Happy Readinggg ❤
~~
Lumipas ang mga araw at ngayon ay sabado na papunta na kami kila Auntie dala ko na rin yung mga gamit ko."Yung mga bilin ko ah" paalala ni mama saakin
"Opo" pagkababa namin sa jeep naglakad pa kami papunta sa mismong bahay nila, wala kasing deretso mismo sa bahay nila ei, sa kanto lang binababa, ilan ding sandali nakarating din naman agad kami.
Kumatok na si mama ang nagbukas ay ang kasambahay nilang matanda "Oh, Thalia kayo pala pasok, pasok kayo" sabi ni Nana Sela siya ang nagaalaga kay Makie, kasama yan ni Makie sa America siguro sinama sa paguwi niya dito sa pilipinas. "Kira, anak kanina kapa hinihintay ni Makie" Nana Sela, yinakap ko siya at naglakad na kami papasok sa bahay, sinalubong naman kami ni Makie.
"Ki!!!!! namiss kita!!" masiglang sabi ni Mkie saakin sabay yakap
"Namiss din kita, Ki. Pero yung pasalubong ko muna?"
"Haha nasa ref at yung iba nasa kwarto ko kaya halika na tignan mo" hinatak na ako ni Makie, nakasalubong namin si auntie kaya nagmano muna ako bago ming nagpahatak kay Makie papunta sa kwarto nito.
"Alam mo Ki, galing akong japan" pagmamalaki ni Makie saakin nung nakapasok na kami sa kwarto niya
"At ano namang ginawa mo sa japan?" taas kilay na sabi ko
"Nagbakasyon"
"May klase ka ngayon ah, ba't nasa bakasyon ka parin?"
"Huminto muna ako nung nalaman ko na may sakit ka sabi ko kay mommy at lola sabay nalang tayo magaral sa America"
"Pano kung hindi naging successful yung operasyon ko?"
"Magiging successful yun, tiwala lang Ki" ginulo niya ang buhok ko
"Oh, baka nagkakalimutan na tayo yung pasalubong ko?" sabi ko habang inaayos ko yung nagulo kong buhok
"Haha, nasa damitan ko kuhain mo" natatawang sabi nalang niya
Pumunta na ako sa damitan niya at binuksan yun, may box dun nakaplastic "Ito box ba?"
"Oo, kuhain mo" kinuha ko na yung box at lumapit sa kaniya, umupo ako sa gilid ng kama niya
"Anu to?"
"Buksan mo kaya para malaman mo" inirapan ko nalang siya, napakapilosopo talaga nito minsan binuksan ko na yung box
😱 shocksss! yung pinakagusto kong bilhin andito na sa harap ko ngayon. Ang daming CDs , nagningning ang mga mata ko habang hinahawakan ko ang mga ito, binitawan ko ang mga yun at lumapit kay Ki."Ahhhh!!! Ki salamattt"
"Complete session at episodes yan, pagkaapak na pagkaapak ko palang ng japan ikaw na naalala ko at syaka yan, paniguradong mapapatay mo ko pagnagkataon nalaman mong galing akong japan tapos di ako bumili niyan. Pahirapan makahanap niyan ah lalo na yung may english sub title"
"Salamat talaga Ki" pagtapos ko siyang yakapin, lumapit na muli ako sa mga CDs. Alam niyo ba kung ano anong mga CDs to? Hindi malamang 😐, ang gaga ko rin minsan ei, nagtatanong ako kahit alam ko na rin naman yung sagot. By the way mga favorite anime ko lang naman ang mga ito, pahirapan kasi makahanap dito ng complete season at episodes kaya gustong gusto kong makapunta ng japan para makahanap ng mga to.
"Aaaahhhhh!! Detective Conan!!! Kuroko no Basketball!! Major!! Hunter x Hunter!! salamat talaga Ki" marami pang mga CDs yun
Alam talaga ni Ki ang mga gusto kong pasalubong, kaya natatawa nalang si Ki sa reaksyon at pinaggagawa ko ngayon ei. Busy akong tignan ang iba pang CDs ng biglang may kumatok kaya napatingin kami dun ni Ki si Nana Sela lang pala.
"Kira anak, sina Thalia pauwi na magpaalam kana muna" pagkasabi ni Nana Sela nun, naalala ko na namang aalis ako at maiiwan sina mama't papa dito habang ako ay pupunta sa America para magpaopera, pero alam ko naman sa sarili ko na hindi ako nagiisa kasi andun sina Ki at Tita Thea alam kong di nila ako iiwan.
Nagulat nalang ako nung nasa baba na pala kami, sa sobrang lalim ng iniisip ko di ko na namalayan na andito na pala ako sa sala.
"Sige na Kira hatid muna mama't papa mo sa gate" authie
"Salamat po auntie Gracia" muling pasasalamat ni mama at papa kay authie Gracia.
"Sige na sige na magingat kayo, baka gabihin pa kayo" authie
"Sige po, hahatid ko lang po sila" ako
Naglakad na kami papuntang gate kasama namin si Ki.
"Magingat ka dun ah, tumawag ka o kaya magchat" paalala ni papa
"Opo naman po"
"Makie, pakibantayan si Kira ah, di niya kabisado dun baka mawala yan" natatawang sabi ni mama pero bakas sa mga mata niya ang lungkot.
"Oo naman Tita, ako pa bantay sarado saakin yan saakin" natatawang sabi ni Makie
"Salamat Makie ah, pakisabi nalang din kay Thea" mama
"Walang ano man po yun Tita, parang kapatid ko na rin tong si Kira" Makie
Ayiee, ang sweet talaga nang gunggong na to pero napakasungit sa ibang tao saamin lang talagang pamilya niya to ganito, kaya di pa nagkakagirlfriend ei.
"Osige na, baka kung ano na ginagawa ng kapatid mo dun, tawagan mo kuya mo ah sabihin mo paalis kana bukas" papa
"Sige po tatawagan ko si kuya" yinakap na ako nila mama at papa ng sobrang higpit at hinalikan sa noo. Mamimiss ko talaga sila, kung puwede lang talaga sila sumama saakin ei, paniguradong sasama sila di nila ako hahayaan magpaopera na wala sila sa tabi ko, kasi naman ei ang mahal mahal ng pamasahe kaya idinagdag nalang nila yun sa pangpaopera ko at sa mga magiging gamot ko. At sigurado akong magiging malaking gastusan ito lalo na't sa ibang bansa gaganapin ang operasyon ko.
Pagkatapos nun ay umuwi na rin sina mama at papa, nalungkot naman ako kaya yinakap ako ni Ki, "Okay lang yan, babalik ka dito ng magaling na, Ki"
Pumasok na kami sa loob at sinalubong naman kami ni Nana Sela "Nakauwi na ba sila?" tanong nito
"Opo Nana" malungkot na sagot ko
"Okay lang yan Kira" yinakap niya ako ng sobrang higpit "Magpagaling ka lang, paniguradong magiging masaya na sila dun"
"Lalaban po ako Nana, pangako yan"
"Tama yan lumaban ka sa sakit mo at siguraduhin mo pagbalik mo dito magaling kana at walang iniindang sakit"
"Opo Nana" naghiwalay na kami sa pagkakayakap, tinignan ko naman si Ki at yinakap din
"Mamaya na yang dramahan, naghihintay si Gracia sa hapang kainan" nagsipuntahan na kami sa hapang kainan at nakita namin dun na nakaupo si Auntie
"Halika na at kumain" panyaya ni authie
Kumain na kami at nagkwentuhan pinapangunahan ni Ki, ang daldal talaga ng taong to.
"Kira" pagtawag saakin ni Auntie
"Bakit po?"
"Magpagaling ka at lumaban sa sakit mo, wag mo na problemahin ang magiging gastusin, kami na bahala dun. Maging magaling ka lang okay na saamin yun, lalo na sa mama at papa mo"
"Oo nga Ki, sabay pa tayo magaaral" singit ni Ki sa usapan namin ni auntie
"Oo naman po, lalaban po ako maraming salamat po talaga sa lahat" sabi ko
Salamat talaga at andiyan sina Auntie, kung wala sila paniguradong lalong mahihirapan sina mama at papa.
BINABASA MO ANG
'Till Im Back (COMPLETE)
Teen Fiction<< Im waiting for you 'cause I love you >> Posted: 04•24•18