"Tigil bata! Masyadong delikado dito.." pigil ng isang pulis kay anton ng akmaing lumapit ni anton.
Bukod sa mga pulis ay madaming tao din ang nakiki syoso sa ng yayari, ang iba ay nagagawa pang videohan at picturan ang nagaganap na holdapan at di naman alintana sa mga tao ang palitan ng mga putok ng baril.
"Grabe naman nakakatakot na talaga ngayon.. narinig ko kanina tatlong pulis na daw ang tinamaan at namatay.. tapos may mga hostage pa sila kaya natatakot pumasok ang mga pulis.." wika ng isang ginang..
"Pinagbabaril nga daw ang mga security guard at ibang empliyado ng bangko.. kawawa naman" sagot ng isa pang ginang.
Dahil sa mga narinig ni anton ay mas lalo pa siyang na alarma pero wala siyang magawa upang makalapit sa pangyayari.
Ilang sandali ay bumukas ang pinto ng bangko, dala ang bag na may lamang pera at ilang hostage. Isa sa mga hostage ay si rea.
"P*t*ng *n*! Ibaba niyo baril niyo! kundi papasabugin ko ulo ng babaeng to!" Wika ng isang lalake at tinutok ang baril nito sa ulo ni rea, malakas ang pagkakatutok na kulang nalang ay ipalo ito sa ulo ni rea at bakas naman sa mukha ni rea ang sakit at takot.
"Tulong! Huhuhu tulungan niyo ako!" pagmamakaawa ni rea habang umiiyak..
"T*ng *n* ka! Manahimik ka!" Sigaw ng lalake at sinampal si rea..
Dahil nasindak ang mga pusil kaya naman agad nitong binaba ang kanilang mga baril. Agad na nagpaputok ang mga holdaper sa mga tao at pulis na nagdulot ng matinding kaguluhan.
Nang makita ni anton na sinampal si rea ay agad na kumulo ang kaniyang dugo sa galit. "[Aura Mastery]!" Sigaw ni anton at agad na nagliwanag ang katawan niya sa gitna ng nagkakagulong mga tao.
Bagamat maaaring magamit ni anton ang kaniyang kapangyarihan dito sa mundo na kaniyang pinagmulan, ay wala naman kakayahang makita ng mga tao ang kaniyang kapangyarihan. 'Kung ganun maaari kong magamit ang kapangyarihan ko sa kahit na saang lugar o kahit anong oras dahil wala naman makakapansin dito..' sa isip ni anton.
Tumatakbo ang mga holdaper patungo sa parking lot kung saan naka parking ang kanilang kotse. Wala silang kamalay malay na mula sa kanilang likuran ay papalapit na si anton at mabilis na tumatakbo.
Nang maramdaman ng holdaper na nasa pinaka hulihan na may paparating ay agad itong lumingon at laking gulat nito ng makita niya si anton na halos isang dangkal lang ang layo ng kanilang mga mukha. Bago pa makakilos ang holdaper ay agad na sinuntok ito ni anton sa mukha. Damang dama ni anton ang lakas ng kaniyang suntok, bukod sa ilang mga ngipin na nagtalsikan at dugo narinig din ni anton ang tunog ng leeg nito ng umikot ang ulo ng holdaper at tumalsik ng ilang metro at tumama sa kotse nila at naging sanhi upang masira ang pinto ng kotse.
"T*ng *n*! Kotse ko!" Gulat at sigaw ng isang holdaper. Agad silang lumingo sa direksyon ni anton. Nang makita nila si anton ay agad nila itong pinaputakan ng baril.
Buong lakas ng loob inilagan ni anton ang mga bala.. hindi slow motion ang paligid niya, hindi din mabagal ang bala sa katunayan sobrang bilis nga nito.. subalit ang mga holdaper ang hindi makasabay sa mabilis na kilos ni anton.
"Items!" Wika ni anton habang iniilagan ang mga bala. Sa kaniyang harapan ay lumitaw ang isnag transparent screen.
-----------------------------------------------------------
Items:[Short Sword x2]
[Short bow] (bolts x25)
[Throwing Knives x8]
[Armor set]
[Small shield]
-----------------------------------------------------------"Throwing knives x2!" Wika ni anton at sa kaniyang kanan at kaliwang kamay ay lumitaw ang kutsilyo at binato niya ito sa lalake na hostage si rea at sa isa pang dalaga.
Parehas na tinamaan ang dalawa ang isa ay daplis lang sa braso at ang isa ay sa balikat. "Shit! Kailangan ko pa magpraktis di pa ako asintado!" Wika ni anton.
Agad na tumakbo ang dalawang dalaga kay anton ngunit pinaputukan ng mga holdar ang isang dalaga agad naman na tumakbo si anton para iligtas ang dalaga at nagtago sa pader si rea. Nailigtas ni anton ang dalaga pero tinamaan siya sa balikat. 'Wala talaga tatalo sa firepower ng baril..' sa isip ni anton ng makita niya ang kaniyang sugat.
Nang tumingin si anton sa mga holdaper ay nagmamadali ng tumakas ang mga ito sinubukan pang habulin ni anton ang mga holdaper pero biglang nawala ang liwanag na bumabalot sa kaniyang kayawan. "Shit! Knife!" Wika ni anton at agad na binato ang kutsilyo sa isang holdaper. "Tumama ka!" Dasal ni anton at tuwang tuwa naman siya ng makita niyang tumama ito sa binti ng holdaper at napadapa.
Pagharap ni anton sa dalawang dalaga ay laking gulat ni anton ng biglang yakapin siya ng isang dalaga at halikan sa labi. "You're my hero!" Wika ng dalaga at halata sa mukha ang saya nito.
Nagulat si anton sa ginawa ng dalaga at lumingon siya sa direksyon ni rea. Pagtingin ni anton kay rea ay agad umiwas ng tingin si rea at bakas sa mukha nito ang lungkot at hiya.
Di pa nagtagal ay dumating na ang mga pulis, at nagtaka si anton ng biglang nagdatingan ang grupo ng mga itim na kotse at ang laman nito'y mga lalake na naka tuxedo at black na shades at dun lang nalaman ni anton ang pangalan ng isa pang hostage na si Christina Lee half chinese half pinay at ang kaniyang panilya ay nagmamay ari ng isang malaking kumpanya. Ang mga lalake na naka tuxedo ay tauhan ng kaniyang ama at inutusan upang sunduin siya, dun lang naisip ni anton na hindi lang ito basta basta robbery case kundi isa ding kidnapping.
Bago umalis si christina ay niyakap pa niya si anton at hinalikan sa pisngi. Si rea naman ay pinilit siya na kailangan siyang dalhin sa ospital, 'sa totoo lang di ko na naman talaga kailangan pang dalhin sa ospital may heal naman ako eh.. at kailangan ko pa maghanap ng trabaho at mag-ensayo..' sa isip ni anton habang nakahiga sa ospital.
Agad na kumalat ang video ni anton sa internet at sa mga Tv news maraming nagcomment at nagsabi na isa siyang extremely trained military. Di maiwasang matawa ni anton habang nakikinig ng balita at nagbabasa ng mga comment sa social media.
Ilang sandali pa ay pumasok ng kuwarto si rea. "Anton sabi ng doktor maaari ka ng makauwi.. mababaw lang daw ang natamo mong sugat.." wika ni rea.
"Salamat naman kung ganun.. di ko kasi matagalan ang ospital.." sagot ni anton.
Agad na sumagot si rea "kaya naman agad kang umalis nung naaksidente ka? Alalang alala ako sayo nun.. akala ko mamamatay ka na.. kase.. kase.. di na tumitibok ang puso mo nun.." wika ni rea at hindi na nitong nagawa pang pigilan ang kaniyang luha.
"Sinubukan kitang itext at tawagan pero ayaw mong sagutin.." dugtong pa ni rea, hindi alam ni anton kung ano ang dapat niyang sabihin at isagot. Kaya naman lumapit nalang siya kay rea at niyakap ito.
"Tapos.. kala ko kanina.. kala ko di ka na dadating.. akala ko galit ka sakin.." wika ni rea habang patuloy parin ang pagiyak.
Hinimas himas lang ni anton ang likod ni rea at sinusubukang patahanin, nakaramdam ng matinding kirot sa dibdib si anton at nagsimula ng magsalita.. "di ako mawawala sa tabi mo.. di ba nangako ako sayo na habang buhay kitang poproteksyunan? At habang buhay ako dito sa tabi mo.. kase.. kase b-best friend tayo.." wika ni anton sa malambing at mahinahong tinig habang pinapatibay ang kaniyang dibdib at kalooban at sinasabi sa kaniyang puso't isipan na 'kailangan mong maging malakas.. wag kang umiyak anton..'
To be continue..
BINABASA MO ANG
Imperium: Legend of Anton (Season 1)
FantasySi Anton ay 25 years old, madami siyang mga bagay at desisyon na pinagsisihan. dahil sa kaniyang mga kamalian ay itinakwil siya ng kaniyang pamilya. sa kabila ng kaniyang mga kabiguan sa buhay ay may iisang babae lamang ang nagbibigay sa kaniya ng p...