AN: I know, sobrang tagal ng update ko 😅. Pasensiya na kayo dearest. So here's the next chapter, hope you enjoy this update ❤️
================================
MAGKAHAWAK kamay sila ni Dale habang papunta sa pwesto na kinuha nito para sa kanilang dalawa.
Halos magka-sabay sila nitong napalingon nang may naulinigan silang tumawag sa pangalan nito.
"Dale, hijo."
Nang lingunin niya kung sino iyon ay parang gusto na niyang tumakbo palabas doon, palayo sa mga ito....
"Granny." nakangiti nitong bati sa ginang na tumawag dito.
It was Matilde Clemente.....
And there's no way she could turn her back now....
Pasimple siyang bumitaw sa pagkakahawak ni Dale sa kaniyang kamay ngunit, ang huli ay ayaw siyang bitawan. Mas lalo pa nga nitong hinigpitan.
Of course she knows her. In front of her is Matilde Clemente, at ang pamilya lang naman nito ang nag-mamay-ari ng limang naglalakihang gusali sa ka-maynilaan at bukod pa ang mga kilalang establishments sa loob at labas ng Maynila, maging sa karatig na bansa. Isa ito sa mga batikan at talagang kinikilala pagdating sa larangan ng negosyo. Kilala rin ito bilang isang istrikto ngunit may puso sa kaniyang mga empleyado at mapagmahal na ina at lola sa kaniyang mga apo.
At ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ito. Dati kasi ay hanggang tanaw lamang siya dito. She was a stalker. Kaya naman hindi siya makapaniwala at hindi niya alam ang gagawin niya ngayong nasa harap na niya ang pamosong ginang ng Clemente clans. Ang pinanggalingan ng lahi ni Dale.
Pinagmasdan niya ang dalawa.
Can I just disappear?
Why am I here? Why is she here?
Parang ngayon lamang pumasok sa isip niya kung nasaan sila. Inilibot niyang muli ang paningin sa loob ng naturang restaurant at tama nga ang naisip niya. Napapikit na lamang siya. Damn, and they own this place.
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis nang lumapit dito si Dale habang hindi parin binibitawan ang kamay niya. Yumakap ito sa ginang at humalik sa pisngi. Doon naman siya nagkaroon ng pagkakataon na kumawala sa pagkakahawak nito sa kamay niya.
"I miss you, Granny."
Pabiro itong hinampas ng ginang sa braso nito. "Stop saying you miss me, you handsome boy. Hindi ka nga makaalalang bisitahin ako." mahihimigan ng pagtatampo ang boses nito.
Napatawa si Dale dito. "I love you, Granny."
Napangiti na lamang siya ng 'di niya namamalayan dahil sa nakikitang magandang tanawin sa kaniyang harapan...
How could I do that? She almost killed him to avenge her mother..... She almost killed someone else's son, someone else's favorite grandson and the man she loves....
How could a sweet boy like Dale killed someone like her mother? Did he really kill her?
Those are the questions...
Pakiramdam niya ay nanliliit siya ngayon sa sarili.. Napakarami na kasi niyang nagawa na masama dito and yet, nasa tabi parin niya ito. She doesn't deserve this man..
Bago paman tuluyang gumulo ang isip niya ay nagpasya na siyang lisanin ang lugar na iyon ngunit kapag minamalas talaga, napasulyap sa gawi niya ang ginang. "Aren't you going to introduce me to her?"

BINABASA MO ANG
Stranger in Disguise (Stranger Series 3)
Romance(R-18) Read at your own risk...😉 ======≠=============== "I never planned to love you, but I'm happy that I did." We all have addiction. Mine, just happen to be Ross Dale Celemente. Hot, handsome, fafalicious and the most yummylicious man on earth...