Chapter XXVII: Expidition

1.2K 85 2
                                    

Note: may ginawa po akong konting pagbabago sa skill na [PRIDE-magic eye].
Naisip ko po kasivna masyadong mahina na ang nauna kong nilagay na effect para sa Rank SSS na skill na may disaster level so inadjust ko lang ng konti.
[Mana Perception] - ability to feel the flow of mana in your body and your surroundings.
[Magic Detection] - ability to feel the magic on the fixed perimeter and detect the real from fake.
[Magic Eye] - (passive) ability to analyze any magic 'name, effect, weaknesses'. (Active) enhance the vision.
______________________________________

"Hayaan mong simulan ko sa kasay sayan ng Zeloth.. ang kontenente na ating kinatatayuan ngayon.." wika ni borav, tahimik lang si anton na nag-aantay sa kasunod na sasabihin ni borav.

"Zeloth ay nahahati sa apat na rehiyon.. Elven Region, Beastman Forest, Dwarven Mountain at Human Territory.. bagamat ang apat na nilalang na ito'y di nagkakaunawaan at magkakaiba sa madaming bagay ay nagagawa parin nilang mabuhay ng tahimik at mapayapa, salamat sa Diyos na makapangyarihan na si Atlas, ang Diyos ng kalangitan at liwanag na sumisimbolo sa kapayapaan at pag-asa.. ayon sa aklat na aking nabasa.. may isang propeta ang lumitaw mula sa kung saan at nagpahayag ng isang masamang propesiya, na ang Diyos nila na si atlas ay iiwan sila at kakalimutan.. isa din sa sinabi ng propeta ang pagdating ng demonyo at aatakihin nito ang kaharian ng mga tao at lilipunin ang sangkatauhan.. dahil dito ay madaming tao ang natakot at madami ang nagduda sa kanilang diyos, ang iba ay nagtayo ng sarili nilang relihiyon.. ilang taon ang lumipas at na sumulpot ang mga halimaw at muntik malipon ang sangkatauhan subalit bago pa man ito mangyari ay biglang dumating ang limang 'Bayani' na sumisimbolo sa limang Diyos ng Church at iniligtas ang sangkatauhan.. muling bumangon ang mga tao at nagtayo ng panibagong kaharian na ang pangalan ay 'Holy Land of Verssila Kingdom' ang kaharian na ito'y napapalibutan ng matataas na pader at ang mga pader na itoy sumisimbolo sa limang Diyos.. ang pangaral ng Church na ito ay 'Tao ang pinili ng Diyos upang maghari sa buong Zeloth' kaya naman simula nuon ay nagdiklara na ng digmaan ang nga tao sa ibang lahi ang unang bumagsak ay ang Beastman Forest at sunod ay ang Dwarven Mountain.. sa ngayon ay patuloy parin ang digmaan ng mga tao sa Elven Region at dahil dito kaming ibang mga alipin ay nagkaroon ng pagkakataon na tumakas at itayo ang kuroro village at makalipas ng tatlongpung taon ay naging eutheria.." wika ni borav, si anton naman ay di parin makapaniwlaa sa kaniyang mga narinig.

"Sa katunayan ay nagulat din ako ng marinig ko ang pangalan na Atlas mula sa iyo dahil mahigpit na pinagbabawal ang pagbigkas ng pangalan na iyan.. simula ng nagduda sa kniya lahat ng mga tao ay di na muling naramdaman ng mga tao ang kapangyarihan ni Atlas.." dugtong pa ni anton.

"Pero kung si atlas ang Diyos na ilang libong taon na pinagkatiwalaan at sinamba ng mga tao sa tingin mo ay basta basta nalang niya itong papabayaan?" Sagot ni anton. 'Siguradong may mali dito.. sa limang diyos na ito, kay atlas at sa mga halimaw..' naisip pa ni anton.

"Hindi natin alam.. pero para sa akin ay isa lamang malaking kalokohan.." wika ni borav at tumayo na at umalis n ng silid.

Ganun din si anton at tumungo sa mga bagong dating na alipin.

Binisita ni anton ang mga mamamayan ng eleutheria na abala sa kanikanilang obligasyon na itininalaga ni anton. Sa kalagitnaan ng kaniyang paglalakad ay naisipan ni anton na gamitin ang kaniyang [Magic Eye].

"Magic eye!" Pagkasabi na pagkasabi ni anton ay agad na nagbago ang paligid niyan.

Ang dating makulay na paligid ng eleutheria na nababalutan ng berdeng kulay na nagmumula sa mga puno sa paligid nito'y biglang nagbago. Naging black and white ang paligid ni anton at ang kaniyang paningin ay naging 360° angle.

Tila may mata si anton sa kaniyang likuran, ulunan at paanan, di lang yun ang kaniyang paningin din ay tila naging telescope dahil kaya din niyang makita miski ilang daang metro pa.

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon