Kabanata 32

276 30 0
                                    

Ngayon ay nasa bahay kami ng auntie ni mama, ang alam ko manghihingi sila ng tulong para sa magiging operation ko. Mayaman kasi ang pamilya ng auntie ni mama kaya dito sila kumapit para saakin.

"Hindi nito manlang ba naagapan ang sakit niya?" tanong ng auntie ni mama

"Auntie di naman po namin alam na may masakit na pala sa kaniya" si mama ang sumagot

"Hindi mo manlang sinasabi sa mama mo na may masakit na pala sayo, edi sana mas naagapan ang sakit mo at di lumala ng ganito" tanong saakin ni auntie

"Akala ko po kasi wala lang yung sakit na yun, pagod lang" sabi ko

"Osige tutulungan ko kayo pero si Kira lang ang makakapunta sa America" sabi ni auntie

Sobrang tuwa ang naramdaman ko saaking narinig, pero bakit ako lang ang aalis?

"Bakit siya lang auntie?" tanong ni mama

"Uuwi dito bukas sila Makie, aalis din sila sa linggo isasabay nalang siya" auntie

Si Makie ay isa sa mga apo niyang lalaki na kaclose ko, kaya paniguradong hahanapin ako nun ngayong uuwi siya dito sa philippinas, taga America kasi sila kasama niya dun mga kapatid niya at magulang niya pero ang alam ko, humiwalay na siya ng bahay dahil binigyan siya ng condo ng mommy niya, namiss ko na na yun. Ki ang tawagan namin sa isa't isa, pareha daw kasi kami may 'Ki' sa pangalangan kaya ayun nalang daw tawagan namin.

"Mahal ang pamasahe alam niyo yan, si Makie na daw bahala sa pamasahe ni Kira galing yun mismo sa ipon niya, sinabi ko nga na ako nalang bahala pero ayaw niya para daw sayo Kira gagastos siya. At yung pera naman na magiging pamasahe niyo sana, dagdag nalang natin para sa operasyon niya o kaya naman sa mga gamot na kailangan niya, paniguradong magiging malaking gastusin ito. Wag kayo magalala, lagi naman kayo babalitaan kung ano na nangyayari sa anak ninyo, pwede rin kayo tumawag kay Kira pag nagkataon" mahabang paliwang ni auntie

Si Ki talaga, kuripot na tao yun yung allowance nun naiipon lang sa credit card niya kasi di naman niya ginagalaw. Pero pagkasama niya ako hindi nagdadalawang isip na ilabas credit card niya, yung tipong kaya niyang iwaldas ang pera niya para saakin kesa sa sarili niya at sa mga magiging girlfriend niya. Ganun kami kaclose, kahit naman kasi di niya mabili gusto niya kusa yun binibigay ng mga magulang niya. Kaya masaya akong magkikita ulit kami ni Ki.

"Osige po auntie, kelan po kami ulit pupunta dito para nahatid namin si Kira dito?" mama

Alam kong no choice sina mama, dahil sila lang ang makakatulong saamin para mapaoperahan ako, no choice din sila dahil kalusugan ko na ang nakasalalay dito. At alam ko ding gusto nilang sumama pero masyadong mahal ang pamasahe, gusto ko rin namang andun sila lalo na sa oras na ooperahan na ako, baka kasi di ko kayanin pagnagkataong malayo sila saakin sa mgs oras na yun.

"Sa sabado balik kayo dito, dalhin niyo na ang mga gamit ni Kira, kami na ang bahala sa mga kakailanganin niya palabas ng bansa" auntie

Pagkatapos naming mananghalian dun ay nagpaalam na kami, pagkarating na pagkarating namin sa bahay ay pinahalahanan na agad ako nila mama't papa.

"Magingat ka dun, tumawag ka o kaya naman chat nalang para mura lang sa load" papa

"Balitaan mo kami palagi, kaya lagi mo kaming ichat pag wala kang pantawag saamin" mama

"Opo, lahat yan gagawin ko po wag kayong magalala" nakangiting sabi ko

"Ihanda mo na ang mga gamit mo" papa

"Malayo pa naman, ilang araw pa" ako

"Masmabuti ng maaga para wala kang maiwan na importante" mama

"Osige po, magaayos na ako ng gamit ko"

Pumunta na akong kuwarto naming magkakapatid, kinuha ko na yung bag na dala ko noong dumating kami ni papa galing Cebu, tinignan ko kung ayos lang ba yung mga damit ko dun. Puro jeans naman yun at t-shirt na malalaki di naman kasi ako nagde-dress at nagpapalda. Para nga daw akong tomboy kung kumilos at manamit, habang nagliligpit ako tumunog telepono ko tinignan ko kung sino yun si Abby lang pala kaya sinagot ko na.

"Abby!" masayang bati ko sakaniya

"Hi, Kira musta?"

"Okay lang naman ako sa linggo aalis na ako papuntang America para sa operation"

"Sa linggo na agad ang bilis naman"

"May uuwi kasing apo yung auntie ni mama kaya sasabay na ako sa pagbakik niya sa America"

"Baka naman masungit yun"

"Hindi, mabait si Makie sagot nga niya pamasahe ko ei, paniguradong sakaniya ako maninirahan habang andun ako sa America. Close kami"

"Ah, buti naman, oo nga pala Kira"

"Ano?"

"Si Ken, tinatanong kung pwede daw ba siya tumawag sayo mamaya"

"Oo naman, wag na kayo magtanong basta tawag lang kayo sasagutin ko yan"

"Sige sige sabihin ko kay Ken, next time nalang ulit Kira tinatawag na ako ni Marie kakain na daw"

"Ah, sige sige bye"

Pinatay ko na ang telepono at pinagpatuloy na ang pag-aayos ng mga gamit ko. Kinagabihan tumambay ulit ako sa puno, gandang ganda talaga ako sa pwestong to kasi kitang kita ko dito yung mga star at moon, sobrang ganda nakakakalma. Sa sobrang ganda ng kalangitan muntik na akong mahulog sa kinauupuan kong sanga nung tumunong telepono ko, tsk next time ipaalala saaking wag magdala ng telepono pag umaakyat ng puno. Tinignan ko kung sino ang tumatawag, bumilis agad ang tibok ng puso ko nung nabasa ko ang pangalan niya, agad ko itong sinagot.

"Gray/Kenny" sabay na sabi namin, natawa tuloy kami

"Kamusta kana? yung pakiramdam mo?"

"Okay lang ako Kenny, sa linggo aalis na ako papuntang America"

"Edi pahirapan ka palang matawagan"

"Oo, mahala ang load ei, chat nalang"

"Oo nga naman, ingat ka dun ah"

"Oo naman nagkikita kita pa tayo diba"

Nagkuwentuhan lang kami kung anung nangyari nung mga araw na wala ako dun, sobra daw silang nalungkot, natawa pa nga ako dun ei kasi umiyak pa daw si Abby, Marie at Nicole.

"Ate, kakain na daw" biglang sigaw ng kapatid ko sa baba ng puno

"Osige, susunod na ako" sigaw ko pabalik "Pano ba yan, una na ako sa susunod nalang ulit"

"Oo, sige sa susunod nalang"

"Sige bye Kenny" papatayin ko na sana nang marinig ko siyang nagsalita at sinabing 'Maghihintay ako sayo' then pinatay na niya, napangiti tuloy ako dun. Handa talaga siyang hintayin ako, huwag kang magalala Kenny babalik ako magiging maganda ang kakalabasan ng operasyon ko.

'Till Im Back (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon