Nakarating na kami sa restaurant pero hindi parin ako nakakapagsalita.
"Bro okay lang ba talaga dito tayo? Baka dumugin ka ah"
"Naka sumbrero at shades naman ako ei"
"Cr lang ako, excuse"
Bakit nagpaalam pa si Makie!? Nakakainis naman ei, iniwan talaga kami dalawa. Tinignan ko si Makie habang naglalakad, nakakabwiset yung ngisi niya ah. Kainis.
"Ehem"
Napatingin ako sakaniya. Nakatingin talaga siya saakin!! Ang nakakabahala pa, tinanggal niya yung shades niya at sumbrero niya!!! Nakakalusaw. Kinakabahan ako.
Okay, Shakira Gray! Umpisahan mo na magexplain kasi kung hindi lalala lang yang away niyo. Inhale. Exhale.
Nakipaglabanan ako ng tingin sakaniya.
"Yung kanina, yung nakita mo... "
"Siya yung kasama mo nung nakaraan?"
"Oo yung kababata ko"
"Nagbalik ba?" Umiwas siya ng tingin saakin
"Anong nagbalik?"
Muling siyang tumingin saakin. Nakita ko ang paglunok niya.
"Yung feelings mo sakaniya"
Nagulat naman ako sa tanong niya!
"Ano ba namang tanong yan. Malamang hindi!"
"Ei ano yung nagyari kanina sa airport?" Tiim-bagang tanong niya
"Biglaan ang din yun, kasalanan ko rin huli na ng matulak ko siya. Atsyaka pisngi lang naman ako nahalikan niya ei. Pagkatulak ko sakaniya sinabi ko kaagad na may boyfrend na ako, ikaw. Diba boyfrend kita?"
Nakita ko ang pagkagat ng labi niya, napangisi ako, nagpipigil ngumiti ang loko. Tumayo ako at lumipat sa katabing upuan niya, magkatabi kasi kami kanina ni Makie, kaya kataoat ko siya.
"Sorry na, kasalanan ko, di na yun mauulit"
Nakatingin lang saakin kaya naman hinawakan ko ang kamay niyang nasa lamesa.
"Sorry na nga kasi ei" nakangusong sabi kong sabi
Nagulat ako ng alisin niya ang kamay niya sa kamay ko at humarap talaga saakin, hindi lang ulo niya ang nakaharap pati katawan niya.
"Hug me"
Mas-nagulat ako sa sinabi niya, may kasalanan ako kaya need kong gawin yung sinasabi niya. Yinakap ko siya, naramdaman ko naman kaagad ang pagyakap niya saakin ng sobrang higpit. Dalawang minuto na ang lumipas magkayakap parin kami.
Hanggang sa ibaon niya ang mukha niya sa bandang leeg ko, "I love you"
Napangiti ako sa sinabi niya, sus nagpapalambing lang pala ei.
Pinigyan ko siya ng kiss sa pisngi at lalong hinigpitan ang yakap ko sakaniya, "I love you too"
Kumalas na siya sa yakap at hinalikan ako sa noo, ngumiti na muna siya bago nilagay ang sumbrero niya.
"Wag kana ulit magpapahalik sa iba ah!"
"Oo"
"Buti nagkabati na kayo, nagugutom na talaga ako ei" bigla namang singit ni Makie
Hindi din naman nagtagal ay dumating na ang inorder naming pagkain kaya naman nagsikain na kami. Pagkatapos din naman naming kumain ay nagpahinga lang ng sandali at hinatid na kami ni Kenny sa St. Peter ulit.
BINABASA MO ANG
'Till Im Back (COMPLETE)
Novela Juvenil<< Im waiting for you 'cause I love you >> Posted: 04•24•18