Chapter IX: Search

1.4K 81 0
                                    

"Huf! Huf! Buti nalang heal kagad kinuha kong skill.." wika ni anton habang nakasandal sa puno at napapaligiran ng tatlong wolf. "Kailangan ko na kaagad tong tapusin.." dugtong pa niya.

Pinagaling ni anton ang sugat niya sa tagiliran. Dahil alam ni anton na masyadong malaki at malalim ang sugat niya sa tagiliran na halos lumitaw na ang kaniyang bituka. Dahil dito ay nakakaramdam na si anton ng pananakit ng kaniyang ulo. 'Dahil siguro sa laki ng sugat kaya sa isang heal ay katumbas dalawa o tatlong heal.' Sa isip ni anton.

Nagsara na ang usat ni anton pero di parin ito napagaling ng tuluyan. Kaya naman lakas loob na sumugod si anton sa mga wolf. 'Di makakatulong kung tatakas ako. Masyadong mabibilis ang wolf at malakas ang pang amoy at pandinig nila.' Sa isip ni anton.

Kasabay ng pagsugod niya ay sabay sabay din sumugod sa kaniya ang tatlong wolf. "Sa kaliwa, kanan at sa harapan.. mas matalino sila sa goblin" wika ni anton. Agad na sinipa ni anton ang wolf na nasa kaniyang kanan, at agad siyang umikot at yumuko upang ilagan ang wolf mula sa kaniyang kaliwa. Naisip ni anton na mabilis at sunod sunod ang ginagawang pagatake ng mga wolf at alam niya na mauulit lang ang nangyare kanina kung magpapatuloy ito. 'Salamat sa heal.. di lang pinagaling mga sugat ko binigyan din ako ng kahit konting stamina..' sa isip ni anton.

Mabilis na tumalon ang wolf na nasa kaniyang harapan, pero imbis na umilag ay ipinain ni anton ang kaniyang braso at habang kagat kagat ng wolf ang kaniyang braso ay siknaksak niya ito sa leeg. "Wuuuuf!" Iyak ng wolf. Dahil dito nakaramdam na ng takot ang natirang dalawang wolf at mabilis na tumakas.

"Huf! Huf! S-salmat natapos din.." wika ni anton habang hingal na hingal. Humiga si anton at pinagmasdan ang kalangitan. Di pa binabalot nag kadiliman ang buong paligid pero natatanaw na niya ang buwan at mangilan ngilang bituin. "Delikado sa kagubatan paggabe kaya mas mabuti kung dito na din ang papalipas ng gabi baka kung anong mas mabangis pang hayop kesa sa wolf ang makasalubong ko." Wika ni anton at bumangon siya upang maghanap ng kahoy at sanga ng puno.

'Buti nalang nagsearch ako sa internet ng mga basic survival..' sa isip ni anton ng sinimulan na niyang magpalingas ng apoy. Di nagtagal ay nakagawa na din si anton ng apoy at niluto ang karne ng wolf.

Pinagaling ni anton ang iba pa niyang sugat. Ngayon lang nasubukan ni anton na gamitin ang heal ng madaming beses sa loob ng ilang oras, kaya naman dahil dito ay nakaramdam siya ng matinding hilo at sakit sa ulo kaya naman bigla nalang nakatulog si anton ng di inaasahan.
-------------------
Nagising si anton dahil sa nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa araw at sa ingay na nagmumula sa tinig at huni ng mga ibon. "Mukhang nakatulog naman ako ng maayos.. delikado pala pagnapasobra ng gamit sa heal.. masama to pagbigla nalang ako ule magcollapse sa susunod.." wika ni anton.

Nagsimula ng maglakbay si anton at ang kaniyang direksyon ay sa tuktok ng bundok. Alam ni anton na malawak ang gubat na kinatatayuan niya pero nakakasiguro siya na nasa gubat din na ito ang kuroro village. Kaya naman mas mabuti na umakyat sa mataas na lugar upang makita at malaman niya ang direksyon ng village.

"Waaaah.. nauuhaw na ako.. shit.." wika ni anton na halos ikaladkad na ang kaniyang sarili dahil sa uhaw at pagod. Nagpahinga muna si anton at sumandal sa puno "ilang oras na ako naglalakad.. uhaw na uhaw na ako.. Board!" Lumitaw sa harapan ni anton ang transparent screen.

-----------------------------------------------------------
Objective: Save the kuroro village.

Time Limit: 6 days 10 hrs.

Reward: 700 points.
-----------------------------------------------------------

"700 points.. masyaxong mababa ang points kumpara sa level na to.. halos mamatay na ako kahapon.." wika ni anton. Nang makapagpahinga ay muli na naman siyang tumuloy sa paglalakad.

Ilang sandali pa ay nakaakyat na si anton sa tuktok ng bundok. Ramdam na ramdam ni anton ang malakas pero simoy na hangin sa tuktok ng bundok. Inilapat ni anton ang dalawang braso at pumikit at ninamnam ang hangin. Pagdilat ng kaniyang mga mata ay tsaka lamang niya ang magandang senaryo sa kaniyang harapan. "Wow.. sobrang ganda ng lugar na to.." wika ni anton. At dun napansin ni anton isang village di kalayuan.

To be continue..

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon