Multimedia: imagine-nin niyo na lng na gawa yan ni Maymay aka Zamara:)
Cupcakes
Another day at kailangan ko namang pumasok ng maaga sa school. Alam niyo na, dating gawi? Kelangan magpaaga para ipamukha sa iba na ako na una.. Pero joke lang. Yung totoo? Para kay Xync, napapaaga ako pumasok para antayin siya sa gate.
Malala kasi akong stalker eh:P
Kaya ito kahit puyat ako, inagahan ko talaga ng gising. Puyat kasi di ako makatulog ng maayos. Sa dami ba naman ng iniisip ko? Iniisip ko kung mali ba akong nagawa kaya galit iyong si Xync? Ganern.
Saka mabuti na pala yung paa ko. May konting kirot pero keri ko na maglakad. Kunting kembot gagaling na rin ito.
Pero yung puso ko masakit pa rin..
Oo at di ako nagbibiro sa part na du'n..
Char lang ulit.
Nandito na ako sa labas ng apartment at saka ko na inilock yung gate. Nagsimula na rin akong maglakad papuntang skol. Malapit lang kasi apartment namin ee walking distance kaya ayu'n!
Nakauniporme na ako at tapos na rin akong magpaganda. Syempre, kelangan maganda ako. At nature ko na iyon since binubuo pa lang ako.. Hoy, char lang ulit iyon!
Ilang metro na lang ang layo ko sa school at naaaninag ko na iyong konting mga estudyante na pumapasok sa gate.. Ng bigla akong nakaramdam ng kirot saking ngipin..
"Awww.." Saka ko hinawakan iyong kaliwang pisngi ko.. Shocks, sumasakit iyong ngipin ko.
Dahil ba to kahapon?? Sa chocolates???
Masakit talaga.. Alam mo yung feeling na kapag masakit iyong ngipin mo? Ganu'n din kasi sakin. Gusto ko tuloy agad mawala ang sakit baka kasi pag di na agapan lumubo yung kaliwang pisngi ko na kala mo ba'y sinuntok.. Tss.
Kumaripas na ko ng lakad. Syempre sa school at mabuti na nga lang at katabi nito drugstore. Tumungo muna ko sa drugstore at bumili ru'n ng gamot para sa toothache. Bumili rin ako ng tubig, syempre di na libre tubig ngayon day kaya kailangan bili-bili na. Nagbayad din ako pagkatapos
Lumabas na ko. Kinuha ko yung tab na gamot saka ko pinaglandas iyong tubig saking lalamunan. Hahaha ang lalim ko du'n.
"Sana di kana sumakit.. Huwag kang makidagdag!" Pagbabanta ko sa ngipin kong nagsasakit-sakitan. Sana nga gumaling na siya at huwag na makidagdag pa sa puso kong masakit din.
Tumungo na ko sa gate at saktong hakbang ko papalapit du'n eh nakapasok na pala si Xync? Nakita ko kasi siya, kaya agad akong kumaripas nang lakad. Hindi kasi ako makatakbo eh.. Pero habang inaabutan ko ang paglakad niya nagmulti-task ako.. Kinuha ko lang naman iyong i-ooffer ko para sa kanya.
"Xync!" Tumigil siya sa paglalakad at ito naman ako.. Grab the opportunity at humarap sa kanya.
Feeling ko tuloy ang awkward kong maglakad ngayon.. Yung isa ko kasing paa na may kirot pa hinihila ko na lang. Tss
Nagkatinginan kami ni Xync. Pero hindi ako makasabay sa titig niya.. Kaya yumuko ako.
"Para sa'yo." Saad ko saka ko inabot iyong paper bag na may lamang cupcake sa loob. Hep, binake ko yu'n huwag kayong ano diyan.
Kaya napuyat talaga ko kasi nagbake pa ko..
Ng wala itong imik at di parin niya kinukuha iyong present ko para sa kanya tumango na ako.
At ganu'n titig na titig parin siya sakin. But his cold. Yung eyes niya napakadull at walang buhay.
Bakit Xync?
BINABASA MO ANG
Crush (MayWard)
Teen FictionMy one and only crush is no other than Xync Fortinio. Nasa iisang school kami. Classmate at magkatabi ang mga upuan namin. Iisa ang apartment na tinutuluyan at halos lahat ng bagay may common kaming dalawa. Geez! Ito na ba ang tinatawag nilang Fate...