Sana support niyo ako. Follow me, comment and vote.
^^^Ngayon araw ang unang araw ng pasukan silang tatlo naka uniform samantala ako naka civilian kasi wala pa akong uniform, second week pa daw kami mabibigyan. Alam na rin ni Maam Kath ang schedule namin ni Abby kaya 4 nalang daw kami ng hapon papasok tapos sa weekends normal na namin oras. Ang suot ko ay jean na black, maluwag na t-shirt na plain black at black na converse shoes, kulay itim din ang bag ko kaya para akong nagluluksa.
"Anong trip mo? Ba't naka itim ka, ano ka nagluluksa?" nagtatakang tanong ni Abby
"Okay na yan" nakangiti kong sagot
"Halika na hahanapin pa natin ang classroom natin" excited na sabi ni Nicole
Lumabas na kami ng bahay at naglakad na papuntang school maaga pa mga 5:30, naguumpisa ang klase ng 6:30. Maaga kami pumasok para hindi kami matagal sa paghahanap ng section at classroom natin. Nakapasok na kami ng school marami-rami na ring estudyante ngayon meron palang flag ceremony kaya kailagan talagang maaga pumasok ang nga estudyante ayun ang sabi ni Marie.
"Halika na sa bulletin board at nandun naka dikit ang mga section natin" excited na sabi ni Nicole
Pumunta na kami sa bulletin board nasa right side kasi yun, kaunti palang ang estudyate dun sa bulletin board kaya madali naming nakikita ang section at rooms namin. Tumingin na ako sa mga papel na nakadikit dun, hinanap ko na ang pangalan ko, section gold ako.
"Gold ako guys" nakangiting sabi ko
"Ay, ako rin magkaklase tayong dalawa, Kira" masayang sabi ni Marie
Nakita kong nqgsitalunan din sila Nicole at Abby habang hawak ang kanilang mga kamay, "Gold din kami, magkaklase tayong apat" sigaw pa nilang dalawa kaya naagaw namin ang atensyin ng ibang taong nandoon."Manahimik nga kayo, nakakahiya kayi" nahihiyang sabi ni Marie
"Sorry po" sabay na sabi nilang dalawa
"Kaklase pala natin ang nga tukmol ei" biglang sabi ni Abby habang nakatingin sa papel na nakadikit sa bulletin board kung saan nakasulat ang mga pangalan namin
"Talaga?Saan?" natatarantang sabi ni Nicole
"Nako naman talaga Nicole, nananabik ka na namang makita si Luke" natatawang biro ni Marie
"Bakit ikaw di mo ba namiss si Ben?" balik na asar ni Nicole, tinarayan lang siya ni Marie dahil sa asar niya dito
"Haha napikot si Marie" natatawang sabi ni Nicole "Namiss ko talaga si Luke hindi naman kasi nagparamdam noong bakasyon ei" duktong niya sabay nguso
"Ipapakilala ka namin sa mga ugok pagnakita natin sa classroom" nakangiting sabi ni Abby
"Pero saakin lang si Luke ah" mataray na sabi ni Nicole
Nagtawanan kami dahil sa inasta ni Nicole. Pumunta na kami sa classroom, pagkarating namin may iilang tao na nandoon. Umupo ako dun sa pinakadulo doon malapit sa bintana. Malawak naman ang room, hindi rin mainit kaya okay lang. Tapos parang may flat form doon sa harapan, siguro doon tumatayo ang mga teachers at may sari-sariling lamesa't upuan din kami kaya maganda talaga.
-QueenTetsuya
BINABASA MO ANG
'Till Im Back (COMPLETE)
Fiksi Remaja<< Im waiting for you 'cause I love you >> Posted: 04•24•18