Tinipon ang mga tao sa town square sa gitna ng village kung saan may malawak na bakante at may nakahanda ng maliit at mababang entablado.
Pag-akyat at pagharap ni anton ay agad na naghihiyawan ang mga tao, dahil sa pagprotekta ni anton sa village ay itinuring siyang bayani ng mga tao sa village kaya naman sa ayaw man niya o sa hindi ay kailangan niyang magsalita sa harap ng mga tao.
Itinaas ni anton ang kaniyang kamay na nagpapahiwatig na kailangan ng mga tao na tumahimik, nagsitahimik naman ang mga tao at nag-umpisa ng magsalita si anton.
"Mahal kong mamayan ng kuroro village.. una sa lahat nais kong magpaslaamat dahil buong tapang niyong hinarap at nilabanan ang goblin, di kayo tumakbo at iniwanan ang mahal niyong bayan, inyong mga kaibigan at mahal sa buhay. Kundi kahit na alam niyong buhay niyo ang kapalit ay patuloy parin kayong lumaban para sa mahal niyo sa buhay.. kaya naman nangako ako sa sarili ko na sasamahan ko kayo na ipaglaban ang mga mahal niyo sa buhay!" Pagkawika ni anton ay agad na naghiyawan ang mga tao.
"Wag kayong mag-alala ibabangon natin ang kuroro village hanggang maging isnag malaking bayan na magbibigay proteksyon at magpapalaya sa mga alipin sa buong mundo!" Wika ni anton.
Ilang sandali pa ay natapos na ang pagtatalumpati ni anton at pagkagabi ay nagdiwang ang buong village. Nagkatay ng ilang baboy at kambing ang mga tao. Naglabas din sila ng mga alak na inumin, di umiinom si anton ng alak subalit wala siyang magawa kundi ang uminom dahil sa pagpupumilit ng mga villager.
Ngayon nakaranas ng ganito si anton at lahat ng nangyayare ay bago sa kaniyag paningin. Masaya na nagtatawanan ang mga tao habang naghahati hati ng mga inihaw na karne at sasalo salo sa alak, ang mga kabataan ay masayang sumasayaw sa palibot ng apoy. Napangiti si anton sa magandang senaryo na nakikita niya.
Nakita ni ellen na masaya si anton habang pinapanood ang mga bata na masayang nagsasayawan, kaya naman tumayo ito at inilapag ang kaniyang kamay sa harap ni anton na nagsesenyales na inaalok ni ellen na sumayaw si anton.
Di na tumanggi pa si anton at inabot ang kamay ni ellen at tumayo. Di marunong sumayaw si anton kaya naman inantay niya munang sumayaw si ellen at gayahin ang galaw nito bago siya magsimulang sumayaw. Subalit nabihag si anton sa kaniyang mga nakita.. tila isang diyosa si ellen na sumasayaw palibot sa apoy sa ilalim ng liwanag ng buwan.
Sinabayan at ginaya niya si ellen habang sumasayaw at sinusundan ito, parang 'Yin at Yang' si ellen at anton dahil mula sa magkabilang direksyon ay magkasalungat nilang sinusundan ang bawat isa.
Naghiyawan at nagpalakpakan naman ang mga tao senyales na nagustuhan nila ang sayaw nila ellen at nagsigaya. Dahil sa dami ng mga taong sumali sa sayaw ay lumikha ito ng malaking bilog na nasa gitna ang apoy habang pila pila silang sumasayaw.
Natapos ang kasiyahan na may galak at saya ang mga tao sa kanilang mga mukha, nagpasalamat ang bawat isa sa isat isa at nagdesisyon na ang araw na ito ay araw ng pagdiriwang upang idaos ang araw na tinalo nila ang goblin.
Kinabukasan paggising ni anton ay agad siyang bumalik sa kaniyang routine na 1,000 push ups at 1,000 sits ups. Pagkatapos ay agad siyang nag-agahan at nagpatawag ng pagpupulong.
"Borav nais kong italaga ka bilang isang kalihim at sekretaryo ko.. trabaho mo ang mag-inbentaryo ukol sa pagkaen, sandata at s akalagayan ng village at mamayan nito.." tumango lang si borav.
Humarap si anton kay arthur at muling nagsalita. "Arthur ikaw ay itatalaga na pinuno ng patrol team at ng hukbong sandatahan.. hanggat wala pang panibagong pag-atake mula sa goblin ang trabaho niyo sa ngayon ay panatilihin ang kaayusan sa loob ng village at siguraduhing walang.makalapit na ano mang halimaw at mabangis na hayop." Wika ni anton.
BINABASA MO ANG
Imperium: Legend of Anton (Season 1)
FantasySi Anton ay 25 years old, madami siyang mga bagay at desisyon na pinagsisihan. dahil sa kaniyang mga kamalian ay itinakwil siya ng kaniyang pamilya. sa kabila ng kaniyang mga kabiguan sa buhay ay may iisang babae lamang ang nagbibigay sa kaniya ng p...