Sa dalawang araw na nakalipas na pananatili namin ni Ki sa bahay ni lola, naging sobrang ingay nito, kung ano ano ang pinaggagawa namin ni Ki na kinaiiling ni lola, natatawa na nga lang ako ei.
"Salamat at mananahimik na ang bahay na ito" pabirong sabi ni lola
"Sorry lola kung maingay kami" sabi ko
"Okay lang, at least naging maingay naman ang bahay na 'to kahit papaano"
"Lola alis na po kami mahaba habang biyahe pa po ito" Makie
"Makie iho, puwede naman kayo magpahatid sa driver"
"Okay lang po lola ako nalang po ang magda drive, makakaabala pa kami kay kuya"
"Ikaw talagang bata ka, osige magkaingat kayo ha"
"Opo lola alis na po kami" humalik na kami sa pisgi ni lola at sumakay na ng sasakyan.
"Excited kana?"
"Sino ba namang hindi, makikita ko na sila mama"
"Oo nga naman, sige na matulog kana mamaya andoon na tayo"
"Alam mo ba ang daan?"
Winagayway niya ang phone niya, "I have phone for map, Ki"
"Fine"
"Sleep kana, gigisingin nalang kita pagandun na tayo"
"Okay sabi mo ei"
Natulog nalang ako panigurado naman kasing di ako titigilan ni Makie pagdi ko sinunod ang gusto niya.
*****
Naramdaman kong huminto kami kaya nagising ako, nakita kung nasa gate na kami papasok sa village namin.
"Nagising ba kita Ki?"
"Bakit di mo sinabi na malapit na tayo?"
"Ang sarap kasi ng tulog mo ei, kaya di nalang muna kita ginising"
Umayos na ako ng upo at inayos ang sarili ko, ilang sandali nalang magkikita ko na ulit ang pamilya ko. Ilang sandali lang din nandito na kami sa harap ng bahay namin, wala paring pinagbago, masaya ako dahil nakabalik ako dito na ayos na. Lumabas na kami ng sasakyan ni Makie.
"Sige na, tawagin mo na sila Ki"
Nagbuntong hininga na muna ako bago ako kumatok sa gate.
"Tao po!"
"Sino po yan?" Nagulat ako sa nagsalita, nagiba na yung boses niya pero alam kong siya yun, naging buo na yung boses niya at lumaki.
"Jay, si ate 'to" sabi ko, agad naman niya binuksan ang pintuan, lumaki na siya ang tangkad na niya.
"Ate!" Napangiti ako, hindi na siya payat, may laman laman na siya, mukhang lumusog ka simula ng mawala ako dito sa bahay ah
"Ano ba yang pinagsasabi mo Jay, umayos ka nga" narinig kong sigaw ni mama, malakas parin ang boses ni mama di parin nagbabago. Natawa ako sa naisip ko.
"Hindi ma totoo, andito si ate"
May narinig akong nagbagsakan na kaldero, at bumungad saakin ang mama ko nahinihingal, "Ma!"
BINABASA MO ANG
'Till Im Back (COMPLETE)
Teen Fiction<< Im waiting for you 'cause I love you >> Posted: 04•24•18