Continuation...
"Hi Zam." Sabi nito saka ngumiti. Kumaway pa ito ng makailang ulit kaya di ko mapigilang di malunok ng buo yung cupcake na nasa bibig ko.
Shems is this possible, for real??
How could this be?
Cough. Cough. Cough.
"Ay jusko anak!" Si Mama kasi naman nakahawak na iyong kamay ko saking leeg. Nahihirapan kasi ako. Nabulunan po ako, oo.
"Tu..Tubiiiiig." nahihirapan kong saad pero ganu'n parin, si papa naman lumapit saka pinagpagpag iyong likod ko.
"Wh-what happened? Zam?"
Bweset ka kasi pasulpot-sulpot yan tuloy nabilaukan ako ng bongga.
"Anak in one two three papakpakin ko likod mo ah.. One, two, threeee....."
Aray ang sakit nun.
"Bwaaa." Sigaw ko naman nang lumabas sa wakas iyong nasa bibig ko.
Teka asan na yung cupcake?
"Ay salamat nawa, akala ko natuluyan kana anak." Si mama na parang nanghihinayang di ako namatay. Pero joke lang yun, yumakap ito sakin saka nya ulit ako tinitigan na parang joke.
"Ahm.. Sorry nang dahil yata sakin nabilaukan ka." Saad naman nun. Hmm, oo kaya kasi nakakapanggulat ka naman talaga. Haist.
"Ah, oh ayos kana anak?" Si papa saka ako tumango.
"Ayos na po ako. Sayang yung cupcake. Hehe." napilitan akong ngumiti saka napakamot ng ulo. Di naglaon natuon naman yung atensyon nila mama and papa sakanya.
Bigla tuloy akong kinabahan na kinikilig.
"Anak sino to?" Mausisang tanong ni papa napamewang. Yung mukha ni papa para bang manununtok ng isang binatilyong itatanan yung anak niya. Hihi
"Oo nga nak, sino ang anghel na to? Crush mo?" Si mama na kinikilig. Bigla tuloy akong napawasiwas ng kamay ko sa kanya. Yung 'hindi ma binubuko mo ako'. Tuloy nagkatinginan kaming tatlo ni papa.
"A-Ah.. Eh? Hehe hi-hindi po siya po si..."
Kinakabahan ako at namamawis din yung palad ko."I'm Xync Fortinio po, Zamara's classmate."
O.O
Lumalaki talaga mata ko. Oo, si Xync nga saka nakipagkamay siya kay papa at kay mama.
Waaaah, pero bakit ako kinakabahan? At bakit nandito siya?
Ishdis meet the parents? Kyaaah
"Ay pagkagwapong nilalang. Alam kong pagod ka kumain ka muna." Alok ni mama nung nakipagkamay sila. Eh si mama kasi di niya binitawan yung kamay ni Xync tuloy hinatak niya na ito. Kaloka ka ma.
Si papa naman nakatingin sakin yung tingin na may halong katanungan. Takang-taka yung ama ko. Jusko.
"Bakit siya nandito? At bakit ka niya hinahanap?" Pabulong na tanong ni papa sakin kaya napalunok ako makailang ulit. Sasagot na sana ako ng tinawag naman ako ni mama.
"Kayo, umupo na rin kayo at Zam ipaghanda mo itong si Xync." Tuwang-tuwa yung mama kaya no choice tumayo ako sa gilid ni Xync tapos nagkatinginan kami. Pero walang unang nagkamustahan samin. Hay naku.
"Ah, anong gusto mo? Hotdog, itlog, o isang Sapaez?"
Feeling ko tuloy may isang anghel na dumaan. Naging tahimik sila tapos si mama at papa curious na tumingin sakin.
BINABASA MO ANG
Crush (MayWard)
Teen FictionMy one and only crush is no other than Xync Fortinio. Nasa iisang school kami. Classmate at magkatabi ang mga upuan namin. Iisa ang apartment na tinutuluyan at halos lahat ng bagay may common kaming dalawa. Geez! Ito na ba ang tinatawag nilang Fate...