Chapter 1

2.5K 47 12
                                    


MALAYO pa lamang ay natatanaw na niya ang grupo ng mga tao na nagkukumpulan sa isang tabi. Hindi kalayuan sa pwesto niya. Para bang may pinagkakaguluhan ang mga ito na kung ano, o kung sino sa hallway ng dadaanan niya palabas ng building ng Airport.

Kahit nasa malayo pa ay nahulaan na niya ang posibleng nangyayari. Marahil ay mayroong hinimatay doon, o kaya naman ay may artista kaya naman nagkakagulo ang mga tao.

Ilang hakbang na lamang ang layo niya doon kaya naman naririnig na niya ang pagbubulungan ng mga tao na nakikiusyoso sa paligid.

"Kawawa naman 'yong lalaki. Sana walang masama na mangyari sa kaniya. Ang gwapo pa naman."

"Truth. Ang pogi nga ni kuya."

Halos hindi na niya makita ang tinutukoy ng mga ito na lalaki dahil halos dumumog na ang mga tao doon. Akala mo ay mga nasa peryahan na tumataya sa colour game.

Bakit hindi ito nakikita ng mga personnel dito sa Airport? Tanong niya sa sarili na ewan kung ano ang sagot.

"May Doctor ba dito? Anyone?! Please help." maarteng sigaw ng babae na sa tingin niya ay kasama ng tinutukoy ng mga ito na lalaki na nahimatay.

Sa totoo lang ay pagod na pagod pa siya dahil sa haba ng biyahe. Kababalik lamang niya mula sa Paris kung saan siya um-attend ng conference. Straight na isang linggo ang conference nila at halos hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na mag-unwind man lamang o magpahinga dahil nakatanggap agad siya ng tawag mula sa opisina ng Papa niya. He wanted her to report to his office.

Like I care! Sher rolled her eyes, na para bang nasa harapan lang niya ito.

Lalampasan na sana niya ang pinagkakaguluhan ng mga ito kaya lamang ay naalala niya na Doctor nga pala siya at mayroong sinumpaang tungkulin. "Alright, Oaght. Hindi naman ako tatakbo."

Umikot siya pabalik sa mga ito. "Excuse me, you're blocking my way." sabi niya sa mga nagkukupulan na mga tao sa harapan.

Halos iisang ulo na lumingon ang mga ito sa kaniya. Iyong tingin na nagtatanong kung sino siya. Alam niyang masyado siyang maganda para sa isang Doctor. Mas madalas kasi ay napapagkamalan siyang isang artista, o kaya naman ay isang modelo.

Pero bakit? Bawal ba na magkaroon ng Doctor na kasing ganda niya?

"I need to see the patient." matagal na sandali rin ang lumipas bago nag-umpisang umingli ang mga ito. Unti-unti ay humawi ang mga tao at binigyan siya ng daan papunta sa pasyente na ngayon nga ay nakahandusay na sa sahig.

"I suggest, you give us some space  para makahinga pa ang pasyente. Huwag ninyong takpan ang hangin."

Nilingon siya ng katabing babae ng nakahandusay na lalaki.

"A-are you a Doctor? P-please help me. Please." mababakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala para sa katabi nitong lalaki. Nandoon rin ang pagdududa kung sino siya.

Tipid siyang ngumiti dito. "I'll do, what I can to help him." lumuhod siya sa tabihan ng lalaki at sinipat ang leeg nito. Mayroon pa itong pulso, ngunit mahina na iyon.

"Are you really a Doctor?"

Goodness naman. She can't believe nakuha pa nitong magtanong sa ganitong sitwasyon. Ang ayaw niya sa lahat ay iyong pinagdududahan siya. Well, hindi naman niya ito masisisi. Sa itchura niya ngayon ay hindi talaga siya mukhang Doctor. She's wearing a tattered jeans na halos punit na talaga ang unahang bahagi. Ang pang-itaas naman niya ay puting T-shirt na pinaresan niya ng puting sneakers,  habang ang buhok niya naman ay naka-messy bun.

Aba, malay ba naman niya na may makakasalamuha siyang pasyente along the way? Eh, di sana nagsoot siya ng hospital gown.

"Yes I am." sinipat niya ito ng tingin habang kinukuha ang gamit sa dala niyang bag. "Iinter-viewhin mo ba muna ako bago ko gamutin itong kasama mo?"

Stranger in Disguise (Stranger Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon