Merry Christmas ❤
*****
"Mrs. Eliza your son" narinig ko yun mula sa taong bumukas ng pinto siguro isang nurse.
"What happen?"
Narinig ko naman nagsitakbuhan sila palabas kaya dinilat ko na yung mata ko, ano kaya nangyari dun sa anak ni Mrs. Eliza na si Eric. Gising na kaya siya? Nacurious din ako kaya tumayo ako, nung pagtayo ko nakaramdam ako ng kirot ngunit pinagsawalang bahala ko nalang, gusto kong malaman kung anong nangyayari ngayon kay Eric.
Pinilit kong tumayo sa kabila ng kirot na aking nararamdaman, pagkatayo ko hinawakan ko ang stand ng dextrose ko bilang suporta, nung nawala wala na ang kirot nagumpisa na akong maglakad palabas ng dahan dahan.
Paglabas ko ay nakita kong agad na nagtatakbuhan ang mga nurse at doctor papunta sa isa sa mga kwarto dito malapit lang din sa kwarto ko, naglakad ako ng dahan dahan papunta dun sa kwarto.
"Clear!" Narinig kong sabi ng doctor
Sumalubong saakin ang matinding ingay na nagmumula sa heart monitor niya at pagkakita ko dito ay iisang linya nalang, nasaloob sina Tita. Lalo pang umingay ang monitor.
"Time of dead, 19:11"
Pagkasabi nun ng doctor ay nangibabaw na ang iyakan lalo na kay Tita Eliza, sana naman ay hindi mangyari yan kila mama, nakita ko si Makie na papalabas ng kwarto ni Eric hindi ata niya makayanan ang emosyon sa loob, pagkalabas niya ay nakita naman niya ako.
"Ki!"napangiti naman ako, yinakap ko siya
"Okay lang yan" pabulong kong sabi
"Ki, si Eric yun bestfriend ko simula ng lumipat ako dito sa America" nangingi na si Makie, alam ko naman mabigat ang loob niya
"Shhh, tahan na" pagpapatahan ko sakanila
Nung tumigil na siya sa pagiyak ay pinatukan naman niya ako, "Bakit?" Tanong ko sabay himas sa parte ng binatukan niya
"Gaga ka bat ka andito sa labas?"
"Narinig ko kasi kayo naguusap tapos sumunod ako"
"Kira anong ginagawa mo dito?" Narinig ko namang tanong ni Tita
"Thea" tawag ni Tita Eliza mula sa loob
Pumasok naman kami at nakita ko na ngayon si Eric, sayang gwapings pa naman. Rest in peace Eric.
"Kira, si Tita Eliza friend ni mom, a-and this is E-Eric my friend, no my best friend" maluha luhang sabi ni Makie
"Nice to meet you Kira" namamaga ang mata ni Tita Eliza
"Nice to meet you din po, I mean nice to meet you too" nakangiti kong sabi, lumapit siya saakin at yinakap ako. Pagkatapos niya ako yakapin ay hinarap niya si tita Thea
"Now Thea do you accept my offer?" Nakangiting sabi ni tita Eliza
Napatingin naman si tita Thea saakin, "Nagoffer siya na idonate yung puso ni Eric, payag ka ba?" Tanong saakin ni tita.
BINABASA MO ANG
'Till Im Back (COMPLETE)
Teen Fiction<< Im waiting for you 'cause I love you >> Posted: 04•24•18