Chapter 20: Losing II

117 3 0
                                    


"Anak, anong plano mo?" Biglang tanong ni papa saka lumapit naman ito sakin. Nasa labas ako nang bahay at madilim na rin. Gusto ko kasi makita iyong magandang bituin na hindi ko gaanong nakikita doon sa apartment.

Kung tungkol naman iyong tanong ni papa sa pag-aaral ko eh hindi ko pa alam kung kelan ako tamang bumalik sa school. I mean, hindi ko kayang umalis na ganito yung sitwasyon nila.

"Anak, wag mo na kaming problemahin ng mama mo rito. Ayos lang kami, at sa totoo lang may kasalanan ako sayo at yu'n yung bigla kitang naigulat? Hindi ko naman naitapos kasi kaagad iyong sasabihin ko, about kay mama mo kasi biglang naputol iyong tawag at ayu'n nga lumipad kana pauwi rito." Mahabang litanya ni papa saka ito tumabi sakin habang ako hindi makapag react. Pero tama si papa, wala naman sigurong masama na mangyayari? At isa pa ako po talaga ang nawiwindang eh.

"Totoo bang ayos lang kayo rito? Nag-aalala ako saka miss na miss ko po kasi kayo ni mama kaya hindi ko nakayanan kaya umuwi ako." Yumakap ako kay papa saka niya rin ako niyakap. Ramdam ko ang malalim nitong paghinga at ganun na lang din ang pagkaseryoso nang sitwasyon.

"Anak," napatingin ako kay papa saka bumitaw kami sa yakap.

"Malaki ang kasalanan ni papa sayo at alam kong nagtatampo ka dahil... hindi nakakatawag si papa sa iyo. Patawarin mo si papa kung hindi, k-kung hi-hindi ako nakakapagpadala nang pera para sa matrikula mo. Nakakahiya ang papa, sobra anak. Patawad." At sa mga tagpong ito, napahagulgol ako. Umiyak ako saka ako yumakap ng mahigpit kay papa. Ang paghinga ni papa, ang pagtaas-baba ng balikat nito. Ramdam kong umiiyak din siya.

"H-hindi pa. Huwag kang mag sorry. Huhu, ako dapat ang magsorry sa inyo dahil nagtampo ako. Hindi ko dapat ginawang magtampo sa inyo at mas inuna kong alalahanin kung papano kayo rito. Sorry din pa."

Kasama nang malalim na gabi, at bituing nag-niningning. Sa ilalim ng kalungkutan, nandoon ako at yakap-yakap ko si papa. At ngayon, kailangan kong unawain ang lahat. Unawaing hindi lunas ang tampo dahil hindi naman nila ginusto ang nangyari. Ngayon alam ko na kung bakit malimit lamang magpadala at tumawag si papa at dahil iyon sa kapakanan ni mama dahil may sakit ito. Pero ngayon, dahil sa bituin na nasa langit, kailangan kong kumapit sa pag-asang maibabalik ang lahat sa dati. Sa dating mayroon kami ng aking mga magulang.

"AYOS lang ba talaga ma?" Di ko mapigilang siguraduhin ang lahat kaya naparito ulit ako sa harap ni mama saka kako ako nagtutupi ng damit na katatapos lang kunin sa sampayan.

"Anak ano ka ba? Ayos lang at saka isipin mo iyong pag-aaral mo roon." Napatitig ako rito. Lutang iyong namimilog nitong mata na may halong pilit na ngiti. Alam ko ang mga ganoong kilos niya, si mama kasi mahilig pagaanin lahat ng pangyayari kahit na di naman.

"Magiging kampante ako ma kung sasabihin niyong wala kayong sakit pero sa nakikita ko, hindi ko pa kayang umalis." Saad ko.

"Matigas ang ulo mo, anak nga kita." Napatawa ito kaya napangiti ako.

"Oh siya sasabihin ko na sa iyo, maayos na ako at nakapagpatingin na ko sa Doctor. Teka, kamusta pala pag-aaral mo anak?"

Okay, change topic. Galing nalusutan niya.

"Ayun ma, lusutan mo pa. Pero, mabuti naman ang pag-aaral ko. Hmm, nong una nahihirapan, nag-aadjust pero kalaunan nalalaman ko na yung di ko pa nagegets? Alam niyo yun? Parang nagiging madali lang paka yung mga mahihirap kapag pinag-aaralan mo nang mabuti." May sense ako sa part na ito habang pinagpapatuloy iyong pagtutupi ng damit.

Napapangiti naman si mama.

Saka dun sa nagiging madali yung pagtututo ko napapasagi sa isip ko si Xync. You know, because of him I easily understood those things na hindi na-iproprocess nang utak ko. Tinuturuan at iniispire niya ko na mag-aral ng mabuti. Hays, nakakamiss ka Xync.

Crush (MayWard)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon