"W-wolf?" Nanlaki ang mga mata ni anton ng makita niyang tumalon sa harapan niya ang isang malaki at otim na wolf. Nataranta si anton kaya naman di kagaad siya nakailag sa pagatake ng wolf. Nang subukan niyang gumilid ay huli na nakalmot parin siya ng wolf sa dibdib buti nalang ay bumili siya ng armor kaya naman di siya nagalusan ng husto.
'Shit! Ang rupok na ng aromor na to! Tumagos parin ang kuko ng wolf..' sa isip ni anton. Lumayo si anton sa wolf at pumorma. "Kailangan ko magingat at maging alerto.. ang mga wolf ay hindi umaatake ng magisa.. kakalubog lang ang araw kaya naman mas lalo sila magiging aktibo..." wika ni anton habang pinagmamasdan at pinagaaralan ang galaw ni anton.
Katayo lang si anton at sinusundan ang wolf na iniikutan si anton na tila ba nagaantay ito ng magandang pagkakataon na atakihin si anton. Halata ang takot at kaba sa mukha ni anton. Kitang kita din ang mga bubutil butil na pawis ni anton sa mukha. 'Ang wolf ay madali lang kalaban lalo kung magisa lang.. pero ibang usapan na kung ang wolf ay isang grupo at may alpha na namumuno. Matalino ang alpha alam nito ang mga tamang taktika kung paano mapapabagsak ang kalaban gamit ang bilang nila. Lumalabas ang bangis ng mga wolf kapag mas madami sila..' sa isip ni anton.
Ilang saglit ay bigla nag bago ang tempo ng wolf, kung kanina ay naglakakad lang ito ngayon ay bigla itong tumakbo. Naalarma naman si anton sa ginawa ng wolf dahil alam niya na mauutak ang wolf at kadalasan na umaatake ng supresa, sa.kahinaan at sa blindspot. Sinundan ni anton ang wolf upang hindi mawala sa kaniyang paningin pero nagulat si anton ng may biglang may kumaluskos sa kaniyang likuran. Alam ni anton na wolf yun kaya naman akma na siyang haharap upang ilagan ito pero huli na siya.
Muling naramdaman ni anton ang pamilyar na sensasyon na naranasan niya. Akala ni anton ay wala ng sasakit pa sa kagat ng goblin. Pero nagkamali siya, mula sa kaniyang ay makikita ang isang wolf na mas mataas pa kay anton pagtumayo na kagat kagat ang kaniyang balikat. Kahit ano mang gawing piglas ni anton ay ayaw siya nitong bitawan. Kpag napiglas si anton ay winawasiwas pa ng wolf ang pagkakagat nito sa balikat ni anton.
Kasabay ng matinding kirot at sakit ay nararamdaman din ni anton ang madaming dugo na sumisirit at dumadaloy mula sa kniyang balikat. "Hindi ito sapat upang mapasuko at mapabagsak niyo ako!! Aaaaahh!Hindi" sigaw ni anton. Kumapit si anton sa balahibo at balat ng wolf at buon puwersa niya itong hinila. Ilang sandali pa ay may biglang may matulis na bagay ang bumaon sa binti ni anto at dun lamang napansin ni anton na napapaligiran na siya ng mga wolf.
"Isa.. dalawa.. tatlo.. apat.. lima.." bilong ni anton. Kinabahan na si anton alam niya na kahit ano mang oras ay maaari na siyang mamatay pero ayaw niyang sumuko..
Habang hawak hawak ang isang wolf ay bigla niya itong siksak sa tagiliran upang maging dahilan para bitawan nito ang balikat ni anton.. "awwu.. aawwuu.." ungol ng wolf habang nagdudusa sa sugat nito sa sikmura. Akma na sanang hahampasin ni anton ang wolf na nakakagat sa binti niya pero may wolf na biglang kumagat sa kaniyang tagiliran at sa kaniyang braso.
"T*ng *n*! Di ako makakagamit ng heal dahil kailangan ng matinding konsetrasyon.. pagnagpatuloy to mauubusan na ako ng dugo!" Wika ni anton.
Sa harapan ni anton ay may mabilis na tumatakbong wolf patungo sa kaniya. Alam ni anton kung ano ang target ng wolf na ito, Ang kaniyang leeg. Pilit na nagpumiglas si anton sa wolf na kagat kagat ang kaniyang braso, Na naging dahilan upang humiwalang ang kaniyang laman't balat sa kaniyang braso at lumitaw ang buto. Agad niyang sinuntok ang ang wolf na papalapit sa kaniya na tumalsik naman.
Gamit ang dalawang kamay at buong lakas sinaksak ni anton ang ulo ng wolf na kagat kagat ang kaniyang binti. Bumaon ang espada ni anton sa ulo ng wolf at tumagos paito at bumaon pa ang espada sa lupa. Hinila ni anton ang espada at dun niya lang napansin na may malaki siyang sugat sa tagiliran na halos lumuwa na ang kaniyang bituka. Pagharap ni anton sa kaniyang harapan ay nakita niya ang mga wolf na nanggigil kay anton. "Grrrr grrr" tinig mula sa mga wolf.
Gamit ang isang kamay tinutok ni anton ang kaniyang espada sa tatlong wolf. At sumandal siya sa puno. Tinakip niya ang kaniyang kabilang kamay sa kaniyang tagiliran. "Heal!" Nagliwanag ang palad ni anton.
To be continue..
BINABASA MO ANG
Imperium: Legend of Anton (Season 1)
FantasySi Anton ay 25 years old, madami siyang mga bagay at desisyon na pinagsisihan. dahil sa kaniyang mga kamalian ay itinakwil siya ng kaniyang pamilya. sa kabila ng kaniyang mga kabiguan sa buhay ay may iisang babae lamang ang nagbibigay sa kaniya ng p...