Masakit ang puso koSinundan ko si Xync at malamang tumatakbo na ako ngayon para hagilapin siya.. Kailangan ko kasi mag-explain sa kanya.. Huhu, hayop na Court na yu'n! Pagnakita ko agad ang unggoy na yu'n babalatan ko talaga siya katulad sa saging..
"Excuse me, nakita niyo si Xync?" Napatigil ako at agad-agad akong nagtanong doon sa mga estudyanteng nagkukumpulan sa hallway. Nagbabasakaling nakita nila si Xync para agad ko siyang matagpuan.
"Wala eh." Sagot nila saka iba napailing pa.
Jusmeyo, saan ko ba hahanapin iyang si Xync?
Nang bigla kong naaninag ang bulto ni Xync.
Yes! At hindi pa ako nagkakamaling ma identify yung pagkatao niya! Ganu'n kasi pag stalker.. Hihi, kinikilig na naman ako..
"Xync!" I shouted saka na ulit ako tumakbo para mahabol ko siya.
"Xync!"
"Xync.. Aray!!" Amputs.. Ba't ba ngayon pa?
Hindi ko na nahabol si Xync bigla kasi akong napatid at hindi ko maigalaw ang kanang paa ko. Sino ba kasing paa iyong pumatid sakin??
Beast mode ako!
"Oh poor girl you are Zamara.. Tss. Tss!"
So sila pala yung may pakana nito? Mga Acidic babes, huh?
Star in the left
Dawn in the right
And their leader on mid, is no other than Pek!Isang Pek lang kasi bawal pag dalawa.
Half kasing Thai iyan kaya ganu'n ang pangalan.. Tss.
Baka, itanong niyo rin bakit Acidic babes? Mahilig kasi sa acid iyong tatlo at balitang-balita na everyday of their lives hindi sila mabubuhay ng walang softdrinks. Tss, lamutakin lahat eh, no?
"Ang lampa-lampa mo naman" saad naman ni Star habang pailing-iling pa ito.
Pinilit ko namang tumayo saka ko sila tinitigan ng masama.
"Sino gumawa nito ah??" Sabi ko saka ako napaupo ulit sa sahig. Napa-aray naman ako nang tumama iyong puwet ko sa sahig. Narinig ko pang tumawa silang tatlo ng malakas habang iyong ibang mga estudyanteng napapatingin samin nakitawa na rin..
Aish, ginagalit talaga ako nang mga babaeng to ah?!
"Hahahaha si Zam natapilok? Kaloka.." At napabungisngis ng todo si Pek.
Napataas ang isa kong kilay dahil sa tinuran nito
"Exxxxxccccuuussse me?!" Napa-exag tuloy ang boses ko saka ako nagtaray.
Bongga para kabog sila di'ba?
"Anong natapilok?? Kayo!" Pointing at them saka sila na-shocked "Kayo ang pumatid sakin.. PU.MA.TID!" Diin ko saka sila nagtitigan.
"Excuse me--"
"Hep! Tatlo kayo!" Pangka-clarify ko saka naman sila nagtitigan.
"Ay oo nga tatlo." Dawn said saka siya binatukan ni Pek. Palihim tuloy akong napangiti.
"Shut up!!" Tumitig ito kay Dawn tapos binaling niya na iyong titig niya sakin "Well, excuse us!" She exclaimed and she played the tip of her hair.
Pinilit ko naman ulit tumayo dahil humahakbang na sila papalapit sakin. Oh, hindi pwede ito! Baka kasi pagtulungan nila ko't at masalampak na naman sa mga social media sites itong mukha ko.
FYI, benta na po kasi itong mukha ko at minsan na naging viral. Nilalagyan ng memes, at kung anu-ano pa.. Napagtritripan, ika nga nila.
"Anong gagawin niyo ha? Subukan niyong lumapit at pagbabarilin ko kayo!" Banta ko sa kanila pero ganun na lang din ang panginginig ng boses ko. Hindi ko maitago.
BINABASA MO ANG
Crush (MayWard)
Teen FictionMy one and only crush is no other than Xync Fortinio. Nasa iisang school kami. Classmate at magkatabi ang mga upuan namin. Iisa ang apartment na tinutuluyan at halos lahat ng bagay may common kaming dalawa. Geez! Ito na ba ang tinatawag nilang Fate...