KAKAGISING KO lang alas-singko ng hapon, umuwi rin kami agad after ng awarding, gusto ko sanang tumambay muna sa school kasi friday na ngayon, last day ko na aa school na yun, pero sabi nila Abby magpahinga daw ako, bawal saakin ang magpagod baka daw mapano ako, kaya ayun taong bahay kami ngayon, pati kasi yung tatlo nandito rin di nagpaiwan sa school, nagaalala saakin ang mga bruha. 5pm palang, 8pm magsisimula ang battle of the bands gusto kong manuod. Nasa kusina ako ngayon at umiinom ng tubig, di ko nakita ang mga bruha sa sala, asan kaya mga yun? nasa kalagitnaan na ako ng paginom ko ng biglang sumakit ang dibdib ko, sobrang sakit, kanina pa to masakit ei sa awarding palang umiinom na ako ng pain reliever kanina. Sobra na talaga yung sakit niya, hindi ko na alam kung papaano pa bibigilan, nabitawan ko ang baso at nabasag ito napahawak na ako sa gilid ng lamesa para sumuporta saakin, ang sakit na talaga niya. Hindi ko na kaya.
"KIRA!!"
NAGISING NALANG ako na nasa puting silid na naman ako, ospital.
"Ay dios ko, buti gising kana Kira"
"Ano may masakit ba sayo?"
"Okay kana ba?"
Napangiti ako sa mga tanong nito, alalang-alala talaga sila saakin, ang tatlong bruhang, mamimiss ko talaga mga to.
"Okay na ako, pero bat ako nandito sa ospital?
"Baliw kana ba? Nahimatay ka, anong gagawin namin? Tignan ka lang namin hanggang magising ka? Malamang dinala ka namin sa ospital"
"Oh sorry na, masyado kayong high blood ei" natatawang sabi ko "Sorry nahulog ko yung baso" uupo na sana ako..
"Wag ka munang gumalaw, magpahinga ka lang" pigil saakin ni Nicole "Mas mahalaga ka sa baso, kaya bayaan mo na yun"
Bumalik ako sa pagkakahiga ng bumukas ang pinto ng kuwarto ko at pumasok si.. papa na nagaalala.
"Musta kana? May masakit ba?" nagaalalang tanong nito
"Okay na po ako papa, sobrang sakit lang talaga niya kanina pa, hindi ko lang kinayanan kaya nahimatay ako, pasesya na po"
"Wag kang humingi ng pasensya, sa linggo talaga aalis na tayo, hihingi ako ng tulong sa tiyahin ng mama mo para mapaoperahan kana"
Nanlumo ako sa aking narinig, napatingin ako sa tatlo, makikita mo talaga sa mga mukha nila ang panlulumo. Bumukas ulit ang pinto sa pagkakataong ito, ang doktor na, ang dating doktor na tumungin saakin.
"Musta na po ang kalagayan ng anak ko?"
"Uunahan ko na po kayo, masama na po talaga ang kalagayan ng anak niyo kung papatagalin pa ito at baka hindi na niya kayanin pa ang sakit"
"So ano pong dapat naming gawin?"
"Pasensya na po pero ang tanging magagawa lang po natin ay paoperahan siya, humihina na ang puso niya"
"Oo, papaoperahan na siya sa linggo aalis na kami"
"Maganda pong balita yan, kung sakali pong may mga tanong po kayo saakin nasa opisina lang po ako. Maaari na po siyang madis-charge" pagkasabi niya nito umalis na siya
"Kailagan na talaga nating umuwi sa Bulacan. Babayaran ko na muna ang bills mo" umalis na rin si papa
"Magpahinga kana muna sa boarding house" Abby
"Ha? Ei sabi ni Luke kailagan daw complete tayo mamaya sa school" Nicole
"Mas mahalaga pa ba yan, kesa sa pagpapahinga ni Kira?" Abby
"Oo nga, magpahinga ka na lang muna Kira" Nicole
"Hindi, pupunta ako sa school, gusto kong manuod ng battle of the bands, last day ko na ngayon sa school kaya payagan niyo na ako, promise di ako magpapagod"
"Magpahinga kana lang, Kira. Sabihin nalang namin sa boys na nakatulog ka." Nicole
"Hindi, pupunta talaga ako"
"Hays! Bala ka nga" Abby
MAGAALAS-OTSO NA ng makarating kaming school, sinalubong kami ni Luke at Ben nagtataka nga ako kung nasan na ang dalawa: Ken at Nathan. Hindi na ako nagtanong pa dahil kumirot na naman ang dibdib ko. Pumunta na kaming gymnasium, dun kasi gaganapin ang battle of the bands, naayos na ang stage. Umupo na kami sa pinakaharap, ayaw ko sana dun yun nga lang sabi nila Ben reserved na daw yun para saamin. Ano kayang magiging ganap ngayon?
*
A/N: So yun, ahahha, alam kong lame siya, sobra. Sorna bawi nalang ako next update ko. May ginagawa din kasi akong story ngayon, i mean kami pala ng kaklase ko. Horror. So yun, bawi nalang me. *Muah* :* lablab. :>
BINABASA MO ANG
'Till Im Back (COMPLETE)
Teen Fiction<< Im waiting for you 'cause I love you >> Posted: 04•24•18