Sana support niyo ako. Follow me, comment and vote.
^^^Naglalakad na kami papunta kila Ken, ang tahimik namin buti nagsumbrero ako ang init pa naman.
"Anong oras ka na nagising kanina?" pagbasag ni Ken sa katahimikan
"alas nuwebe, ginising ako ni Abby kung di ako ginising nun paniguradong tanghali na ako magigising" sabi ko
"Sorry talaga ah, binulabog pa kita kagabi"
"Okay lang, naging masaya din naman ako sa kuwentuhana natin ei" nakangiting sabi ko
Nagkuwentuhan pa kami hangat makarating kami sa tapat bahay nila, tinignan ko yung bahay nila pero laking gulat ko na yung bahay niya is yung bahay nila Tito Anton yung kaibigan ni papa.
"Bakit?" tanong niya
"Dito ka nakatira?"
"Oo bakit?"
"Ikaw yung anak nila Tito Anton at Tita Fely?"
"Pano mo sila nakilala?"
"Kaibigan ni papa si Tito Anton, dito kami natulog nung unang araw namin dito sa Cebu ni papa"
"Ikaw yung tinutukoy ni mama na ipapakilala saakin na anak ni Tito Leo?"
"Oo, ang liit talaga ng mundo" sabi ko nalang
Pumasok na kami sakanila sinalubong kami ni Tita Fely gulat na gulat ito.
"Kira?" gulat na sabi ni Tita
"Tita Fely" nakangiting bati ko
"Magkakilala kayo?" gulat paring tanong nito
"Oo ma, magkaklase kami" natatawang sabi ni Ken
"Ang liit nga naman ng mundo oh, bakit ba kayo nandito akala ko ba may gagawin kang report? Ipapakilala mo na ba saamin ng tatay mo yang si Kira?" kinikilig na sabi ni Tita
"Bakit ko pa siya ipapakilala, kilala niyo na siya" Ken
"I mean jowa, kasintahan, girlfriend. Kayo na ba?" kinikilig na sabi ni Tita, kaya nagulat kami ni Ken
"Ma! Pumunta kami dito kasi kukuhain ko yung laptop ko kailangan namin sa report, kaya aakyat na ak sa kuwarto ko para kuhain yun" umalis na si Ken
Pinaupo naman ako ni Tita at binigyan ako ni juice.
"Naililigaw ba anak ko sayo Kira?" tanong ni Tita, namula naman yung pisngi ko
"Hindi po" sagot ko
"Sayang naman pero may may pag-asa bang maging kayo ng anak ko?" lalo tuloy akonhg namula sa sunod na tanong niya
"Malay niyo po Tita" nahihiyang sabi ko
"Talaga? Dito nalanh kayo kumain"
"Di po kami magtatagal Tita, gagawa pa po kasi kami ng report"
"Sayang naman" malungkot na sabi ni Tita
"Sa susunod po Tita"
"Osige aasahan ko yan ah" excited na sabi ni Tita sakto namang nakababa na si Ken dala ang bag ng laptop niya
"Halika na?" tanong niya saakin
"Sige" tumayo na ako "Sige po Tita sa susunod nalang po"
"Ma una na kami" sabi ni Ken sabay kiss sa checks ni Tita
Umalis na kami ni Ken, namiss ko tuloy si mama kahit hindi kami close nun mahal ko yun.
"Sorry talaga sa pinagsasabi ni mama" nahihiyang sabi ni Ken
"Okay lang yun, nagbibiro lang naman si Tita"
Nahkuwentuhan pa kami patungkol kay Tita Fely hanggat nakarating kami sa bahay nila Luke.
"Ang tagal niyo naman" nababagot na sabi ni Abby
"Hinarang kami ni mama ei" tanging sabi ni Ken
"Bakit?" tanong nilang lahat. Kinuwento naman namin ni Ken yung nangyari kanina.
"Haha ang epic naman ni Tita Fely" natatawang sabi nila Ben at Luke.
Natapos na pala nila yung English kaya ako na nagpresentang magtype sa laptop para madagdagan ko nalang din pag may kulang buti nalang mabilis akong magtype, sila naman ginagawa na nila ang science umalis na muna sila Abby at Marie papuntang kusina para magluto ng pananghalian namin.
Maya-maya lang din kumain na kami sarap talaga magluto ng dalawang to marunong akong magluto pero di naman katulad nito pagtapos naming kumain pinagpatuloy naming kumain pinagpatuloy na namin ang paggawa ng report sa science naman. Gabi na kami natapos mahirap kasi ang report sa science, hinatid naman kami ng boys sa boarding house kaya ayun safe kaming nakauwi pinahiram din saakin ni Ken yung laptop niya kaya dala ko ngayon. Naghilamos na kami at kumain at natulog na dahil may trabaho pa kami bukas.
-QueenTetsuya
BINABASA MO ANG
'Till Im Back (COMPLETE)
Teen Fiction<< Im waiting for you 'cause I love you >> Posted: 04•24•18