Kabanata 34

286 29 0
                                    

Sorry for late update bessie, isusulat ko na agad ang susunod na kabanata para naman di na matagalan pa haha.

Happy birthday nga pala sa panda ko ayiee ❤️, char lang. Happy birthday Ivan Jhake Galo, I miss you na uwi na dito, wish you all the best. Umuwi kana dito, ililibre mo pa kami.
*

***

Andito na kami ngayon sa NAIA, kagabi binigay na ni Ki yung ticket ko at passport dali ko rin naman yung mga medical papers ko at yung mga mahahalagang documento ko na kakailangan pagdating dun sa America. Hindi na ako hinatid nila mama baka magkadramahan pa ei, kaya tumawag nalang sila para mamaalam, tumawag na rin ako sa kuya ko pupunta nga dapat dito para samahan ako pero pinigilan ko may trabaho din kasi siya at kailangan din siya ng anak niya.

"Okay ka lang Ki?" tanong saakin ni Makie, nakaupo na kasi kami dito at hinihintay ang pagtawag saaming flight

"Oo naman kinakabahan lang ako"

"Hindi mo naman to first time sumakay ng eroplano ah, kwento mo nageroplano kayo nung papunta at pauwi galing Cebu. Ngayon bakit ka kinakabahan?" nagkwentuhan kasi kami kagabi ni Ki bago matulog kaya nakwento ko ang pagpunta namin sa Cebu kaya alam niyang nakasakay na ako sa eroplano.

"Tsk, baliw. Syempre iba naman yun andun si papa dito tayong dalawa lang" yes, kaming dalawa lang babyahe papuntang America, isa rin pala sa dahilan kung bakit umuwi sa Philippines si Makie dahil ihahatid niya si Nana Sela dito, may katandaan na rin kasi si Nana kaya sinamahan nalang niya si Auntie Gracia sa bahay nito. Kahit na ayaw ni Makie maiwan si Nana dito at gusto niya ito ibalik sa America kasama niya, nagpaubaya nalang siya dahil kailangan narin nito magpahinga at sa Philippines malapit lang ang pamilya nito.

"Andito naman kasi ako Ki, kaya wag kang magalala okay"

"Di naman kasi maiiwasan yun"

"Attention to everyone for those have a fligh going to America, please proceed to departure area. Again for those hava a flight going to America, please proceed to departure area, thank you"

"Yan na, makakaalis na tayo ready kana ba?"

"Tsk, excited pero di mawawala ang kaba"

"Okay lang yan andito naman si Makie the gwapings" natawa nalang ako sa sinabi niya

Hinaharot ako ni Makie hanggang sa makasakay na kami ng eroplano, paniguradong ginagawa niya to para mawala ang takot ko.

"Takot ka parin ba, Ki?" hinawakan ni Makie ang kamay ko, magtatake off na kami ang eroplano

"Konte"

"Matulog kana lang para paggising mo nasa America na tayo, di kana rin matatakot"

"Good idea, naantok na din ako ei"

Nahiga na ako sa balikat ni Makie, di naman umangal ito. Di rin nagtagal ay tuluyan na nga talaga akong nalamon ng antok.

***
"Ki, gising na were here na" yinuyugyug ako ng taong nagsasalita

"Hmmm"

"Maya kana lang ulit matulog sa bahay, tayo nalang tayo dito sa eroplano o"

Pagkarinig ko nun ay agad kong minulat ang aking mga mata, akala ko panaginip lang ang pagpunta ko sa America pero hindi pala panaginip yun dahil totoo yun. "Andito na tayo?" tanong ko kay Ki na kinukuha na ang gamit namin sa lagayan ng gamit sa taas ng upuan namin.

"Yah, kaya tumayo kana jan, and get your bags. Nagaabang na si Mang Larry sa labas ng airport"

"Woahh!! Si Mang Larry? pati pala sila sinama niyo dito sa America"

'Till Im Back (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon