Sana support niyo ako. Follow me, comment and vote.
^^^Nakalipas ang ilang linggo, okay naman ang pag-aaral ko at patatrabaho ko nakayanan ko naman siyang pagsabayin. Ngayo nasa court ako nagpapraktis kasi ang basketball ngayon may pasok, walang klase puro praktis lang and yes tinangap ko yung offer nila Kenly ako na ang bagong manager nila kaya ito ako ngayon nasa court tinitignan yung praktis nila.
"William yung paa mo baka mainjured ka" sigaw ko, mali kasi yung pagbaba niya dapat sabay ang mga paa sa pagbaba kasi pag hindi may chance na mainjured ka.
"Luke traveling"
"Ben iwas-iwasan ang foul"
"Kenly nice shot" sigaw ko muli, lumapit naman saakin si coach
"Ang galing mo naman nakita mo yung foul ni Ben?" tanong ni coach
"Opo coach halata naman po kasi ei" halata naman kasi si Ben
"Alam mo ba minsanan lang natatawagan ng foul si Ben pero lagi siyang gumagawa ng ikaka-foul niya, kasi hindi halata di nakikita" natatawang sabi ni coach
"Talaga po?" tanong ko naman, kanina ko pa napapansing yung mga foul ni Ben
"Oo and your the only one na nakakita nun kasi sa sobrang liksi ni Ben di mo na napapansin na foul na yung iba dun" seryosong sabi ni coach. Nagpatuloy lang ang pagpapraktis hanggang sa magalas-dos na.
"Okay that's for today" sigaw ni coach.
Nagsitakbuhan naman sila papunta sa mga bench kung saan ang kani-kanilang bag, lumapit saakin ang apat sina Luke, Nathan, Ben at Kenly.
"Ang galing mo nakita mo yun" nakikita talaga sa mga mukha nila na bilib na bilib silang apat
"Kilan pa ako nagsimula?" tanong ni Ben, tinutukoy ang kaniyang mga foul
"Simula nung pag-apak mo sa court" natatawang sabi ko
"Galing *nakipag-high five siya sakanila* akala ko di mo napapansin ei, kaya nagulat nalang ako ng sumigaw ka ng iwas-iwasan ko ang foul ei" natatawang sabi ni Ben
"Napapansin ko yun pero di ko lang sinasabi kasi akala ko aksidente lang yun kasi ang likse mo pero nung napansin kong inuulit-ulit muna dun na ako nagwarning" seryosong sabi ko
"Galing naman talaga" nagpalak-pakan pa sila
"Pero iwas-iwasan mo yun baka mafoul-out ka" sabi ko
"Opo boss" nakangiting sabi ni Ben
"Sige na tama na ang daldalan at magpalit na kayo" biglang sabi ni coach
"Sige palit muna kami, Kira" sabi ni Luke
"sige"
Umalis na sila at naiwan ako magisa dito sa court andito parin naman ang mga gamit nila kaya alam kong babaliw sila, niligpit ko na ang mga bola makalipas ang ilang minuto isa nalang ang natira nasa 3 point line siya tinignan ko ang orasan 2:19 pa lang naman alas kwatro pa naman ang trabaho ko kaya maglalaro muna ako, kinuha ko ang bola at pinatalbog di ako umalis sa pwesto ko at tinira ang bola, ayun pasok napangiti ako namimiss ko na maglaro ng basketball, kinuha ko muli ang bola at pinatalbog umikot ako habang pinapatalbog ang bola at pumunta ako sa ring at nag-lay up. May narinig akong nagpalakpakan, nilibot ko ang aking paningin at nakita ko sa entrance ng court ang basketball team, nangunguna na sila Luke, Ben, Nathan at ang nakangiting si Kenly.
"Ang galing naman pala ni Manager" biglang sigaw ni William
Nahihiyang pinulot ko ang bola at nilagay sa lalagyanan nito, may narinig ako papalapit na mga yapag papunta sa kinatatayuan ko lumingon ako at nakita ko si Kenly na nakangiti.
"Ang galing mo naman" papuri niya saakin
"Haha wala yun" nahihiyang sabi ko
"Kaya kita gusto ei"
"Ha? Anong sinabi mo?" tanong ko sakaniya, di ko kasi narinig ei ang hina
"Ang sabi ko.... halika na may trabaho kapa diba?" tanong nito
"Ah oo, ei sila Abby?" tanong ko wala pa kasi yung mga lukaret dito sa court ei
"Nauna na sila sa boarding house ninyo, halika na hatid kita" presenta nito
"Wag na okay lang ako" sabi ko
"Sige na, hahatid na kita" pamimilit ni Kenly
"S-sige na nga" nauutal na sabi ko. Umalis na kaming lahat sa court at umuwi na.
-QueenTetsuya
BINABASA MO ANG
'Till Im Back (COMPLETE)
Teen Fiction<< Im waiting for you 'cause I love you >> Posted: 04•24•18