Chapter 6

1.3K 42 2
                                    


BINUKSAN niya ng kaunti ang bintana sa harapan at saka ipinuwesto ang hawak niyang teleskopyo.

Napangiti siya ng makita si Dale mula sa butas ng teleskopyo niya. There you are baby boy.

Sinulyapan niya ang orasang pambisig. It's quarter after eight. Mukhang tinanghali ata ito ng gising ngayon. Kadalasan kasi ay ala-siyete pa lamang ay nandoon na ito sa paborito nitong spot ng restaurant at kumakain ng almusal nito. Ngunit bago iyon ay may routine pa ito na ginagawa sa umaga pagkagising. Nagja-jogging ito sa malawak na green field sa isla malapit sa napakalawak na golf course. Pagkatapos noon ay magpapahinga muna ito ng tatlumpong minuto bago magpunta sa paborito nitong restaurant para kumain ng almusal.

Yes, ini-stalk niya si Dale. Hindi naman talaga obvious. She couldn't stop herself from admiring this man from a far.

Napangiti siya ng mahuli ang ginawa nitong pagsubo sa pobreng bacon na natusok sa hawak nitong tinidor.. Gosh, pati sa pagkain ng pobreng bacon ay ang sexy nitong tingnan... Parang gusto tuloy niyang maging tinidor.

Napalunok siya ng mapagmasdan ang natural na mapupula nitong mga labi... Damn.. I wish I could taste those sexy lips....

Napangiti siya ng biglang may naalala. Oh, well nahalikan na naman siya nito ngunit hindi naman niya iyon tanda. Mas maganda siguro kung nasa huwisyo siya sa mga ganoong kaganapan. Hihihi...

Nahigit niya ang hininga ng bigla itong lumingon sa gawi niya at nagsalubong ang kanilang mga mata. Mabilis pa sa alas-kwatro na umalis siya sa harapan ng bintana at pumuwesto sa tabihan habang sapo-sapo ang kaniyang dibdib.

"Gosh!! Nakita niya kaya ako?" kay lakas ng tibok ng puso niya akala mo ay isa siyang magnanakaw na nahuli sa akto. Pinalipas niya muna ang ilang minuto bago muling pumuwesto sa  bintana at sumilip sa kaniyang munting teleskopyo.
"Hmm.. Where are you my baby boy?"

Nadismaya siya ng hindi na ito makita sa pwesto nito kanina kaya naman iniba na niya ang direksiyon ng teleskopyo at hinanap ito sa paligid.

Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng shop sa kaniyang likuran kasabay ng munting impit na tili ng mga customers niyang babae. She almost rolled her eyes. Heto na naman ang mga babaeng ito na wala ng ibang ginawa kung hindi ang magpakalat-kalat kung saan saan at dumikit sa mga club members. Leeches...

"Welcome to my shop. Sige lang, pili lang kayo ng gusto niyo. Enjoy shopping." sabi niya na hindi nililingon ang mga ito. Abala pa kasi siya sa paghahanap sa Dale niya.

"Hmm... Baby boy, where are you?" may kumalabit muli sa likuran niya. "Yeah? Are you done shopping?" tanong niya dito nang hindi ito nililingon. "Sige lang mag-shopping ka pa diyan. Get three items and I'll give you one item for free."

Naiinis na siya dahil hindi na niya makita si Dale sa loob ng restaurant. Saan kaya nagsuot ang baby boy niya?

May makulit na kumalabit na naman sa likuran niya. "Pakilagay na lang muna diyan sa counter ang pinamili mo. Hinahanap ko lang ang baby boy ko."

Naramdaman niya na may tumabi sa kaniya at nakisilip sa teleskopyo niya.

"Ano ba ang sinisilip mo diyan?"

Napatuwid siya ng tayo pagkarinig sa pamilyar na baritonong boses sa tabi niya. Nilingon niya ang nagsalita at daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig ng mapagsino ito.

"Y-you're here? H-hi!" damn it, she's stuttering!

Kinuha nito ang teleskopyo niya. "Yeah, I've been here for like three  minutes I guess." sabi nito habang nakikisilip sa teleskopyo niya.

Stranger in Disguise (Stranger Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon