Crush 8: Strum of my soul

152 6 0
                                    

Kita niyo yung kilig?? Hahahaha pinipigilan pa ni maymay ee:)

Strum of my soul

Nasabi ko na rin ang dapat sabihin.

At ngayon...

Ito naging awkward ang atmosphere.. Char! Sanayan na yan.. Wews, kung kay Xync, halata naman noon pa lang may gusto na ko sa kanya, diba? So naging vocal ang ako yung para bang gusto ko lang sabihin. Oh diba through actions and words:)

Pero, I feel it talaga. Hindi naman sa iniiwasan ako ni Xync pero ayu'n na nga.. Umiiwas siya? Bakit? Bakit Xync.. Huhu.. May nagawa ba kong mali?

Sabado ngayon walang pasok kaya ginawa ko ay........ Maglaba.. Syempre naman masipag ata to kaya ako naglalaba nang damit ko.. Oh di'ba walang kaarte-kaarte sa katawan? Heheh kung gusto nga ni Xync magpalaba ay naku sinasabi ko nang libre lahat ng damit niya including his brief.. Charot.. Oh sige magkukuskos muna ko dito.. Hahaha

"Zam" Si Xync? Teka ano ginagawa niya dito?

At bakit niya ako tinawag? Ohmy di na siya umiiwas?

Nagpretty eyes ako..

"Megpepelebe ke?" Maarte kong saad sa kanya with pa-cute effect pa kaya ayun tinignan lang ako saka siya may dalang labada..

Sabi na nga ee magpapalaba siya..

"No. I can handle this" oh? At saka siya humanap ng pwesto at naglaba nga siya

Seriously Xync?

"Why?" Nakatulala kasi ako sa kanya..

Hindi ako makapaniwala ee..

"Huh? Wala.. Meant to be tayo.. Hehe"

"What?"

"Uhm I mean... Meant.. Meant to-big du'n.. Basain mo muna yung damit nang tubig.." Palusot ko kaya siya nag nod.. Jusko kaloka yung lumalabas sa bibig ko..

So naglaba nga kami pero ako itong hindi maka-concentrate sa nilalaba ko. Eh kese nemen kakilig tumingin kay Xync.. He's not maarte. He knows maglaba. Dagdag pogi points equals lumalaking paghanga ko sa kanya..

#Harthart❤

"You know what. Don't stare at me." Pagsusungit na naman nito kaya napangiwi ako..

Okay, suplado ee.. Hmpf. Edi maglaba.

Pero alam niyo may pumapasok sa isip ko kaya hindi ako makaconcentrate.. Yung alam niyo na?? Yung brief ni Xync? Baka kasi kasama yun sa lalabhan niya.. Hihih

Ang pervert ko ba?

#curiouslangsiZam

At mga last two damit na lang lalabhan ko tapos si Xync kasisimula pa lang kaya ito binabagalan ko talaga yung paglalaba ko.. Hehehe may inaabangan kasi ako ee.. Gusto kong makita yun.. Charot!

Pero napailing ako...

Yung eksenang nakita ni Xync yung panty ko? Nakakahiya yu'n.. Talaga promise! Kaya nga di ko na nilabhan dito yung mga yu'n nalabhan at nakasabit na iyon sa tamang lagayan.

"Zam?"

"Xync?" Labas gilagid kong banggit.

Ang sweet ko sa part na du'n.. Hihi

"Umayos ka kundi isasampay kita" sabi nito habang hindi ako tinitignan.

Hala grabe siya.. Ang sakit nu'n ah! Ang harsh.. Ano ako hanger? Sinasampay? Grabe ah..

Nainis ako kaya tumayo ako't masamang nakatitig sa kanya.

"Che! Brief lang ipagdadamot mo pa?" Bulong ko habang lumalayo nang distansya sa kanya.. Eeh, nakakainis siya ee.. Nakakainis talaga!

Crush (MayWard)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon