Ang kuroro village ay napapalibutan ng matitirik na bundok at sa bukana nito'y may ilang metrong taas na pader na gawa sa kahoy. Ang pader na ito ay di sapat para pigilan ang kahit ano mang pagatake mula sa mga tao at seige weapon, pero sapat na ito upang pigilan ang mga mababangis na hayop at tulad ng mga goblin.
Kataka taka na bukas ang tarangkahan ng village paglapit ni anton sa village. Akma na sanang papasok si anton sa village ng may dalawang lalake ang pumigil sa kaniya. Ang dalawang lalake na ito ay may dalang sibat at kapansin pansin din ang kasuotan ng dalawang ito. Di magawang maipaliwanag ni anton ang kasuotan ng mga ito pero ang alam ni anton 'basahan' ang suot ng mga ito. Madumi at butas butas.
"Sino ka?" Tanong ng lalake habang tinutok nito ang sibat kay anton.
"A-anton ang aking pangalan.." wika ni anton at halata sa kaniyang mukha ang gulat sa biglang ikinilos ng lalake.
"Anton? Ngayon ko lang narinig ang pangalan na yan.. saan ka nagmula at ano ang pakay mo sa village na ito?" Tanong ng pangalawang lalake at sa tono ng kaniyang pananalita ay halata ang paninindak at pagdududa nito.
"N-nagmula ako sa kagubatan na yun!" Sabay turo ni anton sa direksyon ng kaniyang pinagmulan. "I-isa akong manlalakbay.. pero sa gitna ng paglalakbay ay inatake ako ng mga goblin at nahulog ako sa bangin kaya wala ako maalala nabagok ata ang ulo ko.. t-tapos.. yung.. yung bag ko naiwan kaya wala akong kahit na ano.. ilang araw na ako di nakakakaen at nakakainom.." wika ni anton. 'Sana mapaniwala ko sila.. hindi ko maaaring sabihin ang tungkol sa Diyos na si atlas..' sa isip ni anton.
"Ah.. ganun ba.." matagal na wika ng isang lalake at nakatitig ng masama kay anton halatang may halong pagdududa ang mga mata nito kay anton.
"Sumunod ka sa akin.. kawawa ka naman bibigyan kita ng maiinom at makakain.. minsanan lang may mapadaan sa lugar na ito na manlalakbay.. sa katunayan nga mula pa nung isinilang ako at hanggang sa pagtanda ko sa village na ito'y ikaw palang ang manlalakbay na napapadaan sa lugar na ito.." wika ng matanda at tumingin ng masama kay anton.
Nakaramdam ng matinding lamig sa likuran si anton at tumayo ang kaniyang balahibo. 'Mali ba ang dahilan ko?' Sa kaniyang isip. Napansin din ni anton na tila ba may kakaiba sa village na ito, lahat ng tao na nadadaanan nila'y nakatingin sa kanilang direksyon hindi sa katunayan ay nakatingin sa kaniya na may mga mata na takot na takot.
Sa kanilang paglalakad ay nakikita din ni anton kung gaano kahirap ang village na ito. Kitang kita sa mga tao naririto ang nararanasan nilang hirap at gutom. Karamihan sa kanila ay mga bata at kababaihan, napansin din ni anton ang mga sira sira at lumang mga bahay, madumi't mabahong paligid. 'Mas matindi pa ito sa squatter area ng pilipinas..' sa isip ni anton.
Sa kaniyang mga nakita ay naguluhan ang isip ni anton. "Board!" Lumitaw ang transparent screen sa kaniyang harapan.
Objective: Save the Kuroro village
Time Limit: 5 days 13 hrs
Reward: 700 pointsBiglang napaisip si anton. 'Save the kuroro village.. pero wala naman nakalagay na specific.. maaaring iligtas sa sakit, sa kahirapan, sa mga goblin o sa mga wolf.. mas mahirap pala ito sa aking iniisip..' sa isip ni anton.
Ilang sandali pa at nakarating na sila anton sa kanilang direksyon. Kumatok ang lalake sa pinto, pagbukas ay may isang ginang na lumabas sa pinto at yinakap nito ang lalake. Pero nagdududu si anton sa kilos ng ginang at nitong lalake sa kaniyang harapan dahil alam ni anton na nagpapanggap lang ang ginang na asawa siya ng lalake. Napansin din ni anton ang mga tao kung makatingin sa kaniya ay kulang nalang kainin siya ng buhay. Pero ang lakakeng uto ay handa siyang tulungan, patuluyin sa kaniyang bahay at pakainin sa anong dahilan? Yun ang kailangan alamin ni anton.
Inalok si anton na pumasok siya ng lalake, kaya naman ay ihindi na ni anton ang kaniyanh sarili sa kahit ano mang maaaring mangyare. Pagpasok ni anton sa kaniyang kaliwa ay may isang lalake na may hawak na kahoy at nakahanda na upang paluin si anton. Iilag na sana si anton pero nagulat si anton nang di niya maigalaw ang kaniyang katawan ang tanging nagawa lamang niya ay tumingin sa kaniyang paanan, at dun niya nakita na may bilog na nakaguhit sa sahig sa kaniyang tinatapakan at nagliliwanag at may mga simbolo na ngayon lamang niya nakita. Isang bagay lang ang pumasok sa isip ni anyon 'Magic Circle'. At bigla may tumama sa kaniyang ulo na mayigas na bagay at nawalan siya ng malay..
To be continue..
BINABASA MO ANG
Imperium: Legend of Anton (Season 1)
FantasySi Anton ay 25 years old, madami siyang mga bagay at desisyon na pinagsisihan. dahil sa kaniyang mga kamalian ay itinakwil siya ng kaniyang pamilya. sa kabila ng kaniyang mga kabiguan sa buhay ay may iisang babae lamang ang nagbibigay sa kaniya ng p...