Chapter XXXII: Hyper Torch

1.1K 73 1
                                    

Gumamiit ng [Light Magic] si ellen, at ito'y nagsilbing gabay sa kanila sa loob ng madilim na kuweba. Dahan dahan sila na naglalakad sa loob pinapakiramdaman ang buong paligid.

"Kailangan natin mag-ingat.. sa isang grupo ng goblin ay madalas binubuo ng 3-5 goblin at ang bawat isa ay may kakayahang makakita sa dilim at nagtataglay ng matalas na pandinig." Wika ni arthur.

Naalala bigla ni anton ang kaniyang unang araw sa mundong ito. "Kung sa paligid ay may maliliit na grupo ng goblin ibigsabihin ay may malapit na goblin camp, at ang camp na ito ay binubuo ng 100-300 goblin na pinamumunuan ng mga hob goblin.. at ang umataki naman sa kuroro village ay isang goblin general na kayang pamunuan ang 3,000 goblin.. sa tingin niyo ano ang klaseng goblin ang maaari natin makaharap?" Wika ni arthur.

"Goblin king.." mahinang sagit ni anton.

"Maaaring tama at maaaring hindi.. ang goblin general ay madalas binabantayan ang goblin king na pinamumunu naman ang goblin nest.. at kung hindi ako nagkakamali ang dahilan ng pag-ataki sa kuroro village ay dahil sa gusto nila magtayo ng panibagong goblin nest.. sa tingin niyo ano ang dahilan?" Wika ni arthur at ang grupo ay biglang nanahimik dahil sa pag-iisip ng maaaring sagot.

Lumipas muna ng ilang minuto bago pa man makasagot si anton. "Dahil may umusbong na bagong pinuno?" Wika ni anton na tila hindi sigurado sa kaniyang sagot.

"Tama ka anton.. ang dating goblin king ay nag-evolve sa goblin lord.. at ang kaniyang mga anak ay naging goblin king kaya naman kinakailangan ng bagong nest para sa kaniyang mga anak.." wika ni arthur na bakas sa mukha nito ang takot at pag-aalala.

'Para lang din pala itong Pyramid scheme ng mga networking? Open minded din kaya ang mga goblin?' Sa isip ni anton. "Kung ganun masyadong delikado ang pag-ataki natin?" Wika ni anton.

"Hindi.. makapangyarihan ang goblin lord subalit wala dito ang mga goblin general dahilan sa paghahanap ng bagong nest.." wika ni arthur.

Kada ika 5 segundo ay ginagamit ni anton ang kaniyang [Magic Eye] upang makita ang buong paligid at malaman kung may goblin malapit sa kanilang posisyon.

Nakita ni anton na di kalayuan ay may goblin kaya naman ay hinugot niya ang kaniyang kutsilyo mula sa kaniyang sinturon at binato ito sa mga goblin. Lagi sinasanay ni anton ang kaniyang sarili sa pagbato ng kutsilyo at sa tulong ng [Magic Eye] ay walang hirap na tinamaan ni anton ang mga goblin na.nagbabantay.

Kutsilyo lang ang ginamit ni anton upang hindi gumawa ng kahit ano mang ingay. Lumapit si anton sa goblin at kinuha niya ang kaniyang katsilyo mula sa batok ng goblin at dito'y nakita niya ang mga piraso ng damit ng babae at mga damit pang ilalim. Nakakita din si anton ng mga bakas ng dugo at kalmot sa lupa at pader, senyales na naglaban ang babae.

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ni anton at nanikip ang kaniyang dibdib. Agad na tumakbo si anton at sinundan ang dulo ng mga bakas na ito.

Sinubukan siyang pigilan ni arthur at ellen subalit pinigilan sila ni andrew sapagkat iniiwasan ni andrew ang makalikha sila ng ingay.

Ng makarating si anton sa dulo, dito ay nakita niya ang mga pinto na tila ba ay mga kuwarto ng isang hotel at sa hallway ay makikita ang isang Ogre.

Nagulat si anton dahil halos nasa 8-9 feet ang taas ng ogre na ito ay may hawak hawak na club.

Napansin ni anton ang ilang parte ng katawan nito na naaagnas na. 'Zombie Ogre?' Sa isip ni anton.

Di na nagatubili pa si anton at gumamit siya agad ng [Water Jet] na tumama naman sa dibdib ng ogre at nag-iwan ng malaking butas sa dibdib, nakita din ni anton ng ilang mga uod na naglaglagan mula sa dibdib nito, subalit di man lang ito pinansin ng ogre at patuloy na nilusob si anton.

Agad na gumulong si anton upang ilagan ang pag-ataki ng ogre at gumamit ng magic eye.
______________________________________

[Undying]
- a magic used by necromancer to revive someone and control them as their own puppet. They become a soulless body and slowly decays their body.

Weaknesses:
- Holy Light.
- Purification.
- Kill the caster.
- Completely destroy the body.
______________________________________

"Shit.. kaya pala walang kuwenta ang Water Jet.. ang kailangan ko ay apoy para mawasak siya ng tuluyan.." wika ni anton at itinaas ang kaniyang dalawang palad at tinapat ito sa ogre.

'Magsisilbing source of heat ang aking mana.. at gamit ang mana ay lilikha ako ng oxygen at iipunin ko..' sa isip ni anton.

Nakalikha si anton ng apoy sa kaniyang palad, imbis na pinalaki ito ang ginawa ni anton ay pinainit ng pinainit gamit ang kaniyang mana.

'500°F.. 700.. 800.. 1,000... 2,000..' sa isip ni anton at ng umabot sa 2,000°F ay naging kulay asul ang apoy na nasa palad ni anton.

Inisip naman ni anton ang itura ng kaniyang magic kapag pinakawalan niya ito 'Lighter' yan ang naisip ni anton.

(Note*Blue flame is 2,600 and 3,000 °F and the hottest is Bright Blue-White Flame 5,260 K (4,990 °C; 9,010 °F), and at up to 6,000 K (5,730 °C; 10,340 °F) its a melting point where exposing from it in just a second will turn you into ashes.)

At ito'y pinakawalan ni anton. Nagliwanag ang buong paligid at nagbaga ang pader, sahig at kisame ng kuweba dahil sa magic ni anton dahil sa sobrang init.

At ang ogre na kalaban ni anton ay naging isang abo. Tinawag na [Hyper Torch] ni anton ang kaniyang bagong skill.

Tumungo agad si anton sa naunang pinto at ang tanging nakita lamang niya ay mga sandata, sa pangalawa naman ay mga pagkain.

May mga pinto na may ilang goblin at agad naman itong pinatay ni anton at paglapit niya sa pang limang pinto ay may narinig si anton na mga tinig ng babaeng nagiiyakan.

Agad na binuksan ni anton ang pinto dito ay nakita niya ang mga goblin na abala sa pagpapaligaya sa kani knilang sarili.

"Waaaaaahh! Aura!" Sigaw ni anton dahil sa galit at sinugod ang mga goblin. Nagtalsikan pa ang mga dugo ng mga goblin sa paligid dahil sa walang habas na pagwasiwas ni anton ng kaniyang espada.

Nang makita ni anton ang itsura ng mga babae ay awang awa si anton. Ang ilan dito ay mga tao at dwarf, ang iba sa mga ito ay tinorture ng mga goblin, nakita pa ni anton na habang ginagahasa ay sinusuntok ng goblin ang isang babae. Ang ilan ay kulang kulang na ang mga ngipin, ang iba ay dinukutan ng mata, pinutulan ng dila at tainga at ang iba'y pinutulang ng daliri.

Mangiyak ngiyak si anton sa itsura ng mga babae na kaniyang naligtas. Ang mas dumurog sa kaniyang puso ay ang ilan sa kababaihan ay patay na dahil sa di nila kinayanan ang matinding pagtorture ng mga goblin at ang iba pa sa kanila ay minorde edad.

To be continue..

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon