Kabanata 43

258 16 0
                                    

"Gray"

Binitawan ko ang kaldero at humarap sakaniya, ang lapit tuloy ng mukha niya saakin.

"Hmm?'

"Date tayo bukas"

Nagulat naman ako sa sinabi niya, bukas? Gagala kami diba? Nagyaya sina Abby

"Pero nagyaya na sila Abby bukas diba?"

"Edi umpisahan na natin ngayon"

"Ha?"

"Movie marathon tayo dito"

"Dito ako matutulog?"

"Oo, kung pwede. Paniguradong hindi na kita mahahatak pa bukas pagpinakita na kita kila Abby, dahil magkukwentuhan na kayo niyan"

"Ano?"

"Pero~~"

"Please, sige na movie marathon lang tayo"

"Sige payag ako pero pagkatapos kailangan kong umuwi"

"Sige hatid kita"

Tinulak ko na siya para mailapag ko na sa lamesa ang kakainin namin, naghanda narin siya ng plato at kutsara kaya ready to eat na. Nagkwentuhan kami habang kumakain, napagalaman ko na kakatapos lang din nila. Iba iba ang course na kinuha nila meroon designer, photographer, business at architecture. Pumapasok na sila sa mga kompanya na kilala dito sa Cebu.

"Bakit hindi kayo maghanap sa Manila? Masmaraming mag-o-offer sainyo doon"

Tinitigan niya ako at ngumiti, "Baka daw kasi bumalik ka tapos kahanapin mo kami, kaya napagpasyahan namin na wag nalang muna umalis". Napangiti naman ako doon sa sinabi niya. Kaya tumayo ako at lumapit sakaniya at yinakap siya.

"Thank you, Kenny"

"Wala yun, tinupad lang naman yung promise namin saiyo...". Bumitaw na ako sa pagkakayakap sakaniya at tumingin nalang ako sakaniya, "Na hihintayin ka namin na bumalik dito sa Cebu, kasi nga mahal ka namin"

"Mahal ko rin naman kayo ei"

Ngumiti lang kami sa isa't isa at itinuloy na ang pagkain, pagtapos namin kumain ay naghugas na siya ng pinagkainan namin at ako naman ang pinapili niya sa mga CDs niya dito sa kwarto niya sabi ko nga sa sala nalang kami manood ei gusto daw niya humiga pag nanonood, nakasanayan na niya. Ang napili ko ay horror inaayos ko ka siya nung bumukas ang pinto ng kwarto ni Ken, at nakita kong si Ken yun ngumiti siya saakin at iniwang nakabukas ang pintuan, napangiti ako sa ginawa niya haha.

"Ano yung pinili mo?" Tanong niya habang pahiga na sa kama niya

"Horror okay lang ba?" Ako habang papalapit na sa kama at hawak ang remote.

"Okay lang"

Umupo na ako at sumandal sa head board ng kama nilagay ko sa side table ang remote at nanood na kami. Sa kalagitnaan ng panonood namin, si Kenny takot na takot samantala ako tawa ng tawa, nakakatawa kasi yung reaksiyon niya.

"Hala gagi, wag ka diyan alam mong may mumu diyan ei" sigaw niya

"Haha, di ka nila maririnig Ken" natatawa talaga ako sa reaksiyon siya kaya di na ako makapanood ei kasi siya palang parang kompleto na

"HALA GAGI!!" sigaw pa nito pagtingin ko sa tv nagpakita pala yung multo, haha nakakatawa yung reaksiyon talaga niya palano promise, paniguradong di ko makakalimutan.

"Haha, patayin ko na ba?" Sabi ko sabay kuha ng remote sa side table

"WAG!" napatingin naman ako sakaniya, nakakatawa talaga yung mukha niya

'Till Im Back (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon