Kabanata 55

217 12 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" tanong saakin ni mama kanina pa

Andito kasi kami ngayon ni Ken sa bahay nila mama, ipapakilala ko siya.

"Bawal na ba akong pumunta dito?"

"Jay tawagin mo papa mo sabihin mo may dinalang lalaki yung anak niya"

Grabe naman si mama! Takte wala namang nagsabi saakin ganito pala kakaba ang magpakilala ng boyfren sa mga magulang!!

"Okay ka lang?" Tanong ko kay Ken na nasa tabi ko

"Kinakabahan ako"

"Ako din naman, same lang"

Natawa siya sa sinabi ko, nakita ko naman kaagad si papa pababa ng hagdan. Huminga na muna ako ng malalim bago lumapit kay papa.

"Pa"

"Oh anong ginagawa mo dito? May dinala ka daw lalaki?"

"Meron"

"Sino?"

Tinignan niya naman kaagad si Ken, nakita ko naman si Ken na tumayo.

"Magandang umago po"

"Naalala kita ikaw yung naghatid saamin sa airport sa Cebu, diba?"

"Opo tito kami po yun ng mga kaibigan ko"

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Napadalaw lang" kinakabahang sabi ko

"Napadalaw ng hindi kasama si Makie?"

"Kailangan ba lagi kong kasama si Ki?"

"Anong pangalan mo?" tanong ni papa kay Ken

Kinakabahan na tinignan ko si Ken, takte hindi naman ako yung tinatanong pero bakit kinakabahan ako?

"Ako po si Kenly Azer de Guzman"

"de Guzman?"

"Opo"

"May kilala kang Anton at Fely?"

"Mga magulang ko po sila"

"Ikaw yung anak ni Anton?"

"Opo"

Nakita ko naman ang pagsulyap saakin ni papa, ano kayang inisip nito?

He clear his throat, "Kaano-ano ka ng anak ko?"

"Girlfriend ko po siya"

Pumikit ako para hindi ko makita ang magiging reaction ni papa, mamaya ayaw pa niya akong mag-boyfriend, na patay na! Baka itakwil na ak--

"Finally, nagdala ka na rin ng lalaki dito sa bahay"

Agad akong napadilat sa sinabi ni papa.

"Huh?"

"Akala ko talaga tomboy ka, anak. Hindi ka mahilig maglagay ng kolorete sa mukha ni hindi ka nagsusuot ng bistida, sinusuot mo lagi yung damit namin ng kuya kaya akala ko talaga tomboy ka"

"Papa naman!"

Napatingin ako kay Ken, nakita ko siyang nagpipigil ng tawa. Sinuntok ko siya sa balikat at dun na lumabas ang pinipigilan niyang tawa.

"Ang sama niyo saakin ah!"

"Ako din akala ko tomboy ka, bumibili ako ng make-up nasisira nalang dahil di mo ginagamit" biglang singit ni mama

'Till Im Back (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon