"SAAN mo ba ako dadalhin, lalaki ka?"Kanina pa sila nito naglalakad ngunit hanggang ngayon ay hindi parin nila nararating ang sinasabi nito na surprise sa kaniya.
Maaga siya nitong binulabog sa kaniyang botique at kinaladkad siya papunta sa kagubatan. Yes, kinaladkad dahil hindi pa naman siya umo-oo dito ay basta na lamang siya nitong hinila pasakay sa sasakyan nito. Ang akala niya ay doon siya nito dadalhin sa lugar na una nitong pinagdalhan sa kaniya, ngunit nagkamali siya.
Mukhang hindi sila nito sa waterfalls pupunta dahil nakalampas na sila doon kanina pa. Ngayon nga ay tinatahak nila ang daan kung saan may kataasan ang mga ligaw na halaman at damuhan.
"Shhhh.. Be patient. Malapit na tayo. Huwag kang masyadong maingay at baka mabulabog mo ang mga ahas sa paligid."
"A-ahas?" nahintatakutan siya sa sinabi nito kaya naman napakapit siya sa braso nito at nagsumiksik siya rito.
Matapos ang mahaba-haba pang lakarin sa wakas ay tumigil rin silang dalawa sa paglalakad. Humarap ito sa kaniya ng nakangiti. "Here's my surprise."
Umalis ito sa kaniyang harapan at bumungad sa kaniya ang napakagandang tanawin. Isang napakaganda at napakalawak na sunflower field. "Wow." iyon lamang ang tanging lumabas sa bibig niya. Paanoy masyado siyang humanga sa ganda ng tanawin sa kaniyang harapan. To be honest, ngayon lamang siya nakakita ng sunflowerfield. Paanoy hindi naman niya nabibigyan ng panahon ang sarili na magpunta sa mga pasyalan. Ngayon lang. Nakakatuwa dahil para bang nagtipon-tipon ang mga maliliit na araw at namalagi sa isang lugar.
Napakalawak ng nasakop ng mga bulaklak na ito. Kahit ata magpagawa siya ng mansion sa lugar ay napakalaki parin ng matitirang espasio. Napasulyap siya sa kalangitan. Mukhang hindi maganda ang panahon at nagbabadiya rin ang malakas na pag-ulan. Mas magabda siguro roon ang tanawin kung nakatirik ang araw. Ganoon paman ay hindi naman niyon nabawasan ang taglay na kagandahan ng paligid.
"Ang daming sunflower.. Nanganganak rin ba sila ng barya?" nang humarap siya dito ay nakakunot ang noo nito.
"Barya?"
"Oo. Yung sa plants versus zombies?" natutop niya ang bibig. "Oh my... May zombies rin ba dito?!" eksaherado niyang sabi dito.
Lumapit ito sa kaniya at mahina siyang pinitik sa noo. "Kumalma ka nga. Ang weird mo." tatawa-tawa nitong sabi sa kaniya.
Pabiro rin niya itong inirapan saka niya muling nilibot ang paningin sa paligid. Makulimlim noon, tila nagbabadiya ang malakas na pag-ulan. "They're so beautiful." kinuha niya ang cellphone mula sa soot na pantalon saka niya kinuhanan ng larawan ang magandang tanawin sa harapan.
"You like it?"
Nilingon niya ito. Tumango siya dito bilang tugon. "Let's take a picture?" inabot niya ang kamay nito at saka ito hinila sa tabihan niya.
Nasa kalagitnaan sila noon ng pagkuha ng larawan ng mag-umpisang pumatak ang malalaking butil ng ulan.
Nagkatinginan sila nito at sabay na nagtawanan. Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya siyang tumakbo papunta sa direksiyon kung saan naroon ang nakatayong tree house.
Halos natatanaw na nila ang tree house ng lumabas mula doon sina Gab at Andrei at masayang naghabulan ang dalawa sa ulanan.
Kaagad siyang tumigil sa pagtakbo at pinigilan si Dale. "They look so happy together. Huwag na natin silang istorbohin." makikita mo sa dalawang ito na mahal naman nila ang isat-isa. Ngunit pareho nilang hindi iyon alam.
Well, someone must confess.
"Yeah. Doon na lamang tayo sumilong sa cabin."
Nag-umpisa ng lumakas ang ihip ng hangin kasabay ng manaka-nakang pagkulog at pagkidlat. Napahigpit tuloy ang kapit niya dito. "Tara na."

BINABASA MO ANG
Stranger in Disguise (Stranger Series 3)
Romansa(R-18) Read at your own risk...😉 ======≠=============== "I never planned to love you, but I'm happy that I did." We all have addiction. Mine, just happen to be Ross Dale Celemente. Hot, handsome, fafalicious and the most yummylicious man on earth...