Chapter 7

1.3K 42 2
                                    


NAKANGITI siya ng pumasok sa loob ng restaurant na paborito niyang kainan.

Maganda ang gising niya at tinatamad siyang magluto, kaya naman pumunta siya dito para kumain ng late breakfast. Doon siya pumuwesto sa mesa, sa tabi ng glass window.

Nang makaupo na siya ay saka niya dinampot ang menu at pumili ng kakainin niya. Sakto naman na may waiter kaagad na lumapit sa kaniya.

"Isang chicken vegetables salad, please. Samahan mo narin ng fresh orange juice. Thank you." ayun lang at ibinigay na niya dito ang hawak kanina na menu saka siya tumungin sa labas ng bintana.

Napangiti siya ng makita na pumasok rin sa restaurant na iyon ang mag-asawa. Pumuwesto ang mga ito sa mesa sa tabi rin ng bintana, di kalayuan sa pwesto niya. Napapailing na lang siya habang pinapakinggan ang pagtatalo ng dalawa.

"Bakit kapag sinabi ko ba na gusto ko lahat ng nasa menu eh, oorderin mo?"

"Bakit kayong mga babae ang hilig ninyong magpanggap?" si Andrei ang nagsalita.

"Bakit kayong mga lalaki ang hilig ninyong makialam?" sagot dito ng kaharap nitong si Gab.

Napangiti siya sa tinuran nito. She has a point and she likes this girl. Kaya naman ng mag-paalam ito na gagamit ng comfort room ay sinundan niya ito makalipas ang ilang minuto.

Nang buksan niya ang pintuan ay nabungaran niya ito sa harapan ng faucet at naghuhugas ng kamay. Nang magkasalubong ang kanilang mga mata sa salamin ay kaagad siyang ngumiti dito. Hindi naman siya napahiya dahil gumanti rin ito ng ngiti sa kaniya.

She never knew Gab would be this beautiful in person. Totoo nga ang nabalitaan niya na may dugo itong espanyol. Mahahalata sa kutis at hugis ng mga mata nito.

"Hi, this is the first time I saw you here. But I'm sure I've seen you before." bahagya pang nakakunot ang noo niya.

Ngumiti ito sa kaniya. "Sorry, hindi ko rin matandaan eh."

"It's okay girl, anyway I'm Danny." inabot niya dito ang isang kamay niya na tinanggap naman nito.

"I'm Gab, nice to meet you Danny."

"Hmmm... Gab.. Gab.. Gab... I think I heard it before." nagkandahahaba na ang nguso niya sa pag-iisip. Saan nga ba niya ito nakita?

Pabiro siya itong inirapan. "Marami akong kapangalan."

She chuckled. "Hmmm. Baka nga, by the way sino ang member na nag-invite sa iyo dito sa isla?" tanong niya dito kahit alam na niya ang sagot.

"Invite? Kailangan pa ba ng imbitasyon para makapasok dito?"

Napangiti siya. "You're a newbie, I see. Sabi ko na nga ba at wala kang alam. Well, that's good. Yes, kailangan mo ng invitation from one of the club members para makapasok ka dito sa loob. Mayroon kasi silang mga guest lists dito. Kapag wala ka sa guest list ng kahit na sinong member ay hindi ka nila papapasukin. Siyempre, kasi private island ito." mahaba niyang paliwanag dito. "So, sino nga ang member na kasama mong nagpunta dito sa isla?"

Ngumiti ito. "I don't know if that idiot out there is a member but, his name is Andrei."

"Huwat??? Si Andrei? The King?" kunway nagulat niyang sabi.

"The King? As in Hari? Bakit?" nagtataka nitong tanong.

"Siya kasi ang may-ari ng isla at ang Hari ng lugar na ito."

"I see."

"You must be the mysterious wifey." kinikilig niyang sabi dito.

"Mysterious wifey?"

Stranger in Disguise (Stranger Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon