Chapter XXVIII: Death Spider Den

1.1K 73 2
                                    

"Ang Goblin Nest ay nasa Beastman Forest malapit sa dating kaharian ng mga beast.. tinayo ito ng mga goblin sa mismong Skull Cave.." wika ni andrew at sabay turo sa mapa. "Pagkatapos nilang umatake sa village ay sinundan ko ang bakas ng mga goblin, dito sila dumaan sa Elven territory at dahil abala ang mga Elven makipaglaban sa mga tao ang side na ito ay naiwang walang bantay. Dumiretso sila sa wasteland at sumakay ng bangka at binaybay ang patay na ilog patungo sa Beastman forest." Wika ni andrew.

"Pero kung diyan tayo dadaan ay aabot na ng dalawang linggo, di tayo maaaring umabot ng ganun katagal dagil bawal iwanan ang eutheria ng walang mamumuno." Wika ni arthur.

"Di lang yun.. ang goblin a may dalawang linggo lang ang kailangan upang mabuo sa sinapupunan at isang buwan lang ang kinakailangan upang matutong humawak ng espada.. dalawang buwan na ang lumipas mula nung huling pag-atake sigurado ako na kung magpaplipas pa tayo ng isang buwan ay maiipon na nilang muli ang kanilang lakas.." wika ni andrew, sa kaniyang mukha ang makikita ang pagiging determinado.

"Andrew may iba pa bang paraan o daan?" Sa pagkakataong ito hindi na nanahimik pa si anton.

"Meron.. handa tayo dalhin ng daan na ito sa loob lamang ng 6 na araw.. subalit masyadong delikado miski ang mga goblin ay hindi pinili ang daan na ito.. Man-Eating Canyon, tinawag itong Man-Eating Canyon dahil sa wala ng nakakaalis pa sa lugar na ito matapos dumaan.. sa canyon ding ito namamahay ang mga Death Spider, ito ang pinaka mahabang canyon ito ay kumokonekta sa Beastman Forest at Human Territory, sinubukan itong gamitin ng mga tao sa pag-atake subalit bigo sila.. bukod sa nakakalito ang daan dahil isa itong maze, Pugad din ito ng mga Death Spider kaya naman ang sundalo nila na 5,000 ay mabilis na nalipon.." wika ni andrew.

"Ano ang Death spider?" Tanong ni anton.

"Di ko alam dahil di pa ako nakakakita nito at ang sabi sabi ay walang tao ang nagawang mabuhay matapos makakita ng Deat Spider." Sagot ni andrew at bakas sa kaniyang mukha ang takot.

"Ang death Spider ay isang magical beast at may Rank na B sa mga adventurer, nung nasa Verssila pa ako nabasa ko ito sa isang libro ng mga adventurer.. Ang death spider ay isang magical beast at nagtataglay ng [Demonic Eye (Terror)] kapag nagkaroon kayo ng eye contact ay di ka makakagalaw at mababalot ka ng matinding takot hanggang sa di mo mamalayan na binabalutan ka na pala nito ng sapot.. bukod dito'y ang Death Spider ay may mukha ng tao dahil ninanakaw nila ang mukha ng tao na kinakaen nila, malalaki ang Death spider na kasing laki ng elepante at matutulis na pangil at ang galamay nila sa harapan ay tila isang Great sword.. yan lang ang alam ko.." wika ni ellen. Ang buong grupo ay nakatingin kay ellen at bakas ang takot dahil sa kanilang narinig.

Wala ng iba pang choice sila anton kaya naman ay tinahanak na nila ang Man-Eating Canyon.

Sa kanilang daan patungo sa Canyon ay may nakasalubong sila anton na grupo ng mga wolf at Wild boar. Ang mga mababangis na hayop na ito ay di na problema sa grupo nila anton.

Pagdating sa bukana ng canyon ay namangha si anton sa itsura nito. Ang canyon ay tila isang pader na sobrang lapad at taas.

Bukod sa matarik na daan ng Canyon at minsan may gumuguhong bato ay wala ng maisip pang dahilan kung bakit naging delikado ang daan na ito.

Pagsapit ng gabi ay nabalot ng kadiliman ng buong pakigid at nakita ni anton ang magandang tanawin ng buwan at ng mga bituin. Nakapalibot sila anton sa apoy na kanilang ginawa at nag-umpisa ng magluto ng kanilang hapunan.

'Ssshh.. sssshh..' habang kumakaen sila anton ay nakarinig sila ng kakaibang tunog.. narinig din nila ang marahan na yapak ng mga ito.. dahil sa dilim ng paligid ay walang makita sila anton.

"Magic eye!" Wika ni anton.

Ang dating kulay itim na paligid ay naging kulay puti, at dito nakita ni anton ang halos nasa isang daang higanteng gagamba..

Ang lahat ng gagambang ito ay sabay sabay na tumingin kay anton na tila ba naramdaman nila na nakatingin si anton sa kanila.
______________________________________
[Demonic Eye (Terror)]
- you are in a state of 'Fear'. Temporarily paralyzed and Silenced.
______________________________________

Daan daang screen ang sabay sabay na nagpop up sa harapan ni anton.

"Magic Eye off!" Biglang nanumbalik ang paligid ni anton sa dati nitong anyo.

Napaluhod si anton, hindi dahil sa over used ng Magic Eye kundi dahil sa dami ng 'Fear' ang nacast sa kaniya kaya na paralyzed siya.

"Anton! Ayos ka lang?!" Wika ni ellen at agad na lumapit si ellen kay anton.

Nanginginig ang panga ni anton na nagsalita. "D-d-death s-s-spider.." wika ni anton ng biglang may matining silang tinig na narinig.

"Kiiiyyyyiii!" Pagkarinig nila anton ng tinig na ito sabay sabay na naglitawan ang mga pulang mata sa kadiliman at unti unting papalapit sa kanilang direksyon.

Ang ibang gagamba na nahagip ng liwanag na nagmumula sa apoy ay lumitaw ang mukha. Ang mukha nito ay isang mukha ng dalagang babae na may apat na pulang mata at ang bibig nitong may dalawang nakalitaw na matatalim na pangil.

To be continue..

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon