Kabanata 2

743 49 0
                                    

Sana support niyo ako. Follow me, comment and vote.
^^^

Kinaumagahan pumunta na kaming boarding house na sinasabi ni Tito Anton, maganda siya purong estudyante talaga ang nakatira, malinis.

"Okay kana ba dito?" naga-alalang tanong ni papa

"Opo pa okay na po" nagthumbs up pa ako

"Ayusin mo na muna gamit mo pagtinawagan kita sagutin mo, tatawagan ako" marami pang binilin si papa pagkatapos nun niyakan niya ako at umalis na sila ni Tito Anton.

Pumunta na ako sa kuwarto ko, okay naman siya kasya na ang isang tao may lalagyanan ng mga libro, study table, isang kama at aparador. Kinuha ko na ang gamit ko at inilagay sa kama at lumabas para uminom ng tubig.

Habang umiinom ng tubig "Hi!" lumingon ako

"Ikaw yung bagong dating diba?" tanong ng isang dalagang maganda, may pagkamorena siya, ang buhok niya ay hanggang taas ng balikat niya.

"Ah oo ako nga"

"Abby nga pala" pakilala nito sabay lahad ng kamay niya

"Kira" tinangap ko ang kanyang kamay

"Taga san ka nga pala"

"Taga Bulacan ako"

"Talaga? So bago kalang dito sa Cebu?"

"Oo kakarating lang namin kahapon"

"Among grade mo na this school year?"

"Grade 10"

"Hala baka maging magkaklase tayo Grade 10 na rin kasi ako" masiglang sabi ni Abby, tumingin siya sa kaniyang relo "Hala anung oras na pala una na ako may trabaho pa kasi ako ei. Sige Kira see you later" pagpapaalam ni Abby, pagkaalis niya tiyaka naman ako bumalik sa aking kuwarto para mag-ayos na ng gamit.

-QueenTetsuya

'Till Im Back (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon