screen ni anton.
-----------------------------------------------------------
[Melee][Long Range]
[Defense]
-----------------------------------------------------------'Sa weapon category ay nahahati sa tatlo melee, long range at defense.. ang mga kalasag at sandata ay nagkakahalaga ng 50 points kada isa.. depende pa sa klase.. ang lumang sandata na madalas gamitin ng goblin ay ang pinakamura naguumpisa palang ako kaya di mahalaga kung bago o luma ang importante ay kaligtasan kaya bumili ako ng isang armor na nagkakahalaga ng 100 points..' sa isip ni anton.
"Skills!"
-----------------------------------------------------------
[Attack][Defense]
[Support]
-----------------------------------------------------------'di ko muna kailangan ng mga attack at defense skills ang importante ay support skills na maaaring makatulong.. kung may skills na tulad ng heal ay mas maganda..' sa isip ni anton.. kaya naman agad siyang tumungo sa support skills.. karaniwan ay 'Cooking', 'Camping', 'Tracking' at 'herbalism' mga basic needs sa survival at talagang pinakaimportante. Ilang sandali sa paghahanap ay nakita nga ni anton ang kaniyang hinahanap.
To be continue..
BINABASA MO ANG
Imperium: Legend of Anton (Season 1)
FantasySi Anton ay 25 years old, madami siyang mga bagay at desisyon na pinagsisihan. dahil sa kaniyang mga kamalian ay itinakwil siya ng kaniyang pamilya. sa kabila ng kaniyang mga kabiguan sa buhay ay may iisang babae lamang ang nagbibigay sa kaniya ng p...