Continuation..Nakarating kami sa canteen na MAGKAHAWAK KAMAY. Kulang na lang talaga kantahin iyong hawak kamay ni Yeng ee.. Kyaah pero bakit ganito? Bet na bet ko na talaga? Para kasi akong alam niyo na? Hehehe pinag-aagawan. Makangiti ako wagas ah.
"Anong nangyari sa mukha mo?" Court while arching his left brow tapos nakahanap si Xync nang vacant table at kinaladkad ako. Nemen telege.
"Huh? Ano bang meron?" Hindi ko naman kasi mahawakan kamay ko kung may rumi ba kaya nagtaka na rin ako. Bigla namang sumali si Xync while pinapaupo ako sa tabi niya..
Kyaaah.
"You're blushing Zam." Xync said kaya nahiya ako.
"Oh ba't? Dito ka tumabi sakin" Sabay hatak na naman ng kamay ko. Ito talagang unggoy na to parang inagawan ng saging.
"No. She's going to sit beside me." Matigas naman si Xync
Kaloka.. Ang hirap ah.
Ang hirap maging maganda..
"Heeeeeepppp... Dito ako!" Saka ako umupo sa kabilang upuan tapos ipinagdikit or shall I say pinagtabi ko yung dalawa para manahimik na sila ano?
"Ayan. Oh diba ang ganda ko lang" sabay tumawa at pumalakpak pa. Ang bakla ko diba.
Nakita ko naman ang pag-uyam ni Coirt at pag-sigh ni Xync.
"Okay.. Shall we eat?" Napa-nod ako
"Ah Zam." Court saka may kinuha sa bag ko? Pangiti-ngiti pa yung unggoy labas gilagid.
Ah yung binigay niya pala kanina..
"Ito recipe ni lola.. Caldereta. Masarap yan." Sabay alok sakin. Mmm, mukhang masarap saka recipe talaga nang lola niya. Napangiti tuloy ako kay Court.
Pero bigla namang may kung anong umubo sa paligid.
"Ehem" ay si Xync pala.
"You sure, masarap yan?" Xync asked Court kaya napa-smirked yung unggoy.
"Aba't syempre naman, that's my lola's recipe kaya masarap!" Paninigurado nung unggoy sabay palakpak nang dalawang beses. Binilang ko talaga.
"Hmm, how about mine Zam?" Jusko anongmine? Kaya napalunok ako.. Waaaah anong ibig sabihin ni bebe?
"What I mean, mine? My food that I gave to you, remember, earlier? Hope you like it." Yun nag monotone yung bebe ko.. Awts, pero mabuksan nga.. Ano kaya yun?
Bigla ko naman hinablot iyong bag ko na kinuha niCourt sabay bukas nung another supot na binigay ni Xync..
Iyong malaki.. Hihi
"Cupcakes?" Na surprise talaga ako. As in wow! Mukhang masarap. Napapangiti ako kasi naman ee bakit ganito?? Konikilig ako.. As in natatameme sa kilig.
Court and Xync.. Dalawang gwapo. Tinitilian at may kanya-kanyang alindog sa mga girls. On other fields and experiences-- charismatic talaga ang dalawang ito. No doubt if other girls are in my position magkakanda marupok ang tiglandi cells nila..
Urgh.. Don't know whatto do talaga..
Ba't ba kasi ang ganda-ganda ko?
"Yes, cupcakes. I just thought you might like it and... Uhm. The last time you gave cupcakes to me, I appreciate those efforts so it's time for me to do my part. I guess." And he smiled awkwardly. Pero hindi iyon naging hadlang para kiligin ako sa pagiging awkward niya.. Hehe nakikiliti pa nga ko du'n sa mga explanations niya. He did this cupcakes for me.. Awts my heart warms. Na-memelt ba.
BINABASA MO ANG
Crush (MayWard)
Fiksi RemajaMy one and only crush is no other than Xync Fortinio. Nasa iisang school kami. Classmate at magkatabi ang mga upuan namin. Iisa ang apartment na tinutuluyan at halos lahat ng bagay may common kaming dalawa. Geez! Ito na ba ang tinatawag nilang Fate...